抖阴社区

05.

2.8K 48 19
                                    

05. Burnt

One week akong may free supply ng silog and honestly hindi ako nagrereklamo.

"Thank you ate! Pwede po ba padagdagan ng kamatis bukas?" hirit ko.

"Ang daming request, Rere!" tumawa si Ate Bangs sa akin, "Baka malugi na ang sponsor mo niyan,"

Ngumuso ako, "Sino ba kasi Ate? Sila Jaime ba?"

Sakto naman na bigla nang sumulpot ang power puff girls ng buhay ko, "Rere, that again?" Sab groaned.

Okay, hindi sila.

Nag kibit balikat lang si Ate Bangs at tumawa. Sa lahat ng tao sa Eunthastica si Ate Bangs na ang pinaka ka close ko, medyo gumagaan naman din loob ko kanila Jaime pero english kasi sila ng english, minsan din mag jojoke sila pero hindi naman nakakatawa.

"Hi, Rere." bati ng ibang nakakasalubong namin. "Galing nung cinover mo na kanta!"

"Salamat," ngisi ko sakanila.

"When will you sing again? I can't wait to attend more of your gigs!" excited na sabi nila Jaime.

"You know there's an event sa school, may singing contest yata! Gusto mo mag join?"

Ginapangan ako agad ng interes sa sinabi ni Sab. Ang tagal na nung last na tumugtog ako, I play guitar sa bahay pero pag wala lang si Romi kasi nagagalit siya maingay daw, eh madalang lang na wala sa bahay 'yon kaya madalang 'din ako makatugtog.

"Kelan ba 'yan?" hindi naman siguro malaman ni Papa?

"Two weeks from now!" masayang sabi nila.

Pinaglapat ko ang labi ko at nag isip nang malalalim, hmm, baka pwede naman?

"We can shop for your clothes para sa contest! Ako ang mag babayad, sasabihin ko kay Mommy." presinta ni Jaime.

"What? I will pay! Papayag ang Dad ko na sa department store namin tayo mamili," angal ni Sabrina.

"Please let me pay, lagi na lang kayo ang naglilibre kay Rere. I also want to spend time with her!" reklamo ni Sierra.

Bakit ba hindi ako pinanganak na mayaman katulad nila? Mayaman nga Tatay ko kasi iba din ang hulog, bonus pa na hindi sila okay ni Nanay kaya jackpot talaga sakin.

Alam ko kasi naging mag dyowa sila ni Nanay dati, pasikat palang si Papa noon ta's si Nanay kumakanta pero magaling din kumanta si Nanay ah? Hindi kwinento sakin ni Nanay ang kwento nila ni Papa eh.

Pati seloso kasi si Romi, malas lang ni Nanay don siya napunta. Maganda naman siya, sexy pa, at bata pa! Doon pa talaga siya mapupunta sa panot na 'yon tas pangit pa at maliit!

Iniisip ko kung sasali ba ako sa contest habang nag aaway pa rin ang tatlo kung sino ang bibili ng damit ko noong napansin ko na halos mabali na naman ang leeg ng ibang mga estudyante kaka-lingon.

"Kio!" Sigaw ni Ezekiel Soledad de Merced kay Kio, base sa chismis ng powerpuff girls ko mag pipinsan ang mga 'to.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na Kio ang pangalan niya. Hindi ba Gio? Parang mas bagay sakaniya ang Gio? Gio talaga 'yong narinig ko nun eh!

Sabay na lumingon si Kio at Hiraya dahil as usual magkasama na naman ang dalawang pinaka matalinong tao sa Eunthastica, minsan sa totoo lang mas matalino pa sila sa mga teacher. Bago pa lang ako pero pansin ko kung paano ma intimidate ang mga tao sakanila.

Pero pansin ko rin ang kakaibang trato nila kay Hiraya, naalala ko tuloy noong first day ko tapos may umaway sakaniya. Galit na galit si Deimos Soledad de Merced nun, and everyone was so scared of him.

Light Over Me (Soledad de Merced #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon