抖阴社区

Prologue

60 2 0
                                        

Keanu Yuriel Saveedra

"Yuri, anak! Ang laki mo na!" Umaamba na agad ng yakap si Tita sa saya nung makita akong bumaba sa grab.

"Ako muna, mama!" Sigaw ni Samu na kakalabas lang sa gate at inunahan agad ang ina na yumakap sakin. "Kiyuri!! Hindi mo pa rin ako natatangkaran! Para ka pa ring smurf!"

Ang OA naman talaga.

Nung bumitaw si Samu ay si Tita Serise naman ang yumakap sakin. Tinulungan ni Samu yung driver ng grab na ilabas mula sa kotse ang mga gamit na dala ko.

Nagbago ang kulay ng pintura ng bahay nila Samu. Yung mga instruments na naka display ay parang walang bahid ng alikabok at palaging nalilinisan. May mga picture frames din sa lamesa at may mga paintings sa pader. Nandun pa ang ilang pictures namin ni Samu nung mga bata pa kami.

Kinamusta ako ni Tita. Marami siyang tinanonng tungkol sa mga pinagkakaabalahan ko bago ako lumipat dito.

"Kamusta naman ang Lola, Yuri?" Tanong ni Tita nang makapasok kami.

"Okay naman po siya." Tipid akong ngumiti.

Counted bang okay yung muntik na siya atakihin sa puso sa sobrang galit sakin? Muntik lang naman eh.

Hindi ko na kwinento ang lahat ng mga nangyari. Baka kasi kapag nalaman ni Tita ay magkatotoo yung sinabi ng Lola ko at mapalayas agad ako rito. Kakalipat ko lang, aba, kapagod naman kung aalis na naman ako.

Pinaakyat muna ako sa kwarto para maayos ko na raw muna ang mga gamit ko. Pagtapos ay bumaba ulit para kumain ng lunch. Tsaka naman nag aya si Samu na pumunta sa park dahil gusto niya raw ng ice cream.

Wala naman masyadong pinagbago yung subdivision nila Samu. Naging covered lang yung court nila na dati ay open at halos walang naglalaro pag hapon dahil sa tirik ng araw.

"Naalala mo nung nahulog ka doon?" Malakas na tumawa si Samu habang nakaturo siya sa swing.

"Makatawa ka naman, akala mo nalimutan ko na nung napunit shorts mo nung sumabit doon sa slide? Naglakad ka pauwi na naka brief lang, spongebob pa nga." Ganti ko.

Natikom tuloy ang bibig niya at ako naman ang natawa.

"Kuya, pustahan tayo di mo kaya mag handstand." Bigla nalang may lumapit na bata samin at hinamon si Samu. Pinakitaan pa nga kami.

"Sus, yan? Basic lang yan eh! Kaya ko yan gawin kahit tulog ako!" At pumatol pa nga siya.

Napailing nalang ako nung nag handstand din siya at agad din na bumagsak dahil hindi niya naman talaga kaya. Inasar asar siya nung mga bata at hindi naman siya nagpatalo kaya nahihiya akong lumayo sakanya.

Pati bata hindi pinalagpas.

Tumawid ako papunta sa bilihan ng ice cream habang si Samu ay nakikipag paligsahan pa rin doon sa mga bata. Hula ko ay kakilala niya ang mga yon at madalas niyang pagtripan dito kaya siya ngayon ang pinagtutulungan.

Habang bumibili ng ice cream ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Samu.

"Oh?" Sagot ko.

"Namo, asan ka? Kakarating mo lang, nawawala ka na agad! Malalagot ako sa ina ko!"

Kunot noo kong pinanuod si Samu na nakatayo lang sa gitna ng park at lumilinga para hanapin ako.

Tangled HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon