抖阴社区

KABANATA 4

32 0 0
                                        

KABANATA 4


Patuloy pa ring bumabagabag sa isip ko ang mga tanong, paulit-ulit na sumasalpok sa katahimikan ng kwarto namin. Limang taon. Limang taon ng kasal kay Voxx, isang lalaking ang puso ay nananatiling nakakadena sa anino ng iba. Si Nallie. Lagi na lang si Nallie.

Naalala ko pa ang gabing una kaming nagkita—isang malabong alaala ng pagiging pabaya, lasing sa murang alak at desperadong gustong makaramdam ng kahit ano. Si Voxx, sa kanyang malalim na titig at ngiting kayang tunawin ang yelo, ay napagkamalan akong siya. 

Nawala ang katotohanan ng pagkatao ko sa gitna ng lahat. Gusto kong maging siya para sa kanya. Gusto kong maramdaman ang pagmamahal na ibinuhos niya para kay Nallie, kahit hindi naman talaga ako ang minamahal niya. Hindi ko siya kailanman sinabihan ng totoo. Hindi rin siya nagtanong. Sa bawat kurba ng katawan ko, sa bawat ngiti ko, siya ang nakikita niya. At hinayaan ko lang.

Ang kasal namin ay isang panaginip—isang magandang kasinungalingan na itinayo sa maling pagkakakilanlan. Naglakad ako sa aisle, nakaputi, alam na alam na ang lalaking naghihintay sa akin sa altar ay hindi ako ang nakikita niya. At pagkatapos, ang buhay may-asawa. Limang taon ng pilit na ngiti, malamig na usapan, at isang hungkag na pakiramdam ng pagmamahal na hindi para sa akin.

Ayaw niya sa mga gabing lumalabas ako kasama ang mga kaibigan ko—isang bagay na hindi hinangad ni Nallie. Ayaw niya sa mapulang lipstick ko—isang matinding kaibahan sa simpleng gloss ni Nallie. Gusto niyang isuot ko ang mga damit na sinusuot ni Nallie, ang malalambot na kulay na nagpaputla sa akin, ang maluluwag na bestida na nagkukubli sa totoong ako.

"Bakit kailangan mo laging maging maingay?" tanong niya, may halong panlalamig at pagdududa sa boses niya. "Si Nallie, hindi niya kailangang magpapansin ng ganito."

Bawat salitang binibitawan niya ay parang kutsilyong unti-unting hinihiwa ang puso ko. Hindi man lang niya namamalayan. Hindi niya nakikita na ako si Nadhia, hindi si Nallie. Hindi ako kailanman naging siya. Hanggang kailan ako magpapanggap? Hanggang kailan ko kakayanin ang kasinungalingang ito?

Si Mischa, ang limang taong gulang naming anak, ang tanging liwanag sa mundong bumabalot sa akin. Isang maliit na bagyong puno ng sigla, may mga mata ni Nallie, ngunit ang tawa ay akin—isang tunog na bihirang marinig ni Voxx. Siya ang nag-iisang dahilan kung bakit hindi ko kayang umalis. Siya ang tanikala na nagbubuklod sa akin sa buhay na ito, kahit na wala itong laman.

At ang pagtulog? Ang king-sized bed na simbolo ng pagiging mag-asawa ay naging isang walang-lamang espasyo. Lagi siyang nasa trabaho, umuuwi lang kapag mahimbing nang natutulog ang buwan, iniiwan akong mag-isa sa malaking bahay kasama si Mischa. Magkaibang mundo ang ginagalawan namin, nagkakasama lang dahil sa aming anak. Isang tahimik na kasunduan, isang masakit na pag-amin na may bangin sa pagitan namin.

Kamakailan lang, napansin kong may bumabagabag kay Mischa. Hindi na niya halos pinapansin si Voxx tuwing agahan, ayaw man lang siyang lingunin.

"Mischa, hindi maganda ang ganyan," bulong ko habang hinahawakan ang maliit niyang kamay. "Dapat hindi mo iniiwasan ang daddy mo."

Pero sa loob-loob ko, gusto kong sabihin, "Naiintindihan kita, anak." Dahil pareho lang kami ng nararamdaman.

Isang umaga, sinubukan siyang kausapin ni Voxx, pilit na may lambing sa boses niya. "Hey, little one, bakit ang tahimik mo?" Lumuhod siya sa harap ng bata, hinahanap ang sagot sa kanyang mga mata.

"Lagi kang wala," sagot ni Mischa, puno ng hinanakit ang boses. "You...never play with me. You...never play with Mommy."  Lumingon siya sa akin, ang mga mata puno ng pagmamakaawa. "Gusto kong makita kayong magkasama ni mommy, daddy,"

Nanigas ang mukha ni Voxx. "Kailangan kong magtrabaho, Mischa," sagot niya, may halong inis sa tono niya.

"But... but I miss my daddy," mahina niyang sagot, namumuo ang luha sa kanyang mga mata. "Daddy didn't love us anymore,"

At doon, tuluyang nadurog ang puso ko.

Pagkatapos ng hapunan, habang natutulog na si Mischa, tinanong ako ni Voxx. "Ano bang gusto niyang gawin natin para bumawi?" May halong panlalamig ang boses niya, isang pamilyar na distansya na masakit nang masanay ako.

"Gusto niyang magkatabi tayong matulog," mahina kong sagot, hindi siya tinitingnan.

Agad siyang kumunot ang noo. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya—inis, kaba, o may iba pa? Binigyan ko ng pansin ang mantel ng mesa, pilit nilalabanan ang kagustuhang lingunin siya.

"Hindi na mahalaga," sagot niya matapos ang ilang sandali, may paninikip sa boses. "Gagawin natin para kay Mischa." Tumingin siya sa akin. "Magpanggap tayong normal na mag-asawa. Para sa kanya."

Nagpantig ang tenga ko. Isang apoy ang umalab sa loob ko. "Magpanggap?" bulong ko, may pait sa bibig. "Yun naman palagi nating ginagawa, Voxx. Nagpapanggap."

Hindi siya sumagot. Tinitigan niya lang ako, isang titig na hindi ko maipaliwanag.

At doon nagsimula ang palabas. Bawat gabi, magkatabi kaming nahiga, ngunit parang may agwat ng sanlibong dagat sa pagitan namin. Naghoholding hands, nagpapalitan ng ngiti, isang masakit na pagtatanghal na kunwari'y tunay na pagmamahalan. Para kay Mischa. Isang palabas kung saan pareho kaming artista, binibigkas ang linyang hindi kailanman amin.

Hanggang sa isang gabi, bumulong siya, "Ang galing mong maging si Nallie."

Napapikit ako, kinuyom ang kamao. "Hindi ako siya, Voxx," bulong ko. "Hindi ako kailanman magiging siya."

Tumingin siya sa akin, may bahagyang gulat sa mga mata. Ngunit saglit lang. At nawala rin ito, kasabay ng pagtanggi niya sa katotohanang kailanman ay hindi niya ako nakita.

At doon ko naunawaan. Habambuhay akong magiging anino sa buhay niya. Isang pamalit sa babaeng tunay niyang minahal.

Until When? (Until Duology 1)?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon