Umaga, habang ako'y papuntang eskwela nadaanan ko ang puno ng santol na katabi ng punong mangga. Hitik na hitik ito sa bulaklak tila maliliit na diyamanteng napakaganda. Noong muli kong sulyapan ang mga bulaklak ng santol, nagbalik ang iilang alaala ng aking pagkabata panahong musmus pa at mura pa ang pag-iisip at kaligayahan, panahong magaan pa ang loob at wala pang iniisip na problema. Hindi ko alam kung saan nagsimulang magbago ang lahat, isip ko ngayo'y balisa na at pagal na. Bulaklak ng santol pala ay may malalim na alaala sa puso ko, noong mga araw na ako'y musmus at nasa ilalim ng punong santol habang pinupulot ang munti nitong bulaklak upang gawing kanin kuno sa aking paglalaro. Mga alaalang hanggang paggunita na lamang, ay di na muling natatamasa dahil isip ay hindi na bata at alam ko rin na kailanman ay di na pwedeng maibalik dahil ang bagay na nawala na ay malabo ng maibalik pa.
April 2, 2024
P.S. This anecdote was written when I was still in Junior High School. I purposely didn't edit the grammars, for the sake of originality.
