"Ipc Chicken with fries. Water lang ang drink ko and bilhan mo na lang din ako Coke float" Tumango naman siya sakin at umalis na ako para mag hanap ng upoan namin dahil masyadong puno ang Jollibee.
Habang naghahanap ako ng mauupuan, hindi ko maiwasang mapansin ang mga taong masaya at nagkwe-kwentuhan sa paligid. Samantalang ako, heto’t ang dami pa ring tanong sa isip ko tungkol kay Jhoanna. Para bang may kulang, pero hindi ko mawari kung ano.
Ilang sandali lang, dumating na si Sheena dala ang tray ng pagkain. Agad siyang umupo sa harap ko at nilapag ang inorder ko.
"Eat up, Staks! Mukha ka nang gutom," sabi niya bago kumuha ng fries at sinubo. "Btw, anong meron at naisipan mo akong ilibre today? Ikaw 'to eh, hindi ka basta-basta nag-aaya nang walang rason."
Napabuntong-hininga ako bago sumagot. "May itatanong sana ako tungkol kay Jhoanna." Tumigil siya sa pagnguya at tumingin sa akin nang diretso.
"Ano naman ang tungkol kay ate Jhoanna? Wala naman akong balita sa kanya lately. Ang huli kong alam, nag-decide siyang mag-lie low sa lahat ng bagay." Medyo lumungkot ang mukha niya.
"Lie low? Bakit? May nangyari ba na hindi ko alam?" tanong ko, mas lalong naguguluhan.
Sheena umikot ang mata niya. "I mean, obvious naman siguro, 'di ba? After nung..." Tumigil siya sa pagsasalita at umiwas ng tingin, parang may hindi kayang sabihin.
"After nung ano, Sheena? Sabihin mo na," giit ko, bahagyang naiinis sa pag-iwas niya.
"Staks, hindi ko alam lahat ng details, pero parang may kinalaman sa isang issue na sobrang pinersonal ni ate Jhoanna. Alam mo naman siya, masyado siyang madamdamin." Tumingin siya sa akin na parang may gusto pang idagdag pero pinipigilan ang sarili.
Bago pa man ako makapagtanong ulit, may tumunog na notification sa phone niya. Agad niyang kinuha ito at tiningnan ang screen, saka biglang tumayo.
"Staks, wait lang ha? May kailangan lang akong sagutin. Babalik ako agad." Hindi na ako nakapagsalita dahil mabilis na siyang naglakad papalayo.
Habang hinihintay ko siyang bumalik, sinubukan kong alalahanin ang mga huling nangyari bago nawala si Jhoanna. Ano nga ba ang posibleng dahilan? At bakit parang ang daming bagay na pilit nilang itinatago sa akin?
Habang nag-iisip, hindi ko maiwasang malunod sa mga alaala. Ang huling pag-uusap namin ni Jhoanna ay parang ordinaryo lang, pero may kakaiba sa tono niya. Para bang may pinagdadaanan siyang ayaw niyang ipaalam. Ngayon, mas lalo kong nararamdaman na may itinatago ang lahat ng malalapit sa kanya.
Makalipas ang ilang minuto, bumalik si Sheena at mukhang nagmamadali. May kaba sa mukha niya na agad kong napansin.
"Staks, kailangan ko nang umalis. Sorry, emergency lang talaga," sabi niya habang nililigpit ang bag niya.
"Ano na naman 'to, Sheena? Hindi mo man lang ako binibigyan ng maayos na sagot tungkol kay Jhoanna!" inis kong sabi, pero mukhang hindi niya ako maririnig sa pagmamadali niya.
"Promise, pagbalik ko, sasabihin ko lahat. Pero ngayon, kailangan ko lang talagang umalis," sagot niya sabay alis nang hindi na naghintay ng reply ko.
Nanatili akong nakaupo doon, hawak ang malamig nang fries at chicken. Hindi ko alam kung maiinis, malulungkot, o mas lalo pang magdududa. Bakit ba parang lahat sila may alam na hindi ko alam? At bakit hindi nila sinasabi?
---
Pagkatapos ng lunch, bumalik ako sa bahay. Agad kong binuksan ang laptop ko at sinubukan hanapin ang mga huling trace ni Jhoanna sa social media. Pero parang nawala na siya—walang bagong posts, walang updates, wala kahit anong interaction mula sa kanya. Kahit ang mga common friends namin, parang hindi rin nag-uusap tungkol sa kanya.

YOU ARE READING
STACEY'S PARESAN
RomanceA rich heiress. A humble paresan owner. And a whole lot of stubbornness. After a fight with her sister, Jhoanna Robles finds herself in Stacey Sevilleja's paresan at the dead of night. With nowhere else to go, she's forced to stay-and eat food she's...
CHAPTER 10
Start from the beginning