ELVIRA / LIORA
Nakangiting hinawakan ni mommy ang kamay ko. Pansin kong nabunutan na siya ng tinik sa dibdib dahil sa wakas ay gising na ako, ngunit alam kong may kulang dahil kahit hindi niya sabihin sa akin ay nakikita ko naman sa kanyang mata ang lungkot at labis na pangungulila.
When I finally woke up, I found that I had been in a comatose state for two months. Dalawang buwan akong nakahiga sa hospital bed at hindi alam nina mommy kung kailan ako magigising.
Adel and I are both in a deep state of unconsciousness. Dahil sa pagkahulog namin sa Lumina Cruise kaya ’yon nangyari. Until the miracle happened, or let's just say that Adel saved me so I could return to this world.
Tatlong araw na rin ang nakalipas mula nang buhay akong nakabalik. Ngunit sa kasamaang-palad ay bumigay ang katawan ni Adel. She is gone and Daddy Leonard is taking care of her funeral reception.
“Kumain ka para bumalik ang lakas mo,” ani mommy. Nginitian niya ako ngunit hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.
She is still in the stage of pain, bereavement and grief. I can't blame her because she lost a daughter. Hindi ko rin matanggap ang pagkawala ni Adel kahit pa na marami siyang nagawang kasalanan sa akin.
She is still my sister. I will never forget her sacrifice just to save me. Siya ang dahilan kung bakit nakabalik ako sa mundong ito. Kailanman ay hindi ko siya makalilimutan. Her memories will never be forgotten. She is gone but she will remain forever in our hearts.
But I remembered something.
“Mom? Can I ask something?”
She nodded. “Sure, go ahead.”
I took a deep breath to gather the courage to ask this question. Gusto kong marinig mismo sa bibig niya ang totoo.
“Totoo po ba na ampon din si Adel?” Even though I hesitated, I still managed to ask that.
Natigilan siya at ilang minutong hindi nakaimik. I waited patiently for her to answer. Bumuntong hininga siya bago niya ako namimighati na tiningnan.
“Oo, hija. Ampon din namin siya ng daddy mo,” sagot niya kaya sa pagkakataong ito ay ako naman ang hindi nakaimik.
“Sanggol pa lang siya nang ampunin namin siya. May problema ako sa obaryo kaya hindi kami mabiyayaan ng anak ni Leonard. Kaya naisip namin na pumunta sa bahay-ampunan at doon namin nakilala si Adel,” paliwanag niya at napayuko.
“She was around six months old when she was left at the orphanage. No one knows who her parents are and they can't be found either. Natagpuan na lang siya sa labas ng gate. Kaya nagpasya kami na ampunin siya at ituring na anak. Patawad kung tinago namin ang totoo,” dugtong niya.
“Is she aware that she is also adopted?"
Mom nodded her head, so we were both silent for a few minutes. Naramdaman ko na lang ang masuyong paghawak ni mommy sa aking kamay.
“Pantay ang pagmamahal namin ni Leonard sa inyo ni Adel. Pareho namin kayo na itinuturing na parang tunay na anak. A-Ang pagmamahal ko sa inyong dalawa ay walang hanggan. Kaligtasan n'yo lang dalawa ang tangi naming dasal, n-ngunit wala akong magagawa kung ito ang nakatadhana,” nakangiti ngunit nanginginig niyang saad.
I smiled and gently squeezed her hand.
“Adel loves you too, mom. Kahit anong mangyari ay kapatid ko pa rin siya,” madamdamin kong wika na naging dahilan para tumulo ang kanyang luha.
I wiped it with my thumb finger.
“Anyway, pupuntahan pala namin ng daddy mo mamaya ang taong nagligtas sa iyo para pasalamatan siya. He is in the other ward room and is also recovering. Nasaksak kasi siya ni Mikel pero huwag kang mag-alala, nakakulong na ang lalaking iyon pati ang mga kaibigan niya.”
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Nagligtas po sa akin?”
“Oo, hija. Someone saved you. Hindi mo ba naaalala ’yong lalaking tumulong sa iyo sa Lumina Cruise?"
Napaisip ako sa sinabi niya. Bigla ko ring naalala ang estranghero na lalaking nagligtas sa akin. I also remembered that I saw a figure swimming towards me to save me and prevent me from going into the deep sea. Is he the tall stranger guy wearing an expensive black suit?
“Pero may tumulak sa amin ni Adel kaya kami nahulog sa dagat,” I said as I remembered that person who pushed us. Palaisipan sa akin kung sino iyon.
“Yes, someone pushed you and Adel and the police are looking for her now.”
“Her?”
Tumango si mommy. May kinuha siya sa bag niya at may ipinakita siya sa akin na litrato ng babae at pamilyar siya sa akin. Hindi ako pwedeng magkamali, nakita ko na siya!
“Siya ang tumulak sa inyo ni Adel, pero hindi pa siya mahanap ng pulis. Mabuti na lamang ay may CCTV banda sa pinangyarihan ng krimen kaya na-identify kung sino ang mga nagtangka sa buhay mo, and now they are in jail. But this person, she is nowhere to be found.” Halata ko sa boses ni mommy ang kaguluhan. Nahihiwagaan siya sa babaeng nasa litrato.
“The police have been looking for her everywhere, but they can't find her. Two months na ang lumipas. Dinoble check na rin nila ang lahat ng CCTV na meron sa Lumina Cruise pero hindi siya nakita kung saan siya dumaan. Para siyang bula na bigla na lang naglaho,” she added.
Kahit ako ay nahihiwagaan din. I have seen this girl. Siya ‘yong estudyanteng babae na tumulong at humatak sa akin noong araw na inabangan ako ni Adel at ng mga alipores niya sa hallway.
She is also holding the Shadows of Lumina book, pero bakit? Bakit niya kami tinulak? Anong kasalanan ko para gawin niya iyon? I don't even know her.
“Ibabalik ko rin pala ito sa taong nagligtas sa iyo,” muling salita ni mommy kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya. She was holding a pendant but my eyebrows met because it was familiar to me.
Ito ang kwintas na binigay ko kay Hawhaw. Nasa akin ang bow at ang arrow ang binigay ko sa kanya noon. Agad ko itong kinuha kay mommy bago ko hinawakan ang suot kong pendant. Pinagdikit ko ang kwintas, and the pendant immediately stuck together.
Naluha ako sa tuwa. Sigurado ako na ito ang binigay ko noon kay Hawhaw. Tanda ko pa ang sinabi niya na kapag hindi ko siya binisita sa bahay-ampunan ay hahanapin niya ako. Don't tell me na si Hawhaw at ang estranghero na nagligtas sa akin ay iisa?
“Nasaan po ang may-ari nito?” nasasabik kong tanong kay mommy.
“Nasa kabilang ward room. Bakit mo naman natanong?” sagot niya kahit nagtataka siya sa akin.
“Gusto ko po siyang makita.”
#
A/N: Sorry po kung matagal bago ako ulit mag-update.

BINABASA MO ANG
The Cursed Princess (Resurrection Series #3)
FantasyShe is Elvira Anderson, beautiful and intelligent woman. Adopted by the Anderson family. Currently studying at Edenbrook University. Adel, the biological daughter of Mabel and Leonard Anderson, hates her so much that she almost wants her out of thei...