"Baliw ka na, Rocket," ang gigil kong sabi dito sa nagtatagis na mga ngipin.
Dire-diretso ang mga tingin niya sa akin para bang pinagmamasdan ang buong pagkatao ko. Wala bang kahihiyan ang taong ito? Mabuti na lang talaga at abala sila sa nangyayaring game sa loob ng gym.
Inilihis ko ang paningin. Ayokong makita ang tila pagkislap ng mga mata niya. Ayokong isipin ang halo-halong emosyong dumadaan doon habang nakatingin sa akin. Paano niya ako nagagawang tingnan ng ganito... kahit hindi naman niya ako gusto?
"I know, Ville," ang sa wakas ay sabi niya sa pagitan ng katahimikan. "I know I'm going fvcking crazy. I'm not supposed to be here yet here I am going mad over a damn water. I'm not supposed to be here but all I ever wanted to is to be here. Just here, Ville. Just here and not anywhere else."
Nanginginig ang mga kamay kong napasapo sa mukha niya. Kitang-kita ko ang pagdaan ng takot sa mga mata niya at ang malambot nitong tingin sa akin. Hindi ko alam kung nakita niya rin ang takot sa mga mata ko.
"Anong... anong ibig sabihin n'on?"
"I'm not sure..." ang bulong niya. "All I know is I don't hate it."
"Hate ang ano?" Ang buong lakas kong tanong sa kaniya. Naramdaman niya siguro ang panlalamig ng kamay ko sa pisnge niya kaya hinawakan niya iyon.
"You... being this close to me."
Bumaba ang mga mata niya sa labi ko at saka napalunok. Wala sa sarili ko itong dinilian at kinagat. Hindi ko na alam ang gagawin sa sitwasyong ito. Gusto kong kainin ng lupa na parang hindi?
"Bakla ka, Ville!"
Mabilis kong itinulak si Rocket palayo sa akin nang marinig ang matinis na boses ni Louise. Ipinahid ko pa ang mga palad sa damit ko at nagpaypay sa sarili. Nginitian ko ang gaga nang makalapit siya sa amin. Tinaasan niya ako ng kilay bago pinanliitan ng mga mata si Rocket.
"Naiwan mo phone mo," ang sabi niya habang inaabot sa akin ang phone ko pero ang tingin ay na kay Rocket na nakapamulsa na ngayong nakatingin sa amin.
"Hoy," nagulat ako sa biglaang pagseryoso ng boses ng gaga. "Ginagawa mo dito sa bestfriend ko ah? Di porket gwapo ka, mayaman, matangkad, mabango, masarap pwede mo na 'yang api-apihin."
"Hindi ko naman siya inaapi?" Ang depensa ni Rocket bago ako tinapunan ng tingin. Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian lang ako ng loko. "I was just explaining things to him."
"Aysus. Explain-explain." Inirapan niya si Rocket at nilingon ako. "Ikaw naman, 'wag kang magpapauto sa mga lalaking gwapo. Pano kung mabuntis ka?"
Siya naman ang sinamaan ko ng tingin ngayon at saka hinila ang buhok. "Gaga ka! Sinong nagpapauto dito? Nage-explain lang siya."
"Explain ang alin? Kung bakit may laway kapag nagk-kiss?"
Ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko sa sinabi niya. Lecheng Louise 'to. Sinong magk-kiss? Walang magk-kiss! Masyado na siyang ilusyonada.
Sa inis ko ay pumasok na lamang ako sa sasakyan at pabagsak na isinara ang pintuan. Hindi naman nagtagal ay sumunod din ang dalawa.

BINABASA MO ANG
Mismatch With The Playboy
Teen FictionRocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school never heard his exes bad-mouth him. Wala itong naging reklamo sa lalaki bukod sa mabilisan nitong pa...