抖阴社区

Chapter 20

520 12 0
                                    

Buong akala ko uuwi ako ng masaya at magaan ang puso. Hindi naman ako nakapag prepare na uuwi pala akong luhaan at durog ang puso. Hanggang ngayon ay hindi parin kami nag uusap at parang nahahalata na ng pamilya niya na hindi kami okay pero hinayaan lang kami at nagbabaka sakali silang magkakaayos din kailangan lang ng space and time to process everything.

Sa couch lang ako sa Living room natutulog dahil iniiwasan ko nga si Jeo, gabi gabi din akong umiiyak dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Without even knowing na nasa taas siya ng hagdan gabi gabi at pinakikinggan ang bawat pag iyak ko with the thought of gusto niyang icomfort ako at yakapin pero alam ni Jeo na hindi niya magagawa dahil gulong gulo siya sa nararamdaman niya.

<<<<Kinabukasan>>>>

"Chat ka samin or tawag ka pag nakauwi kana ha?" Sabi ni tita Ja habang yakap yakap ako.

"Opo, ingat po kayo dito!" Nakapag paalam na kaming lahat sa isa't isa pero si Jeo? Hindi ko siya magawang imikan kaya tumango nalang ako sa kaniya at umalis na. Once again, I'm leaving a huge chunk of my broken heart here in Palawan.

Short trip lang naman hindi naman magtatagal ng isang buong araw ang flight ng Palawan to Manila kaya madali lang ako nakarating dito sa Manila.

These past few days na nakauwi na ako dito sa bahay namin ay napansin nila mama na matamlay ako at talagang ang attention ay nasa acads and business lang. Yes, busy po ako sa pag aabala sa dalawang yan dahil kailangan kong malibang.

Nasa bahay ako ngayon at nag gagawa ng assignment. May kumatok sa pintuan ng kwarto ko dahilan para matigilan ako at buksan ang pinto dahil naka lock ito. Bumungad naman agad sakin ang nakangiting mukha ni mama. Pinapasok ko siya at umupo na din kami sa kama ko.

"May sasabihin sana ako, nak" sabi ni mama ng mahinahon. Napukaw naman nito ang aking attention, ano kaya ang napaka importanteng sasabihin ni mama?

"Diba matagal na din namin pinaplano ni papa mo na dun muna mag bakasyon sa tita mo sa Australia?" Panimula niya at tumango tango naman ako.

"Aalis kami sa katapusan ng school year mo, ang balik namin ay sa isang taon pa kailangan din ng tulong ng tita mo sa business nila doon. Gusto mo ba sumama? Kahit vacation mo lang bago mag simula ang susunod na school year mo" Ikinagalak ko naman ang narinig ko dahil matagal na nilang gusto pumunta ng Australia.

"Hindi na po ma, dagdag gastos pa dito nalang po ako sa Pinas" sagot ko, umiling naman siya at nag buntong hininga.

"Hindi ka pwedeng maiwan mag isa dito ng isang buong taon, napag desisyunan namin ng papa mo na dun kana muna manirahan kila tita Janice mo" haplos haplos niya ang buhok ko. "At least doon alam namin na safe at maaalagaan ka ng ayos, itatransfer kana din muna namin sa school nila Jeo"

"Pero pano po itong bahay natin? Saka nandito din naman po sa Pinas sila lola at tatay (father side). Pano din po yung business ko?" Pag pupumilit ko, nahihiya na akong bumalik sa Palawan.

"Wag kana mag alala, pwede ka naman bumisita sa business mo every once in a while at saka hindi na pwede sila lola at tatay mo, nakausap na naman namin ni papa mo sila Janice at gustong gusto ka talaga nila makasama" mukhang hindi ko na talaga mapipilit si mama at papa. Wala akong choice kundi ang sumunod sa kagustuhan nila, alam ko namang para din ito aa ikabubuti ko.

"Okay po" sabi ko dahil tanggap ko nang hindi na mababago ang desisyon nila.

Umalis na siya dahil magluluto daw si mama ng miryenda. Tumayo naman ako para tumulong pero naglinis muna ako ng table ko dahil naka scatter na yung papers ko. Pagka baba ko nakita ko si Bella dito daw siya tutulog, tutal sunday naman bukas. Advance lang talaga ako gumawa ng assignment dahil ayoko ng dagdag isipin at cramming.

>>>>>TIME SKIP<<<<<

Ngayon na ang alis ng pamilya ko papuntang Australia, settled na ang lahat. Kasabay na din nila ako pumuntang airport para pumuntang Palawan. Tamang tama dahil napaki usapan namin si Bella na paminsan minsang tulugan ang bahay namin para naman hindi ibang nilalang ang tumira, nasabi rin niya na lagi niyang ilawan at patutugtugan ito to chase the bad spirits away. Nakampante naman kami kasi alam naman namin na maaasahan talaga ang pamilya nila Bella pag dating sa lahat ng bagay.

Nitong mga nagdaang buwan ay nagsisimula na ulit magparamdam si Jeo. Noon ay kila tita at tito ko lang nalalaman kung ano ang ganap niya sa buhay pero ngayon siya na mismo ang nagawa ng paraan para makausap ako. Maalam naman pala manuyo yung poging yon. Medyo tanggap ko na din namang hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin kaya hindi na gaano masakit. Sana lang during my stay there ay hindi ako lalong mahulog sa kaniya.

Pagkababa ko ng eroplano ay tumawag agad ako kay tita Janice para malaman kung nasan sila. "Tita, kakababa ko lang po sa eroplano, san ko po kayo banda imimeet?" Tanong ko

"Sa exit, nak. Para hindi gaano masikip, sikip kasi diyan sa loob daming taong nag aabang sa mahal sa buhay" sagot ni tita.

"Okay po, kita ko na po kayo" sabi ko sabay kaway para manotice niya ako. "Kita kana rin namin" pinatay na namin yung call and I ran towards her loving and welcoming arms.

"Tagal natin hindi nagkita Dimples, buti naman at hindi mo kami iiwan sa loob ng isang taon" pabirong sabi ni tito Geo na ikinatawa namin ni tita Janice. "Ang ganda ganda mo na lalo, dalagang dalaga kana. Miss kana din ni dongdong" sabi ni tita habang pinagmamasdan ako.

"Pano, tara na? Madaming naghihintay sa pagdating mo" aya ni tito sabay kuha ng luggage ko para ipasok sa loob ng sasakyan. Nag text na din ako sa parents ko at kay Bella na nakauwi na ako ng Palawan.

And here I am, ready for another adventure alongside the people I cherish here in Palawan. Ready to witness more of its beauty and breath taking sceneries.

Ready to face my one true love once more....

A Trip to Palawan || Jeremiah Ong ffWhere stories live. Discover now