抖阴社区

18

575 32 9
                                    

Simula no'ng araw na 'yon, nag-ingat sa ako sa ginagawa ko. Ayo'kong mapatayo kaharap ang pader uli. Hindi ko na din masyadong nakikita sila kuya, kahit pareho lang kami ng tinitirhan ni kuya Eren, hindi ko na din siya nakikita.

Maaga siyang umaalis at gabi na dumadating at tulog na ako non. Laging may event na pinupuntahan at ilang araw bago bumabalik, hindi ko din namamalayan.

Busy din sila kuya at sa chat lang kami nag-uusap. Si kuya Ishaan ang nakikita ko madalas dahil kumakain ako sa restau niya.

Okay lang 'yon sa akin dahil busy din ako sa school. Marami rin kaming ginagawa at gagawin. Nasa section D ako at masasabi kong ayos lang ang lahat. Walang umaaway sa akin at may kaibigan na ako.

Si Dane at Xyne.

Classmate ko at kambal sila pero hindi identical. Scholarship sila ng bayan. Ako nga hindi naman scholar pero nasa section D.

Noong una, hindi sila lumalapit sa akin dahil na rin sa kumakalat na balita tungkol sa akin. Pero silang dalawa ang nangahas dahil may grouping kami at by three, ako nalang ang walang ka partner, pinili nila ako.

Lima silang magkaibigan, minsan lang ako napapasama dahil medyo ayaw sa akin no'ng tatlo, takot sila.

I call kuya Eren, hindi ko alam kung busy siya pero... kailangan kasi e.

May grouping kami uli at gagawin na project at ipapasa bukas kaya kailangan na matapos mamayang gabi, napag pasyahan nila na sa bahay nila Dane gagawin. Kailangan kong magpaalam.

A hummed greet me. Kinagat ko ang dulo ng kuko ko.

"Kuya...?" Panimula ko.

"What is it?" Tanong niya, nasa meeting siya.

"I'm sorry po, na disturbo po ata kita." Ani ko.

"It's fine." Sagot niya na kinahinga ko ng maluwag.

"Magpapaalam po ako." Mabilis na pahayag ko.

"Where are you going?" Takang tanong niya agad.

"May sleepover po ako kasama ang classmate ko, anim po kami at may gagawin na project sa bahay nila." Sagot ko sa kaniya. I heard him take a deep breath.

"Where?" Tanong niya.

"Saan daw?" Pabulong na tanong ko. Pinasa ko ang cellphone sa kaniya.

"Ah, hello po. I'm Dane Fy po, taga block 110 po." Sagot nito.

Saan naman yung block 110?

"And you are?" Napasinghap siya.

"Classmate po." Mabilis na sagot niya. Napatingin ako sa kamay niya, nanginginig siya.

"Listen, Chanthira." Napaiktad ako.

"Invite them in your abode."

"Po?" Mabilis na sagot ko.

"Block 110 is dangerous, you can't go there." Napakurap-kurap ako. "It's final."

"Pero kuya-" namatay na ang tawag.

"Gusto niyo 'yon?" Alalang tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan silang lima, I saw Wayis thumbs up.

"Sