"Bumibili ako ng ice cream. Tanaw nga kita rito, bulag ka ba?"
Bumaling siya sa kung asan ako. Pinatay niya ang tawag at tumakbo papunta sakin.
"Sa cone ka lang." Sabi ko agad paglapit niya.
"Luh! Ang daya! Nasa cup nga yung sayo!" Reklamo niya agad at tumuro sa hawak ko.
"Limang piso nalang pera ko oh! Gusto mo dakutin mo nalang yung ice cream, wag ka na mag cone." Sabi ko at pinakita sakanya ang natitira sa dala kong pera.
Bente lang naman kasi ang laman ng bulsa ko! Ang alam ko nga ay siya ang manlilibre ng ice cream, bakit ako ang nagbayad?
"Grabe, ang damot! Grabe guys! Sobrang damot niya oh! Parang hindi pamilya!" Pag eeskandalo niya. Pumalakpak pa talaga at tinuro turo ako.
"Aarte ka pa talaga! Dakutin mo kung ayaw mo sa cone!" Pang aaway ko.
Sa huli ay tinanggap niya na rin yung sa cone. Binigyan siya ni tita ng pambili ng ice cream kanina kaya bumili pa kami ng dalawang tub. Dadayain niya pa sana ako at maliit lang ang bibilhin para sakin pero tinakot ko siya na isusumbong ko kay Tita.
"Kukuha ka uniform bukas? Samahan kita." Sabi niya habang naglalakad kami pauwi.
"Kaya ko na. Tsaka may pasok ka diba?" Sabi ko.
"Cutting." Nag kibit balikat siya.
"Ang mature." Pinalakpakan ko siya. Sumaludo naman siya sakin. "Wag na. Baka ako pa sisihin ni Tita kapag nahuli ka mag cutting."
"Ako? Mahuhuli? At bakit naman ako mahuhuli eh ako na to?" Tumawa siya na parang kontrabida.
"Syempre, isusumbong kita eh." Natigil siya sa pagtawa. Bago niya pa ako mahampas ay tumakbo na agad ako, humabol naman siya.
Pagkauwi ay nanuod kami ng movie habang kumakain ng ice cream. Matapos mag dinner ay natulog na dahil may pasok pa si Samu bukas at pupunta rin ako sa school para kumuha ng uniform at schedule ko.
"Nakaalis na po sila Tita?" Tanong ko kay Manang nung bumaba na ako kinabukasan.
"Maaga silang umalis. Binilin ka lang sa akin, hindi mo naman daw kailangan pumunta sa school ng maaga kaya hindi na kita ginising kanina para sumabay kay Samuel." Sabi ni Manang. "Kumain ka muna bago ka umalis."
Mabilis lang akong kumain. Sinabi ni Manang na tawagin ko nalang ang driver kapag aalis na ako pero balak ko mag commute kaya lumabas nalang ako. Tinawag pa nga ako ni Manang pero di ko na pinansin.
Nag tricycle ako papunta sa palengke kung saan ang parada ng mga jeep. Nakasakay na agad ako pero hindi pa puno kaya di pa makaalis. Tatlo pa raw.
"May isang byahe neto kuya?"
"Kita mong pila ng jeep to magtatanong ka kung may isang byahe? Dun sa kabila ang tricycle iho!"
Kunot noo akong napatingin doon sa lalaking nagtanong. Kausap niya yung konduktor ng jeep. Nasa labas sila ng jeep.
Isang matangkad na lalaki. Matikas ang katawan. Magulo ang buhok pero hindi pangit tignan. Kunot na kunot ang noo at bahagyang nakanguso. Ang pagkakasuot ng uniform niya ay hindi maayos, gusot pa nga.

BINABASA MO ANG
Tangled Heartstrings
Teen FictionHearts #1 bl On-going Date Started: January 14, 2025 Date Finished: *
Prologue
Magsimula sa umpisa