抖阴社区

TLPS #3

245 8 0
                                        

"Asherzy," biglang sulpot ng diyos ng hangin at tinaasan ng kilay si Bernard. "Mycash, ang lalaking ito," ani Soluna sa kaniyang isip na halos isumpa na ang kasama. Buti na lang nag-iba ang wangis ni Asherzy at naging tao.

"Ikaw ba kausap ko? Bakit, sino ka ba?" Tumayo na ang dalaga nang biglang tinugon iyon ni Bernard, pero mas lalong napanganga nang marinig ang sumunod na sinabi ni Asherzy.

"Kuya niya, pakealam mo?"

"Ah, oo kuya ko siya, Bernard," pagsisinungaling ni Soluna. "Soluna nga pala. Nagagalak ako na makilala ka." Nilahad nito ang kamay na walang pagaalinlangang kinuha ni Bernard at kaagad din binitawan.

"Sige Soluna, hahanapin ko pa kasi kaibigan ko. Ingat!" saad pa nito at kumaway bago patakbong umalis.

Nang hindi na makita ni anino ng lalaki ay siya naman muling pagrereklamo ni Asherzy.

"Kapag ako nagbago ng anyo dito dahil sa sobrang tagal mo, kasalanan mo," muling pagirap nito. Alam nila pareho na hindi maaring sumobra sa isang oras ang pag-iibang anyo ni Asherzy, dahil babalik muli sa abo ang kaniyang mata at buhok.

Hindi na nagbigay ng oras si Soluna upang depensahan ang kaniyang sarili dahil tiyak niyang hindi rin siya mananalo. Inaya na lamang niya itong bumalik sa kanilang pinanggalingan na siyang sinang-ayunan ng kasama.

Pagkarating, kaagad silang sinalubong ng ama na may hindi maipaliwanag na eksprisyon sa mukha.

"Kailangan mong magensayo at hubugin ang iyong lakas, Soluna," panimula nito. "Nararamdaman kong may paparating na panganib"

Naguguluhan man ay sinunod niya ang ama. Kinabukasan ay tinuruan kaagad siya kung paano muna palakasin ang sarili. Pareho sila ng kapangyarihan ni Qrstuv, kung kaya lahat ng alam ng ama ay tinuro na sa kaniya.

Sumunod naman ay kung paano palabasin ang kapangyarihan na kaagad din naman natutuhan ng dalaga. Inabot sila ng isang linggo bago makuha ang dapat matutuhan.

Habang nagpapahinga mula sa pageensayo ang mag-ama ay napatingin si Soluna sa paligid. Walang kakulaykulay, sobrang lungkot.

"Ama, nais kong subukin ang aking kapangyarihan," saad nito.

Tinapat niya ang kaniyang kamay sa kawalan kasabay ng pagpikit ng kaniyang mga mata. Umilaw ang paligid nang maging ginto ang kaniyang buhok.

Iwinagayway nito ang kamay sa paligid at nang buksan nito ang kaniyang mga mata ay isa na rin itong ginto. Ang paligid ay tuluyan nang nagkaroon ng hitsura. Ang paraiso sa likod ng buwan at araw ay tuluyan nang maituturing na paraiso.

Pagkatapos niyon ay nagkatinginan ang dalawa. "Ama, bakit mas gusto mo sa dilim? May kapangyarihan ka, ngunit bakit hindi mo ginawang ganito noon pa?"

Ngumiti si Qrstuv at ibinaling ang atensyon sa paligid. "Ang paligid ay nakabase sa damdamin ng isang tao..."

"Kahit puno ng puno, bulaklak, ibon o paruparo ang paligid kung malungkot o nagagalit ka, lahat para sa iyo ay walang kulay. Madilim at walang nakatutuwa. Sa kabilang banda naman, kung masaya ka at umiibig, lahat ay nagiging maganda, kahit hindi naman."

Magsasalita pa sana si Soluna nang biglang nagpakita si Hiron.

"Qrstuv, nagpakita sa akin si Hiraya, ang iyong ina..."

Napailing na lamang si Qrstuv sa sinabi ng kaniyang ama. "Ama, matagal nang namayapa ang ina," tugon nito.

Sa isang gilid, walang naintindihan si Soluna sa mga narinig. Ngayon lamang niya nalaman na wala na ang kaniyang lola, wala rin naman kasing nababanggit ang kaniyang ina tungkol dito.

"Ay, oo nga pala. Namayapa siya dahil sa mga walang hiyang mortal!" Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang ang tingin ni Hiron ay mapunta sa kaniya. Hindi sa takot, kung hindi dahil sa nalaman na mortal ang dahilan kung bakit nawala ang diyosa ng buwan.

Bukod kay Soluna ay kaya si Qrstuv ang pinakamalakas, dahil siya ang bunga ng pagmamahalan ni Hiron na diyos ng araw at Hiraya na diyosa ng buwan.

"diyos ng buwan at araw, kailangan namin ang iyong tulong," naputol ang namumuong tensyon nang hinihingal na dumating si Asherzy.

"Kinalbo ng mga tao ang kagubatan at ngayon ay nanghihina na si Fiorest!"

Walang sinayang na oras si Qrstuv, Hiron, Asherzy at kaagad silang nagtungo sa nasabing kagubatan. Pumikit lamang ang tatlo at ang kanilang isip ang nagdikta sa kanilang katawan kung saan tutungo. Dahil sa kuryosidad ay sumama na rin si Soluna.

Bumungad sa kanila ang diyosa ng kagubatan na wala ng malay na nakahiga sa gitna ng nakalbong kagubatan. Ang kulay berde nitong buhok ay kumukupas at bibigyan-lunas pa lamang sana ito ni Qrstuv, nang sumunod naman na natumba at nawalan ng malay si Asherzy.

"Ama, ano pong nangyari?" Ginaya ni Soluna ang ginawa ni Qrstuv, lumuhod ito at kinuha ang palad ni Asherzy.

"Ang lakas ng isang tagapagbantay ay nakasaad sa kung anong estado ng kaniyang binabantayan. Kung walang puno ay maghihina si Fiorest at kung walang puno, walang hangin"

"Tignan mo ang kagagawan ng iyong kapwa-tao, dahil sa kanila ay naghihirap ang kalikasan!" Napayuko na lamang si Soluna nang banggitin iyon ni Hiron. Hindi maipagkakailang makatotohanan ang linya nito.

"Gawin mo ang iyong ginawa kanina Soluna," saad ni Qrstuv at hindi pinanasin ang pagsasalita ng ama. Tumango naman ang dalaga at muling pinatayo ang mga puno, dahil doon ay muling nagising sina Fiorest at Asherzy.

"Halimaw!" Nanlaki ang mata ng mga diyos at diyosa nang may marinig silang sigaw mula sa likod ng isang malaking puno. Halos walang kurap ang lalaking may hawak na pana, habang nakatingin sa lima.

"Bernard?" bulong ni Soluna nang makilala ang lalaki. Sa kulay pa lamang nito at tangkad ay nakikilala na niya ang lalaking napagkamalan siyang kaniyang kaibigan.

"Ama, huwag!" kaagad pinigilan ng dalaga ang kamay ng kaniyang ama nang tangkain nitong gamitan ng kapangyarihan si Bernard. Dito napaisip si Qrstuv na kung papatayin niya ang lalaki ay wala siyang pinagkaiba sa isang halimaw, kung kaya sinenyasan niya na lamang ang kaniyang mga kasama. Sabay-sabay silang naglaho at iniwan si Bernard na nanatiling nakanganga sa kaniyang puwesto.

Nang mabalik sa wisyo ay hindi na nangaso si Bernard at nagtungo sa kaniyang kapwa-mangangaso. Habang palapit, mas bumibilis ang tibok ng kaniyang puso.

"Kailangan nila itong malaman"

The Lost Goddess, Soluna Where stories live. Discover now