Simula nagkaroon ng COVID-19 sa bayan ng Santiago, nagkaroon ng maraming restriksyon tulad ng pagpapahigpit ng mga checkpoint, pagpapatupad ng QR Code at Exit Pass, minimum health standards kagaya ng social distancing, pagsuot ng facemask at faceshield, pagpapalawig ng curfew at pagbabawal sa paglabas ng mga menor de edad at mga senior citizen.
Noong ipnatupad ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Santiago, maraming nawalan ng mga trabaho. Isa na rito si Ging, isang parlorista. Ang pagkakaroon ng parlor ang nagiging pangunahing pagkuha ng pera para pangtustus sa pangangailangan ng pamilya niya subalit naghirap na sila simula ipinatupad ang MECQ. Nag-usap ang mag-asawang Nestor tungkol sa kanilang saloobin sa MECQ.
UNANG TAGPO: Sa bahay nina Ging
GING: Kakainis naman itong pandemya, nagka-MECQ tuloy tayo. Paano na ang ating pamumuhay?
NESTOR: Yung parlor lamang ang tanging kabuhayan natin subalit hindi tayo pwede maka-operate sa ilalim ng IATF Guidelines. Paano na ang makakain natin?
GING: Jusko! Di ko na alam kung ano ang gagawin. Hindi naman pwede na magtanga ako sa bahay at walang gagawin. Paano na ang ating mga anak? Ayoko maghirap sila. Kailangan ko ng tabang.
NESTOR: Alam ko na mahal. May mga facemask at faceshield pa akong natitira na binigay sa akin ni Pareng Tonyo. Ibebenta nalang kaya natin ito.
GING: Okey lang ba sa iyo mahal? Kasi ito lamang ang tanging paraan sa ngayon na magkapera tayo kahit konti lang.
NESTOR: Sige mahal, kukunin ko lang at ibebenta natin ito.
IKALAWANG TAGPO: Sa Kabisera
Nagpasya ang mag-asawang Ging at Nestor na makikipagsapalaran sa kabisera sa pag-asang magkapera sila para may matustus sila sa kanilang pamilya. Hirap na hirap na ang mag-asawa dahil wala man lang nakapansin sa kanilang ibinentang facemask at faceshield hangga't dumating si Kagawad Amalia Escabarte.
AMALIA: Mga kabayan ko! Anong ginawa niyo? Di ba nasa MECQ tayo?
GING: Magandang araw po Kagawad. Nagbebenta po ng facemask at faceshield. Nagsara po kasi ang aming parlor dahil sa umiiral na batas na bawal kami mag-operate sa MECQ.
NESTOR: Naghirap na kami Kagawad. Wala na kaming makakain pa, nagugutom na ang aming mga anak. Ito lamang ang tanging paraan, baka sakali magkapera kami dito.
AMALIA: Naku! Nakakalungkot naman ang inyong sitwasyon. Sige, bilhin ko na ang lahat ng mga ito.
GING: Kagawad, nakakahiya naman po.
AMALIA: Huwag na kayo mag-aalala. Gagawa ako ng paraan para matulungan kayo. Dadalhin ko sa aming 65th Regular Meeting ang pagsulong ng panukala na mabigyan kayo ng ayuda.
NESTOR: Naku Kagawad! Hulog talaga kayo ng langit. Maraming salamat po.
GING: Kagawad, maaari bang sumama sa miting niyo? Para mapakumbinsi natin ang iba pang mga opisyal na tulungan kami?
AMALIA: Kung ito ang gusto mo, sige, papayag na ako. Magkita nalang tayo bukas sa munisipyo.
GING: Sige po Kagawad! Maraming salamat po.
IKATLONG TAGPO: Sa Munisipyo
Matapos makita ni Kagawad Amalia ang sitwasyon nina Ging, naisipan niyang isulong ang panukalang pagbibigay ng ayuda sa mga non-essential na mga negosyante na naghihirap sa MECQ. Nagsimula na ang 65th Regular Meeting at doon na naglahad sa kanyang panukala. Kasama si Ging sa miting para makumbinsi ang mga opisyal na maipasa sa miting ang panukala.

BINABASA MO ANG
Tabang!
Non-FictionAng Tabang ay isang kwentong nagsasalamin sa isang lipunan ngayong panahon ng pandemya. Ibinida sa kwentong ito si Ging, isang parlorista na naghirap dahil sa pagsara ng kanyang parlor ngayong MECQ. Isang araw, nakikipagsapalaran si Ging kasama ang...