抖阴社区

CHAPTER 10

167 10 0
                                    

(STACEY)

After sa nangyari nun wala na akong balita kay Jhoanna, ilang weeks ko na din siyang hindi nagpapakita at nagpaparamdam

“That’s all for today, dismissed.” Sabi ng last subject namin kaya pag alis siya ay ang ingay na agad ng room. bigla namang lumapit si Gwen sakin

“Parang wala ka sa sarili mo kanina hapag nag didisscuss si prof.” Sabi niya sakin pag lapit niya “Okay ka lang ba, staks?” Dagdag pa niya kaya binatokan ko siya

“Tangek! Malamang okay lang ako 'no, inaantok lang talaga ako kanina” Sagot ko sakanya. Tumango lang siya sakin at bumalik sa pwesto niya para kunin ang bag niya

Pagkatapos kog mag ayos hinila ko naman siya para samahan ako. Habang hinihila ko siya ang dami niyang sinasabi pero hindi na ako nakikinig dahil double-double na ang iniisip ko.

"T-teka nga, stacey! anong ginagawa natin dito?" Pag pipigil niya sakin nung na pansin niyang nasa building kami nila Colet na kaibigan ni Jhoanna.

"Inutosan lang ako ni Mrs.Aurelio na may kukunin akong papers sa building nito, Gwenny. Samahan mo na lang ako." Sagot ko sakanya at hinila na siya ulit, parang nag dadalawang isip pa siya kung maniwala ba siya o hindi pero sumama din naman

Pag dating namin sa room nila Jhoanna sakto naman na pa labas na yung mga students at nakita ko si Colet na nakikipag-usap kay Sheena. Agad namang lumayo ng kunti si Gwen sakin nung na pansin niyang papalapit sa pwesto namin ang kaibigan at ang kapatid ni Jhoanna.

"O, Hi Stacey!" Masiglang bati sakin ni Sheena. "Anong ginagawa mo dito? Miss mo ba ako kaya sinundo mo ako?" Nakangiting dagdag pa niya

"A-ah, Oo! Lilibre sana kita ng lunch today, may pasok ka pa ba mamaya?" Nakangiting sabi ko. "Yun oh! Alam ko namang maganda ako, normal na 'yang hinahanap hanap mo ang kagandahan ko" Nakangiting sabi pa niya.

Kahit kailan talaga ang lakas ng hangin niya "Btw, wala na kaming class 3pm ang balik namin kaya g ako!" Dagdag niya sabay hila sakin. Naiwan sila Colet at Gwen dun, tinatawag nila kami pero tumakbo na kami ni Sheena para hindi sila makasama. May kailangan din akong itatanong sakanya.

Pag dating namin sa parking lot agad naman siyang humarap sakin na nakataas ang kilay "So, Anong kailangan mo Ms. Sevilleja? Alam kong may kailangan ka sakin dahil hindi ka naman basta bastang pupunta sa building ko 'no! Like, Girl! Ang layo layo ng building namin sa building niyo." With action pa nung sinasabi niya yun kaya natawa ako

"Kain muna tayo" Natatawang sabi ko.

Nandito na kami ngayon sa mall at hindi namin alam kung saan kami kakain

"Where tayo kakain? Kanina pa tayo lakad nang lakad! Dami na nating nadaanan na pwedeng kainan pero nilalagpasan mo lang. Stacey ha! Kung may balak ka mang kikitain huwag mo akong idamay! Nanahimik ang kaluluwa ko tapos gagawin mo lang akong third wheel?" Reklamo niya sakin, ang taas pa ng boses niya kaya tinitignan kami ng mga tao

"Ang dami mong sinasabi, Sheena! sinusundan lang naman kita kung saan ka pumupunta!" Pagrereklamo ko dahil totoo naman talaga. Kanina ko pa siya sinusundan dahil halatang wala siyang balak tumigil kaka-lakad.

"Sinusundan lang din kita 'no! Ano ba yan, sige sa Jollibee na lang tayo kakain" Na una na siyang mag lakad pag sabi niya nun kaya hinila ko naman ang buhok niya "Aba! Hintayin mo ako!"

"Kailangan talagang hilain ang buhok!? Ang sakit nun ha!" Reklamo niya sabay hawak sa buhok niya at kunwareng naiiyak. Inirapan ko lang siya at nauna na akong pumasok sa Jollibee.

"Anong oorderin mo, Staks?" Tanong niya sakin habang nasa pila kami

"Kahit ano" Walang gana kong sagot. "Walang kahit ano diyan, e. Hanap na lang tayo ibang kainan na nag seserve ng kahit ano" Pairap na sabi niya kaya tinignan ko naman siya ng seryoso.

STACEY'S PARESANWhere stories live. Discover now