"Ipinakilala niya ako sa mga magulang niya. Her mom was fine with us but her dad... no... her stepdad didn't. Hindi naging maganda ang impresyon niya sa'kin. And now it all made sense to me. Ngayon ko napagtanto na baka 'yon ang rason kung bakit nakipaghiwalay siya sa'kin." aniya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakukuha ko ang ibig niyang sabihin pero parang nalilito pa rin ako.
"She broke up with me saying she got tired of me. That was the third time she broke my heart. I did my best again to forget her... pero sadyang traydor ang pusong nagmamahal. Hindi nakakalimot kahit anong pilit ko... kaya lumapit ulit ako sa kanya... nagmakaawa sa gitna ng malakas na ulan."
Umalingawngaw ang huling pangungusap na sinambit niya sa tenga ko na nagpakunot ng noo ko dahil ang panaginip ko noong nakaraan ang naaalala ko sa sinabi niya. Pinalis ko na lang ang isipang iyon at itinuon ulit ang pansin kay Erick.
Pumungay ang mga mata niya matapos sabihin ang lahat ng 'yon at ako naman ay nakatingin lamang sa kanya. Kung pwede lang na hindi kumisap, ginawa ko na. Labis labis ang bugso ng emosyon ko sa kwento niya. Marami rin pala talaga silang pinagdaanan na sakit. Hindi ko na lubos maisip ang sakit na paparating kung sakaling ikwento na niya sa 'kin ang nangyari kay Amaria.
"I was beyond happy when she accepted me again. She apologized for hurting me but it doesn't matter. Isang sabi niya lang na mahal niya ako, wala na akong pakealam pa sa kahit ano... kahit nasaktan niya pa ako," aniya.
Ngumiti siya pero kita ko ang lungkot galing doon.
"I was happy the next day. Pumunta kami sa bahay namin... we sang... we ate dinner together... we slept together... masaya... kasi kasama ko siya... masaya kasi bumalik siya."
Huminga siya ng malalim at yumuko.
"But destiny has really its own game. Iyon na pala ang huli," aniya na nagpakaba sa akin.
Binalik niya ang tingin niya kay Amaria at kitang kita ko kung paano kumislap ang mga mata niya sa mga namumuo niyang luha.
"I woke up without her by my side but I was positive that she was just outside my room... cooking something or maybe having chitchats with my mom... but no. May sunog sa bahay nila... and she was there. She... was one of the victims."
Kumunot ang noo niya at huminga ng malalim na siya ring ginawa ko. Hindi ko namalayan na hindi rin pala ako humihinga.
"I was in denial at first but later on... accepted it. Kahit ayaw ko... hindi ako nakatakas sa katotohanang siya 'yon. From her hair strands...to her porcelain skin... to her soft hands... I know her. Kilalang kilala ko siya. And seeing her in that state was... worst. It was a nightmare," aniya at tila bulong na lang ang huling pangungusap.
"I blamed myself for everything. Kung alam ko lang na 'yon na pala ang huli, edi sana niyakap ko siya ng mahigpit... sana hindi siya nakaalis... sana hindi nangyari 'yon... sana hindi siya nawala."
Napalunok siya at yumuko. Until unting lumabo ang paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo. Ito na nga ang sinasabi ko. Inaasahan kong masakit ang nangyaring pagkawala ni Amaria pero iba pa rin talaga kapag narinig ko na... lalo na't galing pa sa naiwang mahal niya sa buhay. Kung nasasaktan ako ngayon na nakikinig lang, paano pa kaya si Erick na sa kanya mismo nangyari ang lahat ng 'to.
Oo, minsan ko ring sinisi ang sarili sa pagkawala ng mga tinuring kong magulang... pero walang maipagkokompara ang sinapit ni Erick. Iyon ang masasabi ko.
"Everything was fucked up after that. I became dependent with alcohol. I even learned how to smoke... na hanggang ngayon ay hindi ko maiwan iwan. I was too engrossed with my own pain. Umabot sa puntong naging makasarili na ako at hindi na naisip pa na nasasaktan din ang mga mahal ko sa buhay... na nasasaktan din silang makita akong miserable."

BINABASA MO ANG
First Series 1: When Love Lasts [Book 2]
RomanceAno ang mangyayari kung isang araw ay wala ka nang maalala? Ibang mukha ang nakakasalamuha, ibang pangalan ang tinatawag sa'yo... ni hindi ka sigurado kung iyon nga ba talaga ang pangalan mo. Ano ang mangyayari kung biglang may magpakilala sa'yong p...