Maisie's p.o.v
Nakatanggap ako ng text mula kay Asher, sinasabing pwede na akong lumabas. Kaya naman, hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na naglakad papunta sa pwesto nila Sir Tycho at ng iba.
Pagdating ko, nakita kong magkausap na si Asher at Naomi.
Paglapit ko, agad akong hinarap ni Sir Tycho. "Are you done registering?"
Tumango ako at sumagot, "Yes, sir."
"Where's your I.D.?"
Agad kong inilabas ang I.D. mula sa bracelet ko at ipinakita kay Sir Tycho.
Nakita kong sandali niya itong tinitigan bago lumipat saakin ang mata nya.
Hala! Bakit? May problema ba sa I.D.?
Matapos ang ilang segundong pagtingin, ibinalik niya ito sa akin. "Mai? Are you sure about that nickname?" tanong niya.
Ah, yung alias pala ang tinutukoy niya.
Tumango lang ako bilang sagot.
Narinig ko ang mahinang bulong ni Sir Tycho, "You and Ash have terrible naming sense." Sabay abot ulit sa akin ng I.D.
Gusto ko siyang kontrahin at sabihin na hindi yun totoo. Si Asher lang ang bobo sa pagpapangalan, hindi ako!
"Since everyone is here, let's go."
Nagsimula nang maglakad si Sir Tycho palabas ng BMA, at syempre, sumunod kami sa kanya.
"Anong alias mo?" biglang tanong ni Beckett sabay silip sa I.D. na hawak ko pa rin. "Mai? 'Di ba name mo lang yan? Ang bobo mo naman mag-isip."
Agad kong inangat ang kamay ko at binatukan siya.
"Aray!" reklamo niya habang hinihimas ang ulo niya.
Napairap na lang ako at saka siya tinanong, "Ikaw ba? Ano yung sayo?"
He fixed his posture and stood straight. He even put both hands on his waist—the way he stood screamed confidence.
"Of course, maganda. It's Ketty."
Ketty, ang p*ta.
I looked at him in disbelief. Sinabihan akong bobo nito, siya naman pala ang mas—
"Just kidding, of course not. It's Boq."
Ay, kala ko naman.
"Bakit Boq?"
"Boq—short for 'Beautiful on Quest.' Because I'm a beautiful person, and we're on a quest. What do you think?"
Napakunot-noo ako sa sagot niya. Beautiful on Quest? Ang laki talaga ng bilib sa sarili.
"Beck—"
"Boq."
"Hah, fine. Boq," tawag ko nang seryoso habang tinitigan siya sa mata. "Seryoso ka?"
Tumikhim siya at kunwaring inayos ang kwelyo ng suot niyang jacket. "Of course," sagot niya, puno ng kumpiyansa. "Kailangan catchy, 'di ba? Boq—parang ang astig, 'di ba? Tunog elite. Tunog mahal."
Pinagmasdan ko lang siya nang walang emosyon, saka dahan-dahang tumango.
Tunog tanga.
"Tunog tanga."
Napatingin ako kay Natsume dahil parehas kami ng iniisip. BFF!
"Sabatera ka na naman. Ikaw ba kausap?"

BINABASA MO ANG
End of the Tunnel
FantasyAfter Maisie passed away, she found herself in a new world that was vastly different from the one she had known. This world was filled with magic, swordsmen, monsters, and even dungeons. Maisie found it all very strange, but what was even stranger w...