First Quarter
Nagsimula ang laro, at agad kong naramdaman ang adrenaline rush.
Mabilis ang kalaban namin, pero hindi kami nagpatalo. Mula sa first serve, mabilis akong gumalaw, handang tanggapin ang bola.
Pass. Set. Attack!
"Boom! Ace player, Sariah Valez!" sigaw ng announcer.
Nag-hiyawan ang crowd.
Pinalakpakan ako ng teammates ko, at kahit ako nagulat. Ang taas ng energy ko ngayon!
Sinundan ito ng isang magandang play. Matapos ang isang magandang receive ng libero namin, naset sa akin ang bola.
Mabilis akong tumalon. Jump… spike!
BOOM!
Diretso sa loob ng court ng kalaban!
"Woooooooh!"
Narinig ko ang sigawan ng crowd. May ilan pang sumigaw ng pangalan ko. Napangiti ako.
Nagpapatuloy ang laro. Minsan, nagkakamali ako, pero bumabawi agad. Lahat kami, buhos sa laro.
Hanggang sa nag-timeout ang kalaban.
"Alright, girls! Good start!" sabi ni Coach habang nagpapahinga kami sa bench. "Keep the energy up!"
Habang umiinom ako ng tubig, bigla akong napatingin ulit sa audience.
Si Cassian… asan na?!
Wala pa rin siya.
Nagbuntong-hininga ako. Sana hindi siya absent. Alam kong masisiraan siya ng ulo kung hindi niya mapapanood ‘to.
"Bakit parang worried ka?" tanong ni Alexa, kasabay kong naka-upo.
"Wala," sagot ko, ngumiti nang pilit.
Biglang may sinabi ang host sa microphone.
"May hinahanap yata tayo dito sa audience?"
Natigil ako sa pag-inom ng tubig.
Sabay-sabay na napatingin ang crowd sa big screen kung saan may naka-zoom na mukha.
Nako, sino na naman ‘tong nawawala?
Hanggang sa biglang… ako ang lumabas sa screen!
Nanlaki ang mata ko.
Napatingin ako sa camera na nakatutok sa akin, at wala akong nagawa kundi ngumiti.
"KYAAAAAAAAAAAAAAH!"
Nagwala ang mga students sa sigawan.
Oh my gosh!
Narinig ko pa ang sigawan ng ilang babae:
"CRUSH KA TALAGA NG SCHOOL!"
"SARIAH, WE LOVE YOUUUU!"
"PAK! MAGANDA!"
Nag-blush ako sa biglaang exposure, pero natatawa na rin.

BINABASA MO ANG
The Heart that Changed | Gay Series #1 Cassian Drevon Callisto.
RomanceR18 - "I spent my whole life thinking I was running from love... but now, I realize I was just running from her." Cassian Drevon Callisto has it all-power, wealth, and the confidence of a man who knows exactly who he is. He's gay. Always has been. T...