抖阴社区

CAPITULUS UNDEVIGINTI

34 3 0
                                        

Chapter 19

Asmodeus Point of View

        “Tiyo Asmodeus!”  Bati sa akin ni Dominico ng mabungaran ako nito sa pasilyo ng gusaling  pagmamay-ari nito.   “Bakit po kayo napadpad dito? Doon po tayo sa opisina ko.”  Aya nito.

        Sumakay kami sa elevator kapwa kami tahimik lamang syempre meron itong CCTV camera kaya dapat mag-ingat para hindi  kami mabuking muli bumukas ang pinto ng elevator naglakad kami palabas at diretso sa opisina nito bumati pa sa amin ang Sekretarya ni Dominico na kontodo ngiti sa tuwing nakikita ako kaso wala na sa isip ko ang mga babae dahil meron na akong Adela kaya isang tango lamang ang sinagot ko sa nagpapa-cute na Sekretarya nitong si Dominico bago ako pumasok sa loob.

        “Alam ko na po kung bakit kayo andito naramdaman ko din sina Bulan, Cael at si Haunter di ho ba nasa Pandemonium ang tatlong ‘yon paanong nandito sila?”  Naguguluhan na tanong nito pagka-upo pa lamang nito sa  kanyang trono bilang may-ari ng Kumpanya, si Dominico na kasi ang namahala ng lahat nang negosyo ng Misis nitong si Cloudine Ashford simula ng ikasal sila dito sa mundo ng mga Mortal gaya namin ni Adela. Sagrado para sa mga tao ang kasal kaya laking pasasalamat ko ng pinahintulutan kaming makapasok ng simbahan ni Bathala.

        “Kausap ko si Michael kahapon pinarusahan daw si Haunter at ipinatapon dito sa mundo ng mga Mortal kaya sumunod si Bulan at bumuntot naman itong Tiyo Cael niya para maprotektahan siya ang kaso nga lang nagkanda loko-loko ang lahat!”  Pagsisimula ko.

        “Hindi ko gaanong maramdaman si Cael tingin ko po nahuli siya ng kung sino.”   Nag-aalalang saad ni Dominico.

        “Ganun na nga pero sabi ni Micheal magkubli muna tayo para daw mailabas na ni Bulan ang kakayahan niya nasa hustong gulang na din kasi siya at bukod pa dun hindi  alam ni Bathala na nakialam na si Michael sa sitwasyon ng tatlo bawal tayong mag-umpisa ng gulo pero gigilitan ko sila kapag nadehado ang mga batang yon! Yung dalawang Lolo kasi naging Lolo lang nawala na sa katinuan mag-isip. Ano puntahan na ba natin? Nakapag-paalam na ako sa Tiya Adela mo isa pa doon lang ‘yon sa Leyte kung nasaan  ang Hacienda ni Misis.”

        Tumayo si Dominico saka nito kinuha mula sa bulsa ng suot na pantalon ang cellphone at nagdayal.

        Tumalikod ito.

        “Hello, Ma. Sasamahan ko muna si Tiyo Asmodeus alam mo na gawaing demonyo muna kami nasa panganib daw si Bulan kasama sina Cael at Haunter. Opo mag-iingat po ako, ikiss mo na lang muna ako kay Dawn, uuwi din ako agad pagnatapos na kami. Okay. I love you Mama.”   Nakangiting binaba nito ang tawag saka nagpalit-anyo bilang demonyo kaya ginaya ko na din ito sabay kaming naglaho sa saliw ng  itim na usok at gintong buhangin.

***

Bulan's Point of View

       “BULAN! AYOS KA LANG BA? SANA ‘OO’ KASI HINDI KO ALAM  KUNG PAANO AKO BABA DITO SA ROOFTOP BAKA HULIHIN AKO NG MGA GUWARDIYA DITO!”   Sigaw ni Estong sa mula kabilang gusali habang nakaway.   Paano nga ba? Kahit ako hindi ko din alam!

        “NAKU! BULAN TULONG MAY MGA GWARDIYA NA NGA!”   Muling sigaw nito.

        Anong gagawin ko baka mahuli nila si Estong. Kitang-kita ko ang takot sa mukha nito.  Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang paligid gaya ng sabi ni Tiyo Cael nagmumula sa kaibuturan ng puso namin ang lakas at kapangyarihan na taglay naming mga demonyo ang kailangan ko lang gawin ay ang yakapin ang kakayahan ko saka ko ito pakawalan. Walang masama kung susubukan ko.

         Itinuon ko ang isipan ko sa kung ano ang nais kong makamit kahit mahirap basta masagip ko lang si Estong kawawa naman ito nadamay pa sa mga  kaguluhang dulot ko! May kakaibang sensasyon ang gumapang sa aking likuran parang merong gustong lumabas kabado ako baka kung ano na iyon ngunit hinayaan ko lang itong lumaya niyakap ko ang takot na dulot nito at tuluyan itong pinakawalan kasabay ng malakas na hangin sa paligid.

        “BU-BULAN ! M-MAY PAKPAK KA NA!”   Manghang sigaw ni Estong.

        Ano raw? May pakpak na ako?

