抖阴社区

Greatest 24

10.7K 418 590
                                    

Always Been My Greatest 24




"Three months."

Kumunot ang aking noo, hindi maintindihan kung para saan ang sinabi niya. "Three months of what?"

"No dating, no flirting, no girls for the next three months. Kung sino ang makatagal nang walang babae sa loob ng tatlong buwan, siya ang manliligaw kay Nabi. Deal?" tanong niya, ang mga ngisi ay nagyayabang.

Sumimangot ako. Nabi is a total catch, that's given. But, making a deal for us to know who deserves her more? Parang mali, e.

"Kaya kong makipagkumpetensya sa'yo. Wala naman akong dapat katakutan, e, pero ayoko sa isiping kailangan nating gumawa ng pustahan para kay Nabi. She's too pure and genuine para isali siya sa isang katarantaduhan."

I noticed that he stiffened. As if he had never expected to hear that from a jackass like me.  Apart from being a little stunned, he looks hurt for no obvious reason.

Matagal bago siya nakapagsalita, tila naubusan ng mga salita sa narinig. Ano bang nangyayari? Tama naman ako, 'di ba? Seryoso na ako kay Nabi, ayokong idamay iyong tao sa kagaguhan naming pareho.

"Are you seriously into Nabi? Kasi kung oo, maiintindihan mo ang sinasabi ko. I can compete with you but I can't accept your offer. Hindi ko magagawang makipagpustahan para sa inosenteng puso ng isang tao."

Unti-unti siyang lumapit sa akin. This time, he's calm and composed. Iyong Tristan na kilala kong hindi nai-intimidate.

"Yes. I'm also serious that's why I wanted her the best. How can I know that you're taking her seriously kung sa tatlong buwang walang nakakalandian ay hindi mo kaya?" muling tanong niya.

Napataas ang kilay ko. "Paano rin ako makakasiguradong seryoso ka nga? Madaling sabihin, e, pero mahirap samahan ng aksyon."

"Then accept my offer. Hindi natin pinagpupustahan ang puso ni Nabi dahil gaya ng sabi mo, pareho tayong seryoso sa kaniya. Gusto lang nating makasiguro kung sino ang talagang mas seryoso."

I get his point. Sa paliwanag niya, naliliwanagan na ako sa gusto niyang ipunto. Madaling sabihing pareho kaming seryoso pero kailangan naming patunayan. And to prove it, we must accept and play the game.

Three months of not having a girl? No flirting?

Mahirap pero siyempre kakayanin. Bukod sa talagang gusto kong manalo dahil seryoso ako kay Nabi, ayokong apakan ang pride ko. Gusto ko pa ring patunayan na sa aming dalawa, 'di hamak na ako ang mas better.

"Iyon lang?" tanong ko.

Umiling siya. "No trying of luck for the next three months. Bawal tayong pareho magpapansin sa kaniya hangga't hindi natin napapatunayan kung sino nga ang karapat-dapat sa kaniya."

Huh? Pati ba naman iyon bawal? Kahit simpleng pabigay lang ng flowers? Ng chocolates?

"Bakit naman?!" inis kong tanong.

Tumawa siya. "Mendoza, we're in a game. We're trying to prove ourselves kung sino talaga ang mas karapat-dapat. Bakit ka magpapapansin kung hindi mo pa talagang napapatunayan ang sarili mo? Are you cheating?"

Tangina niya.

"Babaero ako pero hindi ako cheater!"

Totoo naman. I may have tons of flings but if I'm in a serious relationship, hindi ko pinagsasabay. Kahit nga nakakalandian ko, inaayawan ko muna bago maghanap ng panibago. Konting respeto lang din.

"Then don't cheat. Don't trick me."

Inirapan ko ito. "I'm not a cheater, okay? Marunong akong tumupad sa usapan."

Always Been My GreatestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon