Unang Araw
Kung tutuusin, hindi talaga ito ang unang araw ko sa unibersidad. Technically, pangatlong linggo ko na, pero para sa akin, ito lang ang tunay na simula.
Bakit?
Kasi ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin. Hindi lang basta huminga, kundi makinig, makatitig at makihalubilo.
Sa nakaraang dalawang linggo, araw-araw akong pumasok nang walang imik. Dumidiretso sa building, nakatutok sa sahig, pinipilit iwasan ang mga matang tila ba laging may tanong. "Ano'ng nangyari sa kanya?" "Naaksidente kaya 'yan?" "Kawawa naman, ang ganda pa naman niya."
Mga salitang hindi man nila sabihin ng malakas, nararamdaman ko. At minsan, mas masakit 'yung hindi sinasabi.
Pero ngayon, ibang klaseng araw 'to. Hindi dahil may bago akong haircut o kaya bagong outfit. Wala. Suot ko pa rin ang paborito kong faded denim jacket at puting blouse na may sunflower print sa kwelyo.
Iba ang araw na 'to kasi... nararamdaman ko. Yung puso ko-kahit takot-handa nang humarap.
At siguro, malaking factor din na may isang lalaking bigla na lang dumating sa buhay ko na hindi ko inaasahang magiging dahilan ng unti-unti kong pagbangon.
Oo, si Sebastian.
Yes, 'yung binangga ako. 'Yung tinawag kong tanga. 'Yung pilit pa ring umupo sa tabi ko kahit tinatarayan ko.
At ngayon, eto na naman siya.
"Kels!"
Napalingon ako mula sa labas ng classroom nang marinig ko ang boses niya. Tumigil siya sa harap ko, may hawak-hawak na dalawang cup ng coffee.
"Umaga pa lang, terror na si Prof. Del Rosario. Gusto mo Kape?"
Inabot niya sa'kin 'yung isa.
"Baka may lason 'yan," sabi ko sabay turo sa cup.
"Kung gusto kitang lasunin, mas madali kung lalagyan ko na lang ng laxative," sabay kindat niya.
Napailing ako habang tinanggap ko ang kape. "Thanks."
"Anong subject mo ngayon?" tanong niya habang sumasabay siya sa lakad ko-este, tulak.
"Philosophy. Gusto kong maintindihan bakit may mga taong sobrang persistent."
"Ay, para sa'kin pala 'yan," ngumisi siya.
"Feeling mo talaga."
Pero kahit sarcastic ang tono ko, hindi ko mapigilang mapangiti. Na-realize ko, hindi na ako defensive gaya ng dati. Hindi na ako agad napapagod makipag-usap.
At si Sebastian... hindi lang siya 'yung type ng tao na basta lalapit tapos mawawala. Parang may dahilan kung bakit siya nandito. Kung bakit kami laging nagkakabanggaan-literally and figuratively.
Pagkatapos ng klase, naupo ako sa may courtyard kung saan madalas tumambay sina Trina at Lian. Nagtext si Trina na late daw sila dahil may hinabol pa silang quiz sa ibang prof.
Habang naghihintay, kinuha ko 'yung pocket notebook ko. Isa ito sa mga coping mechanism ko-'yung magsulat ng kahit ano. Thoughts. Quotes. Lists. Minsan doodle.
Isinulat ko:
Things I want to tell myself today:
1. You are more than your wheelchair.

BINABASA MO ANG
Beyond the Scars
Science FictionWhat do you do when life suddenly changes in a blink? When the person you used to be feels like a stranger in the mirror? Kelsey Hale was once full of dreams-independent, unstoppable, and free. But after a tragic accident, she returns to university...