        Sumilay na si Haring Araw kaya mula sa anino ko ay kitang-kita ko ang dalawang malalapad kong mga pakpak walang mapaglagyan ang tuwang nadarama ko sa wakas nagkaroon din ako ng gaya kina Papa at Mama! Sinubukan ko itong ikampay at gumalaw naman ang mga ito ngayon kailangan ko lang magtiwala sa kakayahan ko para maging maayos ang lahat.

        Nagtatakbo na si Estong sa ibabaw ng gusali para makaiwas sa mga bantay na darakip sa kanya kailangan iligtas ko ito saka kami pupunta kung nasaan sila Tiyo at Haunter. Huminga ako ng malalim, sinubukan kong kinampay ang mga pakpak ko sabay takbo unang hampas pa lang nito sa hangin ay umangat agad ako nakakapanibago dahil ngayon pa lang naman ang unang beses na lilipad ako gamit ang sarili kong pakpak kadalasan kasi bitbit ako ni Papa o kaya ni Tiyo Cael at ng mga Lolo ko.

        Patuloy ang pag-angat ko sa ere sa bawat kampay ko ng mga pakpak ko.

        Natanaw ko si Estong sa dulo ng gusali wala na itong ibang mapuntahan napapalibutan na ito ng mga bantay. Muli kong kinampay ang mga pakpak ko hanggang tuluyan akong makalapit sa direksyon nito.

        “Estong!”   Tawag ko. Bumulusok ako sa kinatatayuan nito  hindi ko pa naman alam kung paano ako hihinto saktong itinaas nito ang mga kamay nang makita ako. Tumalon pa ito na ikinagulat ng lahat kaya mas binilisan ko ang paglipad sabay dagit sa mga kamay nito. Nagsisisigaw sa takot ang mga bantay isa daw akong Maligno pasensya na dahil demonyo po ako hindi Maligno. Binilisan ko ang kampay ng mga pakpak ko palayo sa gusali.

        “Yahoooooo! Ang galing mo Bulan! Bakit hindi mo sinabing nakakalipad ka pala at astig ‘yang pakpak mo ha isang itim at isang puti! Ano sundan na natin ‘yung Tiyuhin mong masungit tutulungan kita! Hindi ako demonyo kaya walang talab sa akin ang Orasyon o Selyo nila basta wag ka lang maingay sa mga kalaban natin at sinisigurado kong makaka-uwe din kayo!”   Sigaw ni Estong habang papasag-pasag pa.

       “Wag kang malikot ang bigat mo kaya baka mabitawan kita ngayon pa lang ako natutong lumipad!”   Pilit kong inabot ang pinakamataas na parte ng alapaap para hindi ako mapansin ng mga tao kaso kung ganito kaaga siguradong may makakakita sa akin tiyak na gulo ito at siguradong makakarating ito kay Bathala panibagong kaparusahan na naman ang matatanggap ng mga Lolo ko.

        “Bulan! Tingin ko may sumusunod sa atin!”  Malakas na turan ni Estong.

        “Ha?!”

        “Tingin ka sa likod mo! Ang tawag namin diyan Jet plane! Naku at mukhang sa America pa ata ang isang ‘yan paktay na Bulan wala na bang ibibilis ‘yang pakpak mo maaabutan nila tayo eh!”  Reklamo nito.

        Hinigpitan ko ang kapit sa kamay ni Estong.  “W-wala na! Unang lipad ko pa lang ito pero susubukan ko kung kaya kong maglaho!”

        “Maglaho? Yun bang Teleportation? S-sige! Bilisan mo lang dahil malapit na sila tingin ko nirerecord nila tayo!”

        “Ha?! Ano ‘yon?”  Binilisan ko pa ang kampay ng mga pakpak ko tama si Estong mabilis ang makinaryang humahabol sa amin wala pa ako kung ikukumpara sa mga ito.

        “Paraan ‘yon para ipakita sa ibang tao ang mga bagay na gusto nilang malaman ng iba lalo na ng buong mundo! Malapit na sila baka makita nila ang mga mukha natin! Bulan ano na?!”

        “Sandali!”   Muli kong pinikit ang mga mata ko saka ko dinama ang malakas na hampas ng hangin sa katawan at pakpak ko. Inisip kong maige kung saan ko gustong magpunta ‘yon ang turo sa akin dati ni Papa at gusto ko ay sa lugar kung nasaan ngayon sina Tiyo Cael at Haunter!

        “Bulan!!!”  Sigaw ni Estong.

       Gaya kanina may kakaibang pwersa ang lumukob sa kabuuan ko.

        “Humanda ka na Estong maglalaho na tayo kapit lang!”  Naramdaman ko ang mainit na apoy ng impyerno nagliyab ako pero hindi ako nasaktan kinapitan ko nang todo si Estong, ganito ang paraan ng paglaho ni Papa! Sinabayan ito nang malamig na hangin gaya ng kay Mama!

         Malakas na napasigaw sa takot si Estong ng pati siya ay balutin ng naglalagablab na apoy habang pinalilibutan ng marahas na hangin.

         Ilang segundo pa.

        At…

        Naglaho kami sa kawalan. 

Bulan a Demon's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon