抖阴社区

CHAPTER 20

170 10 8
                                        

I STILL SAY GOODNIGHT
CHAPTER 20 - Love After Loss
Nokoa Villamor's POV

Mabilis lumipas ang mga buwan.

Hindi ko alam kung paano nangyari, pero heto na ako ngayon-nasa Madrid pa rin, nakaupo sa isang maliit na park sa tabi ng isang lalaking ilang buwan lang ang nakakaraan ay isang estranghero pa sa akin.

Si Luca.

Kung may nagsabi sa'kin noon na darating ang araw na muli akong makakahanap ng taong magpapagaan sa mundo ko, tatawanan ko lang sila. Akala ko kasi pagkatapos ni Kierston, tapos na rin ang lahat para sa'kin. Na wala nang espasyo sa puso ko para sa iba.

Pero si Luca... hindi niya ako minadali. Hindi niya ako pinilit.

Hinayaan niya lang akong huminga.

At sa mga buwan na lumipas, unti-unti kong natutunan kung paano mabuhay muli-hindi bilang taong may iniwang nakaraan, kundi bilang isang taong may pwedeng haraping hinaharap.

"You think too much."

Napalingon ako kay Luca nang bigla siyang magsalita. Nakahiga siya sa damuhan, nakapikit, habang nilalaro ng hangin ang buhok niya.

Napangiti ako nang bahagya. "What are you talking about?"

Dumilat siya, saka tumagilid para harapin ako. "You always do that thing-when you suddenly go quiet and then you're lost in the moment. It's like your mind is stuck somewhere else."

Napabuntong-hininga ako. "I'm already used to it."

Tumango siya, parang naiintindihan niya. "But you don't have to be."

Hindi ako agad nakasagot.

"You're here, Nokoa," dagdag niya, tinuturo ang paligid gamit ang isang kamay. "Not in Paris. Not in the past. You're here, with me. And that's enough."

Tahimik akong napatingin sa kanya.

Minsan, hindi ko alam kung paano niya nagagawang sabihin ang mga bagay na kailangang marinig ng puso ko.

Tumingala ako sa langit, pinapanood ang mga ulap na dahan-dahang gumagalaw.

Narito nga ako. Nandito. Buhay. Humihinga.

At sa unang pagkakataon, pakiramdam ko... oo nga, sapat na 'yon.

Likas kay Luca ang pagiging palabiro, masayahin, at puno ng buhay. At siguro, 'yon ang isa sa mga dahilan kung bakit ang dali niyang lapitan-parang araw na kahit hindi mo hinahanap, kusa kang binibigyan ng liwanag.

Sa mga sumunod na linggo, ipinakita niya sa akin ang mundong hindi ko kailanman inakalang makikita ko muli.

Dinala niya ako sa mga sikretong sulok ng Madrid-mga mumunting café na may buhay na musika, mga eskinita kung saan makikita ang pinaka-magagandang graffiti art, at mga lumang bookstore na amoy papel at alaala.

Sa bawat lugar na pinapakita niya sa'kin, may isang bagay akong natutunan:

Na pwede pa pala akong tumawa ng ganito.

Na may mga espasyo pa pala sa mundo para sa saya, para sa mga bagong simula.

At sa bawat halakhak ko, pakiramdam ko, unti-unting nababawasan ang bigat sa dibdib ko.

Isang gabi, habang naglalakad kami sa tabi ng ilog, bigla siyang tumigil.

Napalingon ako sa kanya. "What's wrong?"

Tinitigan niya ako, seryoso ang mukha.

"I love you," bulong niya.

Parang huminto ang mundo ko.

Ramdam ko ang tibok ng puso ko sa dibdib ko, ang malamig na simoy ng hangin, ang paraan ng pagtingin niya sa akin-walang alinlangan, walang tanong, walang pag-aalinlangan.

Gusto kong sumagot.

Pero hindi ko alam kung paano.

Kierston.

Parang biglang bumalik ang lahat-ang sakit, ang alaala, ang pagmamahal na minsan kong ibinigay sa isang taong hindi ko na mahahawakan muli.

Pwede ba akong magmahal ulit? Pwede ba akong lumakad pasulong nang hindi iniwan ang nakaraan?

Nakita ko ang bahagyang lungkot sa mata ni Luca, pero hindi siya umatras. Hinayaan niya lang akong huminga, hinayaan niya akong magdesisyon.

At doon ko naintindihan.

Ang pag-ibig ay hindi tungkol sa paglimot.

Hindi ko kailangang kalimutan si Kierston para mahalin si Luca. Hindi ko kailangang burahin ang nakaraan para lang magkaroon ng bagong simula.

Kasi ang puso, hindi 'yan parang papel na kapag nasulatan na, wala nang ibang espasyo.

Ang puso, lumalawak.

Ang pagmamahal, dumadagdag.

Huminga ako nang malalim, tinitigan siya sa mata.

At sa unang pagkakataon, hindi ako natakot.

"I love you, too," bulong ko pabalik.

At sa sandaling 'yon, alam kong totoo 'yon.

Totoo.

At totoo rin ang ngiti ni Luca nang marinig niya ang sagot ko.

Hindi ko alam kung saan kami dadalhin ng kwentong 'to.

Pero ang alam ko lang, handa na akong mabuhay muli.

At sa unang pagkakataon, hindi ako natakot sa posibilidad ng bukas.

I Still Say GoodnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon