I was never an academic achiever.
Kapag bigayan na ng report card, 'yung mga kaklase ko, may natatanggap silang achiever card, samantalang ako... ang mahalaga may pirma ng adviser at ng principal.
Even when I was in high school, isang himala na sa akin kapag nakakakuha ako ng mataas na puntos sa mga quiz namin.
Ewan ko, kapag nasa harapan ko na ang mga kailangan kong basahin at aralin, bigla na lang akong tinatamaan ng katamaran.
Tangina, 'yan kaagad ang pumasok sa utak ko nang tingnan ko ngayon ang score ko sa quiz namin sa BioPsych.
Napapatawa na nga lang din ako dahil wala naman akong ibang pwedeng sisihin sa mababang score ko kun'di ang sarili ko.
11/30.
I folded my test paper in half and kept it inside my bag.
"Anong score mo?" Tanong ni Vax.
"Ewan." I lied.
"Ba't mo ba tinatanong? Hindi ba uso sa'yo ang privacy?" Naiinis na tanong ni Trina.
"Sorry naman. Mas galit ka pa kay Cara!"
Napatawa ako sa batuhan nila ng linya. I know Vax's question is harmless, but the way Trina came up to defend me warmed my heart— I didn't have to further answer his question dahil alam kong hindi naman niya kakagatin ang sagot ko na ewan.
"Okay, class,"
Kaagad na umayos ng upo ang mga kaklase ko, pati na rin ako.
"We're going to have another quiz on Monday."
The entire class groaned in unison at the announcement.
Quiz na naman? Katatapos lang namin mag-quiz last week! Hindi tuloy ako makareklamo na masyadong pa-major ang subject na 'to dahil totoo namang major siya at may karapatang maging pa-major.
Sarili ko na naman ang sisisihin ko nito kapag bumagsak ulit ako!
After the class was dismissed, Win instantly came up to me to ask me about where we should eat lunch, but I declined her offer.
Mapagpanggap 'man ang dahilan ko pero... kailangan kong mag-aral.
"Wow! May lagnat ka ba?" Win jokingly rested the back of her hand on my forehead to feel my temperature.
I looked around the room to check if there were still any other students left aside from us. Nang ma-confirm ko na wala nga ay bumalik ang tingin ko kay Win.
I sighed, "Bagsak ako."
I watched Win's reaction, and I was expecting her to laugh, or maybe frown at that information... but instead, she rested her hand on my back and gently caressed it.
"What are you feeling?" She asked.
I couldn't answer, dahil hindi ko rin alam kung anong naramdaman ko noong nakita kong bagsak ako sa quiz. Natatawa pa nga ako kahit hindi nakakatawa, eh.
"Okay lang naman kasing aminin na nalungkot ka o kaya nadismaya ka." Saad niya.
She moved one of the chairs and positioned it in front of me, pagkatapos ay umupo siya rito at bahagyang sumandal.
Napabuntong-hininga ako, "Parang wrong?" Natatawa kong sambit.
"Hindi naman ako nag-aral, anong karapatan kong malungkot at madismaya?" Natatawa kong sagot sa kaniya.
Win shook her head, "Don't let it hinder you from acknowledging your own feelings, dahil aminin mo, kahit sa tingin mo wala kang karapatan na madismaya, deep inside, nadismaya ka pa rin."

BINABASA MO ANG
From The Bottom of My Hypothalamus
Teen FictionIsa lang ang kinatatakutan ni Vespera Carrel Gopez. Ang makatanggap ng tanong kung ano ba ang gusto niyang maging sa mga susunod na taon. Growing up, she was entirely convinced that there was never a thing that she'd be good at. May it be drawing, s...