[ Kabanata 14 ]
Wala akong naging maayos na natulog sa nakalipas na dalawang araw. Bukod sa gumagawa ako ng content para sa website at ang pagre-review sa proposal namin ay mas lamang ang pag-iisip ko kay Ajax.
Mukha na akong baliw sa aking kwarto dahil madalas ay kinakausap ko ang sarili ko.
Nag-set ako ng alarm noong kinagabihan para hindi ako mahuli sa paggising ngunit tumunog na lang iyon ay hindi pa rin ako natutulog!
"Natulog ka ba?" puna sa akin ni Kuya Tyler kinaumagahan habang kumakain ng almusal. Nakasuot na ito ng uniform dahil maaga rin ang pasok.
"Oo naman!" I lied. Halata namang hindi ako natulog dahil kanina ay sinilip ko ang mukha ko sa salamin at nakita ko ang pangingitim ng ilalim ng mga mata ko.
"Anong oras ang uwi mo mamaya?" tanong ni Tita Minerva sa akin nang mailapag niya ang plato na naglalaman ng niluto niyang scrambled eggs at hotdog.
Hindi ako sigurado kung anong oras ako makakauwi dahil nasisiguro kong itutuloy namin ang hindi natapos na website nakaraan.
"Five po siguro..." naisagot ko na lang, hindi sigurado.
Hindi pumasok si Tanya dahil masakit daw ang ulo. Nagpaulan daw kasi noong isang araw kasama si Xavier dahil nagpasama raw si Tanya na magtingin ng libro sa National Bookstore. Lingid sa kaalaman ni Tita Minerva iyon at nalaman na lang dahil si Xavier mismo ang naghatid sa babae.
Nang makarating ako sa school ay sinalubong agad ako ni Cassie. Simula noong hindi siya sinama ng mga kaibigan niya sa groupings ay sa akin na siya madalas dumikit. Hindi naman ako tumutol dahil magaan naman ang pakiramdam ko sa kaniya. Iyon lang at kailangan kong tiisin ang kaingayan niya.
I glanced at Ajax and I saw him looking at me. Nang magtama ang paningin namin ay maliit niya akong nginitian. Napanguso ako at nag-iwas ng tingin nang maramdaman na naman ang mabilis na pintig ng puso ko.
“Class, be ready for your research proposal. Your defense will be held next week,” malumanay pero diretso ang tono ni Ma’am May nang pumasok sa aming room.
“Sage,” bulong ni Cassie sa tabi ko. “Hindi pa tayo tapos sa website. Hindi ba sa friday na deadline no'n? May plano ba mamaya?"
Nagkibit-balikat ako. "Tanungin mo sina Leon. Chat mo sa gc natin."
Iyon ang ginawa ng babae. Habang nagsasalita sa harapan ang guro ay patuloy siya sa pagtipa. Palihim akong sumilip at nakita kong hindi siya sa gc mismo nag-chat dahil nag-pm siya kay Leon. Tumagilid ang ulo ko at nakitang pigil ang ngiti ni Cassie. Tumingin naman ako sa harapan para silipin si Leon na bahagyang nakayuko sa cellphone nito.
Nilingon ko ulit si Cassie. "Sabi ko, tanungin mo, hindi ko sinabing landiin."
Napaayos siya ng upo at nakasimangot na sinara ang cellphone. "Okay na po. Mamaya raw sa library during vacant."
Gaya ng sinabi, sabay-sabay kaming dumiretso nina Cassie sa library. Nahuli si Hanz dahil pinatawag ng student council ang lahat ng officers sa bawat sections. Si Leon naman ay nagpaalam na bibili saglit ng sandwich sa canteen na sinundan ni Cassie dahil bigla raw nagutom. Ang ending ay kaming tatlo nina Ajax at Veronica ang naiwan sa table.
Nasa harapan ko sila nakaupo at abala sa pagtingin sa laptop. Si Ajax at Leon kasi ang bahala sa mismong paggawa ng site since sila talaga ang may background sa HTML at backend stuff. Kaming tatlo nina Cassie ay naka-focus sa content, structure ng flow at citations. Si Hanz naman ang umako sa graphics dahil wala naman siyang choice.

BINABASA MO ANG
The Trouble With Us
RomanceWalang pakialam si Sage Mireille Navarro kung wala siyang kaibigan. Ayaw niya at wala rin namang may gustong kaibiganin siya. But Azren Jaxiel Melgarejo, the walking headache who seems to enjoy annoying her every single day never fails to tease her...