抖阴社区

Chapter 11: Flaming Wings

7 0 0
                                        

Chapter 11:
Flaming Wings

Matagal na ang nakalipas simula ng huling lumabas si Draven sa Lunaria Academy. Bilang bata, siya ay namalagi sa kastilyo na malapit sa mundo ng mga tao, ang tahanan ng mga bampira at mangkukulam.

The House of Ravenwood..

Pinagmasdan niya ang dalaga na tumakas sa kanya. Sa loob ng tatlong araw, nahihila siya ng pwersa ng selyo kung saan man ito pumunta.

Akala niya ay normal at tahimik na landas lamang ang hinahanap ng dalaga. Gulat sa kaganapan, tila may sariling isip ang kanyang katawan ng magawa nitong makipaglaban sa isang mangkukulam.

He can't believe the fact that this girl manage to be friended a vampire with a demon blood. At ngayon ay handa pa itong masaktan para sa kanyang kaibigan.

Ginamit niya ang Selenite Stone para sugatan ito sa palad. Bagaman ay hindi nila magagamit ang bato para sa mas mabisang solusyon, magagawa nilang gamitin ang katangian nitong makapagbigay ng repleksyon sa ano mang mahika.

"Blood of the innocent, pure of heart,
Essential life, I cleanse you.."

Sinusundan ni Thana ang bawat kataga na sinasabi ni Draven. Isang ingkantansyon gamit ang dugo.

Muli niyang naamoy ang tamis ng dugo ni Thana. Naroon ang kanyang kagustuhan para sipsipin iyon ngunit pinigilan niya ang sarili.

"Selenite, stone of light, wound me,
That I may absorb, the parasitic magic.."

Sinugatan din niya ang palad ni Elo gamit ang bato at saka niya pinagsalikop ang kanilang mga palad na may dugo.

"Reflective soul, I cleanse and mend,
The heart of the victim, I purify and free.

Through pure blood, and the stone of light,
I expel darkness, and restore light."

Unti-unting dumaloy ang itim na enerhiya papunta sa palad ng dalawang babae.

Napakunot si Thana ng maramdaman niya ang sakit sa kanyang palad. Rumihistro agad ito sa kanyang mukha at napapikit ito ng mariin.

Tinitigan ng maigi ni Draven ang ugat ni Elo. Hanggang sa napansin niya ang tila hugis karayom na mabilis na lumalangoy patungo sa kamay ni Thana. Ito ang Soul Leech. Bagaman tinawag na isang linta, mas mukha itong karayom na tumutusok sa ugat ng sino mang biktima nito.

Isang hiyaw ni Thana ang narinig sa loob ng barrier na ginawa ni Draven. Tumusok ang Soul Leech sa kanyang balat at pumasok sa katawan nito, patungo sa kaibuturan ng kanyang puso.

Ang Soul Leech ay malulusaw doon. Iyon ang nasa isip ni Draven.

Agad niyang sinalo ang ulo ni Thana ng mawalan ito ng malay. Inayos niya ito sa pagkakahiga at napailing na lamang siya.

Siguradong magiging sobrang sakit ng panaginip nito. At alam niya sa kanyang sarili na maiintindihan niya ang sakit noon dahil sa selyo na kumokonekta sa kanilang damdamin.

Sinuri niya ang lagay ni Elo at gaya ng kanyang inaasahan, nagsisimula ng umipon ng lakas ang babae. Iyon ang dahilan kung bakit niya dinala ito sa bukana ng kailaliman ng lupa. Dahil mas mapapadali ang pag galing nito rito.

LUNARIA: School of ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon