"Ang random mo, pero thanks." Natatawa kong sagot at kinagat ang soft-boiled egg na nasa plato ko.
"It was our topic earlier in our AnaPhy lecture. I figured it would be nice if I could apply it in real life." He explained.
That's interesting, pero naiisip ko pa lang na pagdadaanan ko ang AnaPhy next academic year ay parang nanghihina na kaagad ako. BioPsych nga nahihirapan na ako.
We spent the entire lunch break talking about the topics that we've learned from our subjects. He shared some interesting things from his Zoology class during the first semester. 'Yon daw ang paborito niyang subject noong first sem. And for the second semester, it's AnaPhy.
Dahil do'n ay napagtanto kong ang hilig niya talaga ay mga subjects na related talaga sa science, dahil paborito niya rin daw noong first year pa siya ang chemistry, at BioPsych.
We were the exact opposite.
Kinwento kong ang paborito ko, so far, ay 'yung mga subjects na nakasentro talaga sa Psychology, maliban na lang sa BioPsych dahil kahinaan ko 'yon.
I mentioned Developmental Psychology, Understanding The Self, and Theories of Personality as my favorites.
Melo then heaved a sigh.
"Oh... PsychStats." Umiiling-iling niyang saad, at parang natatawa pa.
"Why? You hate it?" Tanong ko habang sabay kaming naglalakad palabas ng cafeteria.
"Mhm. I'm not a big fan of mathematics, that's why I used to hate Physics too... despite it being a science subject." He replied.
Tumingin siya sa akin, "What about you? You seem unfazed. You've taken the Mathematics in the Modern World course, right?"
I nodded, "Oo, bakit?"
"How was it? I barely got an uno there." Tumawa siya.
"U-Uno ako."
Nalaglag ang panga niya sa sagot ko.
Hindi ko nga pala nabanggit na paborito ko ang mga related sa math. Mas gugustuhin ko ang mag-solve at mag-compute kaysa pagsauluhin ako ng mga bagay bagay. Kaya heto ako't hirap na hirap sa BioPsych dahil ang daming bagay na kailangang sauluhin.
I guess we're the exact opposite, then.
"Wow. Where were you during the first semester? I should've asked you for help in our Statistics course."
"Baliw," mahina kong pinalo ang braso niya, "Malay ko ba riyan sa Stats niyo."
When we got back inside the library, inayos na ulit namin ang mga gamit namin at inilabas ang mga kailangan naming gamitin.
Since we only had an hour left, Melo was very much serious when it came to helping and teaching me about the topics that I desperately wanted to understand.
Ang kaninang malinis na transes ng notes na bigay niya sa akin ay punong-puno na ng mga sulat niya sa gilid o 'di kaya ay mga scribbles niya para mas maintindihan ko 'yung sinasabi niya.
40 minutes passed by easily, at sa loob ng 40 minutes na 'yon ay ang dami kong naintindihan. I can say that this was effective for me.
I stretched out my arms and let out a huge sigh.
"Thank you, Melo. Parang na-overload na yata ang mga info sa utak ko." I joked.
Tumawa naman siya.
"No problem, Cara. I'm glad I could help. I hope you can ace the quiz, but I'm sure you definitely will." He smiled.

BINABASA MO ANG
From The Bottom of My Hypothalamus
Teen FictionIsa lang ang kinatatakutan ni Vespera Carrel Gopez. Ang makatanggap ng tanong kung ano ba ang gusto niyang maging sa mga susunod na taon. Growing up, she was entirely convinced that there was never a thing that she'd be good at. May it be drawing, s...
Chapter 04
Magsimula sa umpisa