I hate that she's right. Alam na alam niya kung anong dapat sabihin sa akin.
"I should've studied." I replied.
"Should've, could've, would've... and all the other what ifs... pero nangyari na, eh. Pero alam mo 'yung maganda? Na una pa lang naman ito. Hindi naman porke hindi ka nakapag-aral ay hindi ka na ulit makakapag-aral."
Biglaan akong tumayo, at halatang nagulat din siya sa biglaan kong pagtayo.
I grabbed my things, "Okay! Mag-aaral ako sa lib! Kain ka, ha! Bye!"
I rushed outside and heard her yell "Siraulo!" which made me laugh.
Tama naman siya, hindi naman porke hindi ako nakapag-aral sa una naming quiz ay hindi na ako pwedeng mag-aral sa mga susunod pang quiz. Gasgas na ang linyang better luck next time, pero nakakagaan din because I am assured that I have a lot of trials to do my best.
Pero tangina, ba't ang hirap nito?!
Ano 'tong action potential action potential? Pucha. Action star nga lang ang alam ko, bakit ako dadalihan ng ganito?!
Napatitig na lang ako sa notes na nasa harapan ko dahil alam ko sa sarili ko na kahit basahin ko ang lahat na nakasulat ay wala naman talaga akong maiintindihan. Basta alam kong apat ang lobes na mayroon ang utak natin, okay na 'yan.
At tsaka... at least may alam ako tungkol mga neurotransmitters pati na rin ang mga parts na mayroon sa brain! Sige, Carrel, i-gaslight mo pa ang sarili mo, ayan tayo eh.
Okay, heto na talaga, mag-aaral na ako.
Here goes absolutely nothing!
Natigilan ako.
I heard the sound that a chair makes when it's being pulled back. My head immediately turned to look at who just sat beside me. Of course... of course it's Melo. Of course, he found me again. Why does this guy seem to find me every time I am in distress?
"Need some help?" He rested his elbow on top of the table and placed his chin against the palm of his hand. He glanced over at the notes in front of me, and proceeded to return his attention to me.
I shook my head out of embarrassment.
Obviously, hindi niya papaniwalaan ang rejection ko dahil kahit sino namang makakakita sa akin ay mahahalatang hirap na hirap yata ako sa inaaral ko.
Sure, I want to help a lot of people kapag naging psychiatrist ako... pero can we skip this stressful part? Nakakaiyak!
"Do you have an upcoming quiz?" Tanong niya, at tumango naman ako.
Melo licked his lips and scooted his chair closer to me. Pinanood ko lang siyang tingnan kung ano ba ang inaaral ko, and I noticed how his eyebrows shot up.
"Neural conduction and synapses?"
Hindi ako umimik, dahil halata rin naman na kausap niya ang sarili niya at binabasa lang kung tungkol saan ba 'tong inaaral ko.
He then unzipped his bag, and took something out from it. Kumuha siya ng isang notebook at binuksan ang lalagyan ng kaniyang mga ballpen para kumuha ng ballpen at lapis.
Pagkatapos ay tiningnan niya ang relo niya.
"Have you eaten already?"
Ayun lang. Hindi pa nga pala ako kumakain, kaya naman pala parang nagwawala na ang mga buwaya sa tiyan ko.
He let out a deep sigh, "Let's eat first."
Umiling ako, "Hindi pwede. Kailangan kong mag-aral."
Melo fixed his eyeglasses, at napakamot naman din sa kaniyang noo, na para bang stressed na stressed siya sa'kin kahit kararating niya rito... at kahit siya naman ang nagkusang pumunta rito sa'kin!

BINABASA MO ANG
From The Bottom of My Hypothalamus
Teen FictionIsa lang ang kinatatakutan ni Vespera Carrel Gopez. Ang makatanggap ng tanong kung ano ba ang gusto niyang maging sa mga susunod na taon. Growing up, she was entirely convinced that there was never a thing that she'd be good at. May it be drawing, s...
Chapter 04
Magsimula sa umpisa