In a lonely time of agony, I was alone. I couldn't even remember when and where I was being born. I am 19 years old right?
Right...
19 years...
It's my existence that made a remarkable stand and experiences all throughout my life in the world.
Ang iksi naman ng buhay, akala ko kapag natupad mo na ang lahat ng pangarap mo magiging kuntento at masaya ka ng mamatay. Pero bakit ganito? Marami pa rin akong agam-agam, gustong pag-isipan, gawin, sabihin, at mahalin.
Alam mo ba? Nung unang beses na may mamatay sa pamilya namin naisip ko, "Paano kaya kapag ikaw naman ang namatay? Paano kaya kung ako naman ang mamatay?"
Sabi nila, kapag nasa death bed kana at naghihingalo, may makikita ka raw na sundo. Totoo kaya yun? Sino kaya ang makikita ko kapag ako naman na ang nasa bingit ng hukay?
Sabi pa nila, scientifically accurate raw na kapag ang isang tao nag-shut down na ang lahat ng bahagi ng katawan nya at nasabi na ng doktor na patay na ito ay may natitira pang oras o segundo sa utak para mag-reminiscence ng mga nangyari sa buhay ng isang tao.
Naranasan kaya ito ni Lolo nung mawawala na siya? Mararanasan ko rin ba yun bago ako mamatay? E, ano naman kaya ang iisipin ko at magf-flashback sa memorya ko bago ako tuluyang mawala sa mundo?
Magiging puno ba ako ng galit? Hinanakit? Saya? Kapayapaan? Kapagalan? O lungkot? Sa halip ba na maisip kong 'Salamat sa Diyos sapagkat mamayapa na ako' ay iisipin kong 'Bakit ngayon pa? Bakit kung kailan natutunan ko ng maging masaya?'
Magiging puno kaya ako ng pagsisisi? O magiging puno ako ng pag-asa?
Pero alam mo ba kung ano yung totoong nararamdaman ko ngayon? Siguro ang masasabi ko lang ay, SANA.
SANA MAMATAY AKONG PAYAPA AT MAY PAG-ASA.
Yun bang, nagawa ko na ang lahat kaya wala na akong pagsisisihan pa. SANA, SANA LANG AY MANGYARI NGA IYON.
Sa kabilang dako naman, umaasa rin ako na marami pa tayong hindi nadidiskobre sa mundo. Gaya ng Parallel Universe, Time Travel, at another time or another world.
Naniniwala rin ako sa Diyos, ang langit at ang impyerno. Pero mula nung nawalan ako ng minimahal ang mas hinihiling ko na lang sa Kaniya ay sana nga ay mayroong Parallel World.
Yung mundo na pwedeng buhay pa ang minimahal mo. Iniisip mo na, masaya siya at nagagawa niya ang mga hindi nya nagawa nung nabubuhay pa siya dito sa mundo. Ang sakit lang kasing isipin na kailangan mong manalangin na sana nasa langit sila, agam-agam kung totoo nga ba.
No offense. Naniniwala ako sa Diyos at may pananampalataya ako, pero hindi ko lang lubos maisip na magtanong kung nasa langit ba talaga ang mahal ko sa buhay at kasama Niya sa itaas.
Doubt, I can foresee. It was just too overwhelming at the same time major factor of faith to subjectively believe. It was so easy to say and many people could judge the way I think especially how I cope, but it's just me and my wonderer thoughts.
In this world, people may have different answers and perspectives that's why they tend to judge, misconception and give several personal interpretations within themselves. Maybe just to justify their answer or to prove that they were right out of pride.
Anyway, I myself doesn't know any of it. I just wonder. Deeply thinking up until I will be on my own deathbed with the whispers and memories in my head to have the answer.
