Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you!
Hunter Online Book 1 is still available for only 275 pesos, grab your copy now!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"AYOS ka lang?" Tanong sa akin ni Dion habang naglalakad kami sa street na hindi kalayuan sa hotel na tinutuluyan namin. Kahit walang tiyaga sa mga lakad-lakad at takbo itong kasama ko.
Hindi pa rin mawala sa isipan ko 'yong pangyayari kanina kung paano binu-bully ng Korean team si Turbo. Oo, import player siya pero hindi naman rason 'yon para lang saktan nila ito physically.
"Isipin mo, this is the highest level of competition para sa isang Esports pero hanggang dito ba naman ay nagkaroroon pa rin ng ganitong klaseng senaryo. Hindi ko lang maisip na handang ibenta ni Turbo ang laro para lang makaalis siya sa Griffin KR." Kuwento ko kay Dion. I checked the time at may ilang minuto pa bago magsimula ang meeting namin na buong team.
"Ilang taon na ako sa pro scene at hindi talaga maiiwasan na may mga internal conflicts. Naalala mo 'yong issue ni Liu sa Battle Cry noon? 'Yong issue ni Kaden noong nasa Orient Crown." Paliwanag ni Dion at napatango-tango naman ako. "Siyempre, lahat ng internal conflicts should be resolve internally. Pero iba ang sitwasyon nitong sa Griffin KR, sa oras na lumabas ang tungkol dito sa pagtatapon ng laro ay damay-damay silang lahat."
"That's the reason why I do not have any plans to accept Turbo's offer. Ayokong sumabit ang Yugto Pilipinas, hindi na lang team ang dala namin. Bansa na." I assured to Dion. As much as I want to help Turbo with his situation pero hindi tama ang naiisip niyang paraan para makaalis sa team niya, dinudungisan niya lang ang career na na-establish niya sa Esports.
Sa ilang minuto naming paglalakad ay hindi namin namalayan na nasa tapat na kami ng hotel. Sa ibang hotel kasi naka-check in sila Dion at sila Kuya dahil na rin late na nila na-book ang flight kung kaya't punuan na rin ang mga hotel malapit sa arena.
Sakto lang din na kararating lang nila Callie at Larkin na mukha rin galing sa galaan.
"Naks naman! Date after match, what a goal." Natatawang sabi ni Larkin na naglalakad papalapit sa amin. Nakipag-apir silang dalawa ni Callie kay Dion. "Hanggang Singapore ba naman makikita namin 'yang kaharutan ninyo."
"Kapag kayo hindi naglaplapan kapag nag-champion tayo, magku-quit talaga ako sa pro scene." Biro din ni Callie.
"Alam ninyo, nasobrahan na kayo sa romance movie. Ang OA na ng utak ninyo pagdating sa mga ganyan. Never ko 'yong gagawin." Sabat ko sa kanila.
"Ay wow, ngayon ka pa talaga nahiya matapos ninyong maghalikan ni Dion noong birthday mo. Nandoon din kaming lahat no'n!" Sabi ni Larkin sa akin at namula ang mukha ko dahil biglaan lang din ang pangyayaring iyon (but plus points kay Dion dahil nanghingi siya ng permission). Biglang pinadausdos ni Larkin ang daliri niya sa ilong ko. "Sus, kinikilig ka pa diyan, Captain, baka masira pa laro mo niyan."