抖阴社区

CHAPTER 20

12 1 0
                                        

CHAPTER 20

SOBRA ang kabang nararamdaman ko ngayon habang nag lalakad kami papasok sa loob ng malaking bahay. Naka akbay lang saakin ang asawa ni papa habang naka ngiti ngunit hindi siya nag sasalita.

Napaka bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko na nga alam kung ano pang iisipin ko o kung ano ba ang dapat kung gawin.

Nag tataka lang ako kung bakit ang bait sakin ng asawa ni papa gayong alam naman pala niya kung sino ako. Nag babait-baitan lang ba siya because of my father?

Mas tumindi pa ang kaba ko nang maka pasok kami sa loob ng bahay at bumungad saamin ang napaka lakas na tugtog na nanggagaling sa isang malaking speaker.

The song was Sagada by Cup of Joe. My favorite song.

"Camael Diego, Turn Off your Speaker! We have a visitor." malakas na sigaw ng asawa ni papa at sa isang saglit lang tumahimik ang buong bahay.

"Sinong bisita mom?" boses iyon ng lalaki na nag mula sa second floor at nang mag angat ako ng tingin ay isang lalaking nag cecellphone ang nakita kong pababa sa hagdan.

He's wearing a blue hoddie.

Kapansin pansin rin ang kulay blonde niyang buhok. Hindi ko na kailangang hulaan kung sino siya dahil sigurado akong anak siya ni papa. Mag kamukhang mag kamukha silang dalawa at parang pinabata lang ang binatang nag lalakad pababa sa hagdan.

"He's Camael Diego your brother." bulong sakin ng asawa ni papa kaya sakanya napunta ang atensyon ko. Nakangiti lang siya. "Pasaway 'yang kuya mo at napaka kulit kaya wag ka ng magugulat sa ugali niya." dagdag pa niya.

Tiningnan kong muli ang kuya ko raw na nag lalakad palapit saamin. Hindi parin siya naka tingin saamin dahil naka fucos lang ang mga mata niya sa cellphone.

Bigla namang nanlaki ang mga mata niya at napa awang ang labi nang makita ako. Napa kurap kurap pa siya ng ilang beses na para bang sinisigurado kung hindi siya namamalikmata.

"Hi.." nakangiting pag bati ko sakaniya pero nagulat ako nang mabilis siyang nag lakad palapit sakin at niyakap ako ng mahigpit kaya wala akong ibang nagawa kundi ang gumanti ng yakap.

"Are you really my sister? Wait.. You do really look like dad so there's no doubt that you're my sister." wika niya nang humiwalay sa pag kakayakap sakin. Napaka bilis niyang mag salita at naka titig lang sa mukha ko.

"Camael don't scare your sister." nawala ang atensyon ko kay camael nang marinig ko ang boses ni papa mula sa kusina.

Naka suot siya ng apron at may malawak na ngiti habang naka tingin saakin. Naka akbay siya sa asawa niya na nakangiti rin.

Nagulat naman ako nang hawakan ni camael ang kamay ko at hinila ako palapit sa table kung nasaan ang mag asawa.

May mga iba't ibang pagkain na naka handa sa mesa. At lahat 'yon ay mukhang masasarap. "Sino pong may birthday?" tanong ko dahil sa dami ng pagkain sa hapag kainan.

"It's all for you, baby." ani ni dad.

"Po?" takang tanong ko.

"Your dad cook it for you, Gabriella." naka ngiting ani ng asawa ni papa. Natigilan ako at tumitig sa mga pagkain na nasa harapan namin.

"I'm Elaine Dela Cruz, You can call me tita but I would love it if you will call me mama or mommy." nagulat pa ako sa tinuran ng asawa ni papa. Napatingin ako kay papa pero nginitian niya lang ako pati si kuya camael ay naka ngiti lang din.

"I'll go with tita po muna." awkward akong ngumiti sakanya. Tumango tango naman siya pero naka ngiti parin. Inabutan niya ako ng pinggan na may lamanang kanin na tinanggap ko naman. "Salamat po" pag papasalamat ko.

IF HEAVEN WILL ALLOW US (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon