"Pero nakausap ko na 'yung Kuya ni Mika, bukas na bukas daw ay pupunta siya rito. Sana lang ay pumunta nga siya." Pagpapatuloy ni Ma'am De Castro.
My group mates and I exchanged worried glances at each other.
Hanggang sa pagbalik namin sa campus ay hindi nawala ang pag-o-overthink namin sa kung anong mangyayari kay Mika. Nakakaawa talaga ang kalagayan niya ro'n, ang hirap lang dahil hindi namin alam kung paano talaga tutulong without the authorities thinking that we are overstepping boundaries.
Shet! Oo nga pala!
Naalala ko na birthday nga pala ng tita ko ngayon! Kailangan ko na palang umuwi!
Dali-dali akong nagpaalam sa mga kaklase ko. Ime-message ko na lang din si Winona na umalis na ako dahil alam kong hahanapin niya ako 'pag nakabalik din sila ng campus.
Buti na lang din ay nakasakay kaagad ako sa jeep, mukhang hindi rin naman traffic pauwi.
Before I could even enter my aunt's house, sinalubong kaagad ako ni Mama ng... plato.
"Kain na, 'nak! May puto rito, favorite mo, dali!"
Napatawa naman ako dahil hindi pa ako nakakatapak sa loob ng bahay nila Tita ay pinakakain na niya agad ako. Okay lang din naman dahil gutom na gutom na rin ako.
"Cara!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin, at nang makita ko kung sino ay napangiti ako. Walang iba kun'di si Ate Cha, kasama ang iba ko pang mga Ate.
I held my hand up to signal them to wait for me and that I'll get myself some food first. Pagkatapos ay sa kanila kaagad ako dumiretso at ipinatong ang plato at baso ko sa mesa na kaharap namin.
"Kumusta college? Parang ang tagal nating hindi nagkita, super busy 'yarn?" Tanong sa akin ni Ate Pia.
Tumawa ako, "Okay lang, Ate. Puro quiz."
Tumango-tango naman si Ate Chel, "Puro quiz nga talaga sa college, pero chill ka lang din, Cara. Mas okay pa rin talaga na na-ba-balance mo ang acads at buhay mo."
I smiled at what she said. Tama naman si Ate Chel. Sa huli ay pagsisisihan ko kung babad ako sa pag-aaral kaya mabuti na lang din na dapat matuto akong mag-balance ng mga bagay sa buhay ko.
"Si Ate Zeph?" Tanong ko habang pinapaikot sa tinidor ang spaghetti sa plato ko.
"Ayun."
My attention shifted to Ate Cha who was pointing at someone, probably Ate Zeph, using her lips, kaya't napatingin din ako.
Si Ate Zeph nga.
Abala siya sa pag-aasikaso ng ibang bisita ni Tita, ang kaniyang ina, dahil may pagka-social butterfly naman talaga si Tita. Hindi na nga kami nagtataka kung bakit may pagka-social butterfly rin si Ate Zeph.
"Wait lang po kay Mommy, nasa kusina lang po."
Nakaramdam siguro si Ate Zeph na pinapanood namin siya kaya't napalingon siya sa aming gawi.
"Ah, wait lang po."
I watched Ate Zeph make her way to where we are, and she decided to sit down right next to me. Napasandal din siya at bumuntong-hininga.
"Juskupo, ako ba ang may birthday?" She asks, looking up at the ceiling.
That made us laugh. Abalang-abala naman nga kasi siya na para bang siya ang may birthday.
"Hindi ko na nga inimbita mga tropa ko kasi si Mommy naman ang may birthday, mag-aasikaso pa rin pala ako." Reklamo niya.
"I-shot na natin 'yan, Zeph!" Ate Chel teased.

BINABASA MO ANG
From The Bottom of My Hypothalamus
Teen FictionIsa lang ang kinatatakutan ni Vespera Carrel Gopez. Ang makatanggap ng tanong kung ano ba ang gusto niyang maging sa mga susunod na taon. Growing up, she was entirely convinced that there was never a thing that she'd be good at. May it be drawing, s...
Chapter 05
Magsimula sa umpisa