抖阴社区

                                        

Lumapit si Erick sa kung nasaan si Amaria at inayos ang bulaklak.

"How could I do that to my mom and sister? Hindi ako ganoong tao. Lumaki akong mahal na mahal sila kaya paano ko nagawa 'yon? Kung buhay si Amaria, alam kong hindi niya 'yon magugustuhan. I know," aniya sabay haplos sa larawan ni Amaria.

Ito siguro ang tinutukoy ni Erick noon na nakasakit din siya dahil sa sinapit niya. Hindi ko naman siya masisisi roon. Hindi naging madali sa kanya ang lahat.

"Kaya nagdesisyon akong umalis dito saglit at inayos ang sarili pero may parte sa akin na pinagsisihan din 'yon. It was like I escaped. I didn't face the reality. I didn't face it all that's why the remains of my past found its way to me again. It haunts me and this time... I'm gonna face it. Hindi na ako tatakas pa."

Suminghot ako habang pinipigilan pa rin ang mga luha sa pagtulo. Labis ang paghanga ko kay Erick na nakaya niyang pigilan ang mga luha niya kahit kitang kita ko na nagbabadya na itong tumulo... o baka dahil pagod na siyang umiyak sa lungkot.

Akala ko 'yon na. Akala ko tapos na. Pero hindi ko inasahan ang sunod niyang sinabi.

"There was a possibility that... that she... was murdered."

Halos bulong na lang 'yon pero malinaw kong narinig at doon na tuluyang tumulo ang mga luha ko. Murdered? Pinatay? Tinakpan ko ang bibig ko para hindi makatakas ang mga hikbing pilit kumakawala.

Bakit? Bakit iyon nangyari kay Amaria? Sa narinig ko kay Erick, sapat na 'yon para malaman kong napakabuting tao ni Amaria kaya bakit? Bakit sa kanila pa nangyari 'to? Ramdam ko ang pagmamahalan nila sa isa't isa kahit ang side lang ni Erick ang narinig ko. Nagmamahalan sila ng lubos kaya bakit? Bakit kailangang humantong sa ganito ang pagmamahalan nila? Kung iyon nga ang nangyari kay Amaria, hindi ko lubos maisip ang takot at lungkot na naramdaman niya sa araw na 'yon. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang isipin.

At sino naman kaya ang may gawa no'n sa kanya? Paano niya 'yon nagawa sa isang anghel kagaya ni Amaria? Hindi ko maisip. Ang sikip sa dibdib. Parang hindi ko kayang tanggapin na ganoon ang sinapit niya.

"Her stepdad and her stepsister are the persons of interest... na hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakita," aniya at ramdam ko ang galit doon.

Pumikit ako ng mariin at tumulo ulit ang iilang mga luha. Sila? Kung sila nga ang may gawa nito kay Amaria, mga walang hiya sila. Mga walang puso!

"That's why I'm here. Kaya ako nagbalik para harapin ang sitwasyong minsan kong tinakasan. Sisigurohin kong makukuha namin ang hustisya para sa mahal ko. I will let them pay for what they did."

Agad kong pinahiran ang luha ko at determinadong tumingin kay Erick. Nakakuyom ang kanyang kamao at mapungay ang mga matang nakatingin sa larawan ni Amaria. Bumaling din ako roon.

"Kung may maitutulong ako, gagawin ko," sambit ko.

Hindi ko alam pero parang may nagtutulak sa akin na tumulong kay Erick... kay Amaria. Marahil ay dahil ito sa awa pero alam kong mas nangingibabaw ang kagustuhan kong makuha ang hustisya dahil babae rin ako. Ramdam ko ang paghihirap na sinapit ni Amaria at gusto kong makita na managot ang mga may gawa nito sa kanya.

Bumaling ako kay Erick na ngayon ay nakatingin na pala sa akin.

"Tutulong ako para makamit niyo ang hustisya. Tutulong ako, Erick."

Tumango siya sa sinabi ko.

"Thank you," aniya at tumingin ulit kay Amaria.

Hindi ko alam kung ilang sandali kaming nanatiling ganoon. Pareho kaming tahimik at ni kahit isa sa amin ay walang nangahas na umimik. Madilim na rin ang paligid dahil gumagabi na. Kanina ay may naaaninag pa akong sinag ng araw. Ngayon ay tuluyan nang dumilim.

First Series 1: When Love Lasts [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon