抖阴社区

MODIFIED ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE

Magsimula sa umpisa
                                    

AMALIA: Mga kasamahan ko sa Kongreso. Nais ko ipresenta sa inyo ang aking panukala na magbigay tayo ng ayuda para sa mga kababayan natin naghirap ngayong MECQ.

JULIO: At para saan itong walang kwentang ayuda na yan Kagawad Amalia? Nangingibang ka na ba? Di naman natin top priority ang mga hampas-lupa na yan.

BERTING: Tama si Kagawad Juilo. Nag-aaksaya lang tayo ng pera sa walang kwentang panukala yan. Kung ako sa iyo, gagamitin natin ito sa pagpapatayo ng mga maraming gusali para sa ikalago ng ekonomiya ng bayan ng Santiago.

GING: Mawalang galang po. Ako po si Ging, isang parlorista lamang sa Santiago. Noong ipinatupad ang MECQ sa ating bayan, nagsara po ang aking parlor dahil hindi kami maka-operate ngayong MECQ. Yung parlor po namin ang tanging bagay na pinagkunan namin ng pera para may makakain sa pamilya ko. Simula nagka-MECQ, naghirap na po kami. Wala na po kaming makakain. Maraming sa mga kababayan natin ang nangangailangan ng ayuda para walang mamamatay sa gutom. Sana pakinggan niyo po kami at tulungan sa aming sitwasyon dahil hindi naging madali ang pinagdaanan namin.

AMALIA: Tama si Ging. Nasaksihan ko ang kanilang sitwasyon noong nagdaan ako sa kabisera. Kailangan pa nila ilagay sa risgo ang kanilang kalusugan para lang magkapera sila. Dahil dito, gusto ko maipasa sa miting na ito ang panukalang pagbibigay ng ayuda sa mga kababayan natin.

JULIO: Nababaliw na yata itong si Amalia. Nag-aaksaya lang siya ng pera sa kaban ng bayan.

BERTING: Gagamitin ko pa ang pera para sa pagpapatayo ng sarili kong 5-star hotel sa Santiago.

JULIO: Gagamitin ko din ito para pambili ng latest Lamborghini collection mula sa Italy.

EDDIE: Idaan nalang natin sa boto ang panukalang ayuda mga kasamahan. Sa mga sang-ayong magbibigay tayo ng ayuda, pakitaas ang kamay.

(Si Amalia lang ang nagtaas ng kanyang kamay)

EDDIE: Marami ang di sang-ayon. Ang panukalang pagbibigay ng ayuda ay naibasura na sa kamera.

(Malungkot na lumabas sina Ging at Amalia matapos maibasura ang panukalang pagbibigay ng ayuda)

AMALIA: Ging, pasensya talaga. Ginawa ko ang lahat para maipasa ang panukala pero wala. Mga tiwali talaga ang mga kasamahan ko at walang pakialam sa mga sitwasyon niyo.

GING: Okey lang yun Kagawad Amalia. Magbebenta nalang ako ulit ng facemask at faceshield sa kabisera.

AMALIA: Kung gayon, sige. Sabihan mo nalang ako kung kailangan mo ng tulong.

(Umalis na si Ging na malungkot matapos masaksihan ang malungkot na balita)

AMALIA: Tatawagan ko nalang ang aking anak na si Paul para matulungan sila.

(Tinawagan si Paul sa telepono)

AMALIA: Paul, pumunta ka dito sa Santiago. Ilabas mo ang lahat ng pera ko at magbigay ka ng ayuda sa mga kababayan natin.

PAUL: Sige po 'Ma. Maaasahan po.

IKAAPAT NA TAGPO: Sa bahay nina Ging

GING: Pasensya mahal, hindi naipasa ang panukalang pagbibigay ng ayuda sa ating mga mahihirap.

NESTOR: Kung gayon, bebenta tayo ng facemask at faceshield ulit. Marami pa ako yan, hindi pa naubos ang ibinigay ni Pareng Tonyo sa akin.

(Habang nag-uusap ang dalawa, isang malakas na ingay ang sumalubong sa kanila)

GING: Anong ingay yan?

NESTOR: Silipin natin sa labas.

GING: Sino yan? Ba't nagbibigay siya ng ayuda sa mga kapitbahay natin?

NESTOR: Di ba naibasura na ang panukalang ayuda?

BIDAY: Ma, Pa, baka kasali tayo sa mabigyan ng ayuda. Nabigyan po silang Mang Tonyo at Aling Teresa doon.

GING: Ganun po ba anak? Sana mabigyan nga tayo. Kailangan talaga natin ng tabang.

(Lumapit si Paul kina Aling Ging para maibigay ang ayuda mula kay Kagawad Amalia)

PAUL: Magandang araw po Aling Ging. Ito po ang inyong ayuda para hindi na kayo maghirap ngayong MECQ.

GING: Salamat Hijo. Sino ka? Ba't kilala mo kami?

(Biglang lumapit sina Teresa at Tonyo)

TERESA: Mareng Ging, siya ang anak ni Kagawad Amalia.

TONYO: Hulog talaga ng langit si Kagawad kahit ibinasura na ang panukala para sa atin.

GING: Naku! Nakakahiya naman po kay Kagawad Amalia, Hijo.

PAUL: Bilin po ng Mama ko na tulungan kayo.

BIDAY: Kuya Paul, ang bait-bait niyo. Hulog talaga kayo ng langit.

NESTOR: Hijo, maraming salamat po. Hulog talaga kayo ng langit.

PAUL: Mauna muna ako Aling Ging. Ingat po kayo lagi.

(Umalis na si Paul matapos maibigay ang ayuda)

TERESA: Mareng Ging, buti nalang may mga tao pa kagaya ni Kagawad Amalia ang tumulong sa atin.

TONYO: Sana siya na ang susunod nating alkalde sa 2022.

GING: Sana nga. Dahil dito, hindi na tayo magugutom at hindi na natin kailangan lumabas para sa kaligtasan natin kontra COVID-19.

Dahil sa may puso si Kagawad Amalia, hindi na naghirap sila Ging at ang kanyang mga kababayan. Dahil sa ayuda ni Kagawad Amalia, wala nang kababayan sa Santiago ang naghirap sa gutom.

---WAKAS---

Tabang!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon