7 years ago
CK'S POV
"Mama mama. Can I play with them po?" Tanong sa akin ng panganay naming anak ni Jhai na si Kenneth
Tinuturo nya sa akin ang mga anak nung anim na masaya ng naglalaro sa bakuran nina Jade na nasa tapat lang ng bahay namin.
"Tapos na ba ang mga assignment mo?"
"Opo mama. Sige na po please?"
"I'll check it muna before you can go"
Dali dali naman nyang ipinakita sa akin ang mga nasagutan na nyang assignment.
Matalino na bata si Kenneth. Sa edad na anim na taong gulang kaya na nyang sagutin lahat ng tanong sa kanya. Ang matured din ng isip nya sa edad nya.
Naiintindihan na nya ang lahat ng bagay bagay sa paligid nya. Pangarap nga rin nitong maging Doktor, tulad daw ng daddylo nya.
Hindi ako ahh. Kundi ang lolo haha.
"Right mama? I'm done na po"
"Sige na nga. Pero huwag masyadong malikot doon ahh? Baka natutulog ang baby nina tita Stevie ninyo"
"Okay po"
"Pakisabi din sa kaniya na sunod kami ni mommy later"
"Noted po mama. I love you po"
"I love you anak. You can go na"
After nyang humalik sa pisngi ko ay tumakbo na sya palabas ng gate.
"Ingat ka"
"Opo"
Sa pamilya Vergara ako lang ang bumukod. Naiintindihan naman ni papa. At malapit lang naman sa amin ang mansyon. Ayaw ko kaseng masanay ang mga anak ko na lumaki sa isang napakalaking bahay. ayokong maging mayabang sila sa paningin ng ibang tao. At para na rin hindi mailang ang mga kaklase nila sa uri ng pamumuhay namin.
Bilang bata maraming tanong si Kenneth about sa amin ni Jhai. Bakit daw pareho kaming babae. Then nagtatanong pa sya na diba ginawa ni god na ang girl is para sa boy?
Mahirap sagutin ang tanong ng bata. Buti malawak ang pang unawa ni Jhai at sya ang nagpaliwanag ng lahat sa tanong ni Kenneth. Lalo na lumaki sila na kasa kasama ay girl couples. Kaya sigurado ako na naghahalo sa utak nya lahat ng nangyayari.
"Oh nasaan na yung anak mo? Nagbanyo lang kami ni karlo nawala na sya"
"Ayun na nagtatakbo kina Mads. Kanina nya pa nakikita yung apat ehh kaya minadali na siguro mga gawain nya"
"Natapos naman ba?"
"Yes master. Hindi ko naman sya papayagan hanggat hindi sya tapos. Si karlo?"
"Kasama na ni Yaya, pinabihis ko na sa kanya para makalipat na rin tayo kina Jaden. Ikaw, kamusta ang hospital?"
"Ganun pa rin. Come here. I need to recharge"
"Sus nagpapababy nanaman ang baby damulag ko"
"Sige na. Alam mo namang kayo lang pahinga ko ehh"
Lumapit naman sya at niyakap ako pagkatapos ay hinalikan ako sa aking mga labi. Everyday pagod. Sa Hospital at sa pagbuo ng mga bagong kanta. Pero sa tuwing uuwi ako sa bahay bumabalik yung lakas ko. Makita ko lang ang ngiti nilang tatlo ay gumagaan ang lahat.
Salubungin ka ng mga anak mo ng yakap at pupupugin ka nila ng halik sa pisngi. Talaga naman.
Anniversary naming walo ngayon. Every year ay palit palit kami ng bahay kung saan kami mag ccelebrate ng wedding anniversary namin ang this year nga ay kina Mads naman kami.
