抖阴社区

Chapter 14

380 5 1
                                        


I WAS SITTING beside my Mom's bed. Kumakain ito ng mansanas habang kinikilatis ang lalaking nakaupo hindi malayo saamin. He's innocently reading the newspaper na hindi ko naman alam kung saan niya iyon nakuha.


"W-What's wrong?" kinakabahang usal ko nu'ng mapansin ang panliliit ng mata ni Mommy kay Seven.

It's been a day since something happened inside that staff room, mas domoble pa ang pagiging clingy saakin ni Seven and for shit sake. Hindi na ito bumalik sa mental, isang araw na rin akong hindi nakapagtrabaho dahil sa pag aalaga kay Mommy, she didn't get any major injuries pero kung maka asta kasi ito ay parang nasagasaan siya ng sampung truck. Napaka oa kung umasta at gustong ako raw ang mag alaga sa kaniya kahit nandiyan naman si Manang Perla.

Now... Seven's staying here too, kahit anong tulak ko nito ay bumabalik pa rin. He is really persistent. Ngayon ay pinag iisipan ko na kung anong excuse ang sasabihin ko nito kapag nalaman ni Mr. Nicolai na nandito itong si Seven.

"He's really familiar..." Bulong ni Mommy, napangiwi naman ako at napatingin din kay Seven. Sa mga oras na nandito ito ay hindi tinantanan ni mommy ng titig itong lalaki. Ewan ko ba at parang mas naging alisto si Mommy kapag lumalapit si Seven sa kaniya, ewan ko nga rin sa lalaking ito. He said he wants to be a good boy in front of my mother daw para magpakitang gilas pero every time ginagawa niya iyon ay sinaside eye lang siya ni Mommy.

"Baka nakita niyo lang po siya somewhere."

Nang mag tanghali ay saglit lang akong dumaan sa hospital to send my report and para magpaalam na rin na ilang araw akong hindi makakapagtrabaho. I want to take care of my mother, ewan ko ba parang natatakot na akong iwan ito
dahil hindi ko alam kung baka ano na ang mangyayari sa kaniya. As expected, Seven followed me around, hindi na ako nagulat nang wala man lang reaksyon ang mga doctors na nakakita saamin paglabas ng hospital, para bang sanay na ang mga itong makita si Seven na nakakalabas.

When we came back to the hospital my eyebrow immediately raised as I heard my mother's laugh. Hindi pa nga ako nakakapasok ay rinig na rinig ko na ang boses nito, my heart melted hearing her laughed again. Pero sino naman kaya ang nagpapatawa sa kaniya ng ganito?

Tinignan ko muna si Seven sa likod ko na nakatitig lamang sa magkasaklop naming mga kamay, isa pa 'to ayaw talagang bumitaw. Binuksan ko na ang pinto, bumungad kaagad saakin sina Mommy na kausap ang doctor na lalaki.

"Oh dear you are here—" nawala kaagad ang ngiti ni Mommy nu'ng makita ang katabi ko. "—And he's also here."

Napailing iling na lamang ako. "I brought some food." Kinalas ko muna ang paghawak kay Seven, narinig ko pa ang mahina niyang daing ngunit hindi ko na lamang siya pinansin. Kanina pa 'to ah! Pinagpapawisan na ang kamay ko dahil hindi na nahahanginan sa pagdikit ng kamay niya saakin.

"Good afternoon po," bati ko sa doctor. Tumango naman ito at nginitian ako.

"Good afternoon din, Ysana." I smiled, parang napakagaan talaga ng loob ko sa isang 'to. He's been checking on my mom's condition kaya na familiaran ko na rin ang mukha nito.

Paglingon ko kay mommy ay titig na titig siya sa doctor kaya kaagad nanliit ang mga mata ko. Hmm... Something's fishy...

"Oh nandito na pala kayo," usal ng kakarating lamang na si Manang Perla. "Madidischarge na ang mommy mo ngayon kaya—"

"Ouch! My head..." Halos abot na sa kisame ang kilay ko sa pagtaas nu'ng bigla na lamang umarte si Mommy na nasasaktan sa ulo.

"She's so bad at acting." Bulong ni Seven saakin, I bite my lower lips to stop myself from laughing, talagang alam niyang nag aacting si Mommy kasi gawain niya rin iyon eh.

His Dangerous ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon