SARI'S POV
Kahit malayo na ako kay Kier ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko. Grabe pa rin ang kaba ko. Kung bakit ba naman kasi lumapit sya sa akin ng gano'n at hinawakan ako at parang may kung ano pa syang gustong gawin bukod sa pagtitig sa 'kin.
May gusto syang makita sa 'kin? Ano naman kaya 'yon?
Ewan ko ba sa lalakeng 'yon pero mabuti na lang mabilis agad akong nakaisip ng paraan para tigilan na nya ko.
Hindi nga lang din magandang idea na palabasin kong may gusto sya sa 'kin dahil sa pagtitig at paghawak nya sa magkabilang balikat ko pero wala na akong choice, eh. Basta na lang rin lumabas sa bibig ko na kaya nya ginagawa 'yon ay dahil sa may gusto sya sa akin at pinopormahan ako.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, mukha rin kasing hindi rin sya naniniwala na hindi ko sya kilala.
Nasa iisang school pa kami at hindi ko rin sya maiiwasan kahit pa gustuhin ko. Malamang sa malamang kasi hindi rin nya palalagpasin 'yong ginawa ko kanina. Baka nga hindi rin matatapos ang unang araw ko rito sa school na may mangyari na naman sa 'king hindi ko magugustuhan.
Urgh! Hindi pa nga nagsisimula 'yong klase pero gusto ko na agad umuwi! Nasapo ko pa ang noo ko sa sakit ng ulo ko sa kakaisip.
Nakarating na rin ako sa magiging room ko pero hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob, meron na agad lumapit sa aking babaeng may mga nagniningning na mga mata at may malawak na ngiti. Napaigtad pa nga ako sa gulat sa pagsulpot nya.
Akala ko pa no'ng una sa iba sya nakatingin dahil nagpalinga-linga pa ako sa paligid pero mukhang ako nga ang pakay nya.
"Hello! I'm Dindi Valdez and you are?" Bungad na pakilala nya. Inilahad nya sa akin ang kanyang kamay na agad ko rin naman tinanggap at nakipagshake hands.
"Sari Angelique Uy, Sari na lang for short." Sabi ko.
"Ok, Sari, pwede ba tayong maging friends?"
Hala, ang bilis naman nya! "Uh ... O-Oo naman."
"Good. Tara." Aniya. Hinawakan nya agad ako sa kamay at dinala banda sa dulong mga upuan at itinuro nya ang nag-iisang bakanteng silya. "Dito ka na maupo para tabi tayo."
Kahit na naguguluhan ay sinunod ko sya at ngumiti. Hindi rin kasi umaalis ang mga ngiti nya sa 'kin. Siguro nga friendly talaga si Dindi pero mukhang sya lang naman ang ganito sa akin, 'yong ibang classmate kasi namin kung hindi may ibat-ibang sariling mundo ay nakatingin lang sa amin.
Nahuli ko pa ngang nagbubulungan ang mga babaeng nagkukumpulan sa tabi habang sa amin sila nakatingin.
Bago lang kasi ko sa paningin nila kaya siguro gano'n pero si Dindi? Ewan ko pero parang iba rin sa kanila ito. Baka nga hindi lang close si Dindi sa iba kaya gano'n na lang rin kung pagtinginan sya ng mga ito.
"Meron akong ipapakita sayo." Aniya. Nacurious naman ako kung ano 'yon kaya tumango ako. Inilabas nya ang kanyang phone galing sa bulsa at ipinakita nya sa akin ang familiar na mukha lalo pa ang mga sumunod na picture. "Ang gwapo nya, 'no?"
Si Kier! Pati na rin ako! Meron syang pictures namin kanina sa garden?! "T-Teka ano'ng ibig sabihin—"
"Shh!" Pigil nya sa 'kin magsalita. "Bago mo 'ko paghinalaan ng masama, sasabihin ko na agad sayo 'yong dahilan." Nagtataka man pero pinakinggan ko sya. "Si Kier lang talaga ang sadya ko sa garden. At katulad ng mga madalas kong ginagawa, palihim ko syang kinukunan ng pictures kasi gustong-gusto ko talaga sya pero wala syang alam do'n. Hindi ko lang din in-expect na makikita kita ro'n kasi nga naman wala namang ibang taong nagpupunta do'n sa dulo kundi si Kier lang at syempre ako." Paliwanag nya.
Habang nagsasalita sya hinayaan naman nya akong tingnan ko ang pictures na kinunan nya. Meron pa ngang video.
Sumariwa agad sa akin ang eksena na nangyari sa garden kanina lalo na 'yong dumating ang girlfriend ni Kier na nagngangalang Kaye na sinampal naman sya noon ng malakas.
Sa lakas no'n parang ramdam ko rin 'yong sakit. Ang intense lang. Ewan ko ba pero parang natutuwa pa nga akong inulit ulit na panoorin 'yon. Nakailang play pa nga ako sa part na sinampal sya.
Ang sama ko, 'no?
"Ok na sana, eh, narinig ko na rin 'yong magic word na break na sila pero bakit kailangang hilain ka pa ni Kier palayo? Sa'n ka nya dinala?" Natigilan ako sa tanong nyang 'yon. Maging ako hindi ko rin alam kung bakit nga ba ginawa 'yon ng lalaking 'yon. Bumuntong hininga sya bago nagpatuloy na magsalita. "Hindi ko na kasi kayo nasundan no'n, eh, kasi nalaglag ako sa puno."
"N-Nalaglag ka?" Pag-aalala ko. Agad na sinuri ng mga mata ko kung nagkaroon ba sya ng sugat. Pero hindi ko lubos maisip na magagawa pa nyang umakyat ng puno para lang kay Kier. Sabi nya gusto nya ito pero mukhang hindi lang 'yon ang sa tingin ko. Parang may mas malalim pang dahilan.
"Ok lang ako medyo nagalusan lang naman." Ipinakita nya sa akin ang sugat na natamo nya sa binti at mga kamay.
"Galos ba 'yan sayo? Eh, puro ka na nga sugat! Teka, ginamot mo na ba 'yan?"
"Hay naku, ok lang talaga ako. Maliit na bagay lang 'to. Mabuti pa ikwento mo na lang sa 'kin 'yong nangyari sa inyo ni Kier. Nacucurious talaga 'ko, eh."
"'Y-Yon ba?" Sasabihin ko ba sa kanya 'yong nangyari kanina o magsisinungaling na naman ako? "Uhm ... Ano kasi, eh ..." Bahala na kung ano'ng magiging dating nito sa kanya pero kailangan nyang malaman. "Sa tingin ko, may gusto sa 'kin si Kier. Matapos nya kasing hilain ako paalis ng garden, lumapit sya sa 'kin. Sobrang lapit tapos hinawakan nya ako. Sabi pa nya, may gusto syang makita sa 'kin."
Napanganga sya sa sinabi ko at saglit pang napatulala sa akin bago nagreact. "Wow! Grabe! Sabi na, eh!"
"Ha?" Ako naman itong hindi makapaniwala. Akala ko kasi magbabago sya sa 'kin ng pakikitungo pero bakit hindi?
"Hindi ka nya ililigtas sa sampal ng bruhang Kaye na 'yon at hindi ka rin nya ilalayo ro'n kung wala lang sya sayo tapos hinawakan ka pa nya. Alam mo kasi iba 'yong ugali ni Kier, eh, kahit may maglupasay pa sa harap nya, keber lang sa kanya kapag ayaw nya sa tao. Hmm .. kaya pala gano'n 'yong ikinikilos nya kasi 'yong totoo gusto ka nya!"
Bakit parang naliligayahan pa sya? "At ok lang 'yon sayo?"
"Syempre hindi pero ano naman ang magagawa ko ro'n, diba? Secret admirer at stalker lang naman nya ako. Pero ang ipinagtataka ko lang, bakit kilala ka ni Kier? At sya hindi mo kilala? Taga saan ka nga ba, Sari?" Tanong nya.
Umiwas agad ako ng tingin sa kanya para kasing gusto nya akong basahin sa mga tingin nya.
Kung bakit ba naman kasi naisipan ko pang maggala sa garden na 'yon? Hindi sana mangyayari ang lahat ng 'to kung focus lang ako sa pangarap ko. Dapat kasi school bahay at bahay school lang ako, eh.
Hindi talaga tama na masyado tayong nacucurious sa mga kung anu-anong nakikita natin sa paligid.
Tsk! Namumuro na ko sa pagiging liar ko!
"'Y-Yon nga rin ang gusto kong malaman, eh, galing akong Ilocos pero kinuha ako ng mama ko para dito mag-aral sa Manila no'ng nawala na ang lola kong nag-aalaga sa 'kin." Hindi ko gustong ikwento 'to sa kahit na kanino lalo pa at first time ko palang dito pero kung gugustuhin kong layuan ako ni Kier, tama lang din na magkaroon ako ng taong magtitiwala sa akin at tutulong din sa 'kin. Sa tingin ko, si Dindi na 'yon. "Hindi ko pa rin nakikita sa buong buhay ko 'yong Kier na 'yon kaya naguguluhan talaga 'ko."
"Gano'n ba? Grabe, pa'no nga kaya nangyari 'yon?"
"Ewan ko pero hayaan mo na 'yon. Siguro nga nagkataon lang na alam nya ang name ko kasi inakala nyang ako 'yong kakilala nya. Alam mo na coincidence lang. Hindi naman posible 'yon."
"Naku, hindi rin, 'no? Ang unique din kaya ng name mo kaya pa'no magiging coincidence na tawagin ka nya sa totoo mong pangalan kung hindi ka nya talaga kilala. Mabuti pa tanungin na lang natin sya." Suhestiyon nya na ikinabahala ko.
Akala ko naman kakagatin nya ang sinabi kong 'yon pero mukhang may malala pa atang mangyayari! Ano'ng gagawin ko?!

YOU ARE READING
Our Lovely Scars
RomanceDating magkaibigan Sina Sari Angelique Uy at Alex Kier Olivar pero nang dahil sa hindi pagkakaunawaan ay nasira iyon at nag-iwan ng hindi lang galit sa puso para sa isat-isa kundi pati na rin peklat sa kanila na naging marka rin ng pagtatapos Ng kan...