AUTHOR'S POV
Taimtim na pinapanood ni Aiden ang labanan ni Emery at Ailey. Kanina pa siya mukhang kalmado ngunit sa kaloob-looban niya ay ramdam niya ang tinding kaba. Ang kaniyang mga kulay silver na mga mata ay may kislap ng kung anong lungkot habang naka tingin kay Emery na nasa katauhan ni Samara.
If he didn't took Samara, hindi ba magkakaganito ang lahat?
Ngayon ay nakaramdam ng matinding guilt ang puso ni Aiden. Being an Alpha is really a burden job. Lot's of sacrifices would happen para lang maligtas ang lahat.
Mula sa kaniyang bulsa ay inilabas ni Aiden ang patalim na ibinigay ni Orlana sa kaniya kanina. Ang patalim na may pulang blade. Pumikit siya sabay huminga nang malamin at sa muling pag dilat ng kaniyang mga mata ay puno na ito ng pagka desidido.
Tatapusin na niya ang lahat ng 'to.
Sa isang mabilis na pangyayari ay agad niyang nailayo si Ailey kay Emery gamit ng mabilis na pagtakbo nito.
"Alpha... " nanghihinang sabi ni Ailey.
"Good job, Ailey. I'll take it from here..." sabi ni Aiden bago hinarap si Emery.
Nang makita ni Emery si Aiden ay saglit na napatawa ito. "What? Bibigyan mo ba ako ng mahaba-habang sermon?" ngisi nito.
"No." Ngumiti nang malumanay si Aiden sabay itinutok sa dibdib niya ang patalim. "I'm sorry, Samara... but I can't kill you." Pagkasabi niya no'n ay ibinaon niya ang patalim sa kaniyang dibdib kung saan ang kaniyang puso. Agad na na-realize ni Emery kung ano iyon kaya napasigaw ito.
"Noooo!" Ngunit nahuli na ito. Tuluyan nang naibaon ni Aiden ang kutsilyo sa kaniyang dibdib.
Napakasakit...
Ramdam niya ang malamig na metal na pumasok sa katawan niya kasunod no'n ang matinding sakit. Bago pa siya bumagsak sa lupa ay nakita niya pa kung paano magwala si Emery na para bang nasusunog ito. Ilang saglit lang ay may itim na usok ang lumabas sa bibig nito pagkatapos no'n ay ang pagbagsak din ng dalaga sa lupa.
Napatitig si Aiden sa madilim na kalangitan. Napakaraming nag niningning na bituin sa langit. Ang gabing iyon ay nagdala ng bangungot sa buong Red Lunar pack pero sa gabing iyon sinigurado ni Aiden na magtatapos ang lahat ng laban. Napatingin siyang muli kay Samara na nakahiga na rin sa lupa. Muli niyang pinakinggan ang pintig ng puso nito ngunit bigo itong makarinig ng kahit anong pintig. Unti-unti nang nanlalabo ang paningin ni Aiden dahil sa unti-unting pagbagsak ng mga luha dito. Bawat segundo ay bumibigat na rin ang kaniyang paghinga. Bawat segundo ay parang namamanhid na ang kaniyang katawan.
Sa huli... nabigo siyang protektahan ang nag-iisa niyang Luna.
Forgive me... my Luna...
***
Naluluhang binibigyan ng healing spell ni Ailey ang parehong Alpha at Luna ng Red Lunar pack. Parehong magkatabi na ngayon ang katawan ng dalawa. Kasama niya na rin si Andrei na gising na gising na. Masakit pa rin ang mga sugat nito ngunit mas pinili niyang alalayan si Ailey. Mukhang naka ilang minuto na rin si Ailey sa pagpilit na pag-heal sa dalawa. As time goes by, mas nawawalan na sila ng pag-asa.Halos kinse minutos na sina Andrei at Samara na walang kahit na anong pulso.
Please.... Please...
Paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ni Ailey ang pagmamakaawa. Halata sa kaniyang kamay ang panginginig ng mga ito. Marami na siyang nagamit na spells kanina mag mula noong kinalaban niya si Emery.

BINABASA MO ANG
Werewolf Series #1: Hidden Mate
WerewolfThere are a lot of tales as old as time- blood sucker Vampire, small Fairies, wicked Witches... Aliens! One thing they say, tales are tales. However, what if they really turned to exist in reality? Samara Torres never would've imagined an unexpect...