"Niyakap po kasi ako ni Mika... tapos lahat sila, inaasar si Mika na sipsip daw. Hindi ko po alam kung bullying po ba 'yun, pero nakakalungkot lang po na ang bata pa po nila para mag-engage sa mga ganitong bagay na nakakasakit sa iba."
Ma'am De Castro's calm expression instantly turned into a sad one.
She bowed her head down, "Hindi pa rin pala sila tumitigil." Malungkot niyang sagot sa akin.
Hindi pa rin tumitigil? Does this mean... matagal na nilang ginaganito ang kaklase nila?
Alam kong mga bata sila, kalimitan ay hindi nila alam ang ginagawa nila, at kalimitan din ay wala pa naman sila gaanong thinking skills kumpara sa amin. Pero nakakalungkot lang dahil kahit bata pa sila, they shouldn't even have spaces in their lives to have such animosity towards their peers!
It made me think that... it's somehow their environment's fault. Naniniwala ako na ang bata ay natututo rin base sa mga obserbasyon nila sa mundo at sa mga taong nakapaligid sa kanila.
'Yon din ang itinuro sa amin ng professor namin. Madalas ay ginagaya lang naman ng mga bata ang ginagawa ng mga nakatatanda sa kanila.
Kumirot ang puso ko.
"Nakausap mo na po ba ang mga magulang nila? O 'di kaya ay magulang po ni Mika?" Tanong ni Trina.
Umiling si Ma'am De Castro, "Sinubukan kong kausapin ang magulang ni Mika para ipaalam ang nangyayari pero... hindi naman sila sumipot dito." Bumuntong-hininga siya.
Nagkatinginan kami ni Trina, halata sa mga maya niya na labis din ang pag-aalala niya para kay Mika.
"Paano po 'yung magulang ng mga kaklase niya?" I asked.
Umiling ulit si Ma'am, sighing once again.
"Wala rin pong sumipot."
Oh.
Naging mabigat ang paghinga namin ni Trina dahil sa mga nalaman.
"Hindi naman po sa nangingielam kami, Ma'am. Concerned lang kami sa bata dahil baka paglaki niya ay magdulot pa ito ng trauma o anxiety... kaya sana po... may gawin po ang paaralan niyo tungkol sa mga ganitong bagay." Saad ko at ngumiti nang pilit.
She nodded her head at me, "Salamat, mga bunso. Pasensiya na kayo sa nangyari. Kakausapin ko rin ang principal namin pati na rin ang guidance counselor para pag-isipan namin ano ang pwedeng gawin. Salamat sa mabubuti niyong puso."
Our conversation already ended not long after.
Trina and I decided to go ahead and meet our group mates who were waiting for us outside the elementary school.
Napagdesisyunan din namin na magbyahe na kami pabalik ng university imbis na maglakad dahil tirik na tirik ang araw ngayon.
When we arrived at the university, I called for Winona who was sitting by the lobby, waiting for me.
She stood up as soon as she saw me, at nilapitan ko naman siya.
"Ba't ang tagal ng group niyo?" Tanong niya habang naglalakad kami papunta sa cafeteria.
"We had to talk to the adviser of the second grade pupils." I replied.
Kinwento ko rin sa kaniya ang nangyari, at kahit siya ay nalungkot doon.
We took turns sharing our stories and experiences about our first session of LTS. Sayang nga dahil hindi kami magka-group ni Win, pero ayos lang dahil hindi naman kami palaging magkakasama.
When we reached the turnstile near the cafeteria, I tapped my ID so that I could pass through— it didn't work.
I panicked internally dahil ayaw magbukas ng turnstile noong nag-tap ako ng ID ko. Pambihira naman, gutom na 'yung tao, oh.

BINABASA MO ANG
From The Bottom of My Hypothalamus
Teen FictionIsa lang ang kinatatakutan ni Vespera Carrel Gopez. Ang makatanggap ng tanong kung ano ba ang gusto niyang maging sa mga susunod na taon. Growing up, she was entirely convinced that there was never a thing that she'd be good at. May it be drawing, s...
Chapter 02
Magsimula sa umpisa