抖阴社区

Kabanata CXXXII: Ang Umoewin (pt. 2)

6.3K 411 482
                                        

♤ ♤ ♤

- AMAYA -

Alam ni Amaya kung gaano kahalaga sa kaharian ng Umoewin ang Anthanite dahil isa itong kayamanang maituturing sa bawat kaharian at ang proteksyon mismo nito sa iba't-ibang klaseng kasamaan sa kanilang emperyo.

Kaya naman kahit alam niya na manganganib ang kanyang buhay ay hindi niya alintana ito sa kagustuhang maprotektahan ang anthanite.

Sa bawat paghakbang ni Amaya ay pakiramdam niya pinupunit ang kalamnan niya lalo na ang bahagi kung saan malaki ang sugat sa kanyang binti na hanggang ngayon ay hindi pa rin sumasara at patuloy pa rin ang pagdanak ng dugo.

Nang marating ni Amaya ang tapat ng tarangkahan ng silid na kinalalagyan ng Anthanite ay napasinghap na lamang siya matapos makita ang ilang katawan ng mga kawal na noo'y nagbabantay dito. Mistulang naagnas ang kanilang katawan at hindi na halos makilala ang kanilang pagmumukha.

Ngunit sa kabila nito ay nilunok niya ang lahat ng takot at kaba upang ipagpatuloy ang pagpasok sa loob ng silid. Inihanda niya muna ang kanyang espada at ang sarili bago ito buong puwersa na binuksan.

Kaagad bumungad sa kanya ang malawak na silid na kinalalagyan ng Anthanite. Dati ay puno ito ng mga mamahaling dekorasyon at chandelier ngunit ngayon ay puro dugo na ang kapaligiran at basag-basag na ang mamahaling mga kagamitan dito. Hindi na halos makilala ni Amaya ang enggrandeng silid na kadalasan ay pinagmamalaki mismo ng buong pamilyang Lamont.

Buong akala niya ay walang tao sa silid na ito ngunit nang dumako ang kanyang mga mata sa gitnang bahagi ng kuwarto kung saan nakatago ang anthanite ay halos takasan siya ng dugo nang makita ang isang nilalang na nakatayo lamang dito at nakatitig sa anthanite na lumulutang-lutang sa ibabaw ng isang mahiwagang poste.

Isang mala-diwatang nilalang ang kanyang nasisilayan ngayon. Ang kanyang buhok ay may kakaibang anyo-mistulang mga alon na kulay rosas na may mga hibla ng asul at lilac, sumasayaw sa hangin at kumikinang sa liwanag. Ang mga hibla ng buhok ay tila may buhay, na parang may sariling galak na sumasabay sa bawat galaw ng kanyang ulo tila ba ito ay mga dahon at bulaklak.

Ang mga mata ng dalaga ay pula -- matalim at naglalaman ng misteryo, ang kulay na kumakatawan sa isang di-mabilang na lakas at walang hangganang kaalaman. Sa bawat titig, tila nagsasabi ang kanyang mga mata ng mga lihim ng kalikasan, at kahit isang saglit lang ng kanyang sulyap ay nakakapagbigay takot at paghanga.

Ang kanyang pakpak ay ang pinaka-kahanga-hanga sa lahat. Ang mga ito ay makulay at kumikinang, tulad ng mga tala sa gabi. Ang mga ito rin ay tila gawa sa mga piraso ng kahoy na may makulay na mga guhit, at may mga alon ng dilaw, asul, at berde na umiilaw habang siya'y lumilipad.

Ang kanyang buong katauhan ay nagpapakita ng kanyang lakas at kapangyarihan, hindi lamang sa pamamagitan ng kanyang hitsura, kundi pati na rin sa kanyang postura. Nakasuot siya ng mga palamuti na mga dahon, na nagdadagdag sa kanyang aura ng pagiging makapangyarihan.

Tulad ng mga diwata ng sinaunang alamat, ang kanyang presensya ay nagbibigay ng pakiramdam ng otoridad, at sa mga tumingin sa kanya, nararamdaman nila ang kabighanian at ang takot sa lakas na siyang taglay.

"S. . . Sino ka?! Ano ang kailangan mo sa anthanite ng Umoewin?" buong tapang na sigaw ni Amaya sa babae saka niya iniamba ang kanyang espada.

Ngunit tila ba wala itong narinig dahil nanatili lamang itong nakatingin sa anthanite mistulang inaanalisa ito at sinusuring maigi.

Reincarnated as the Seventh Princess Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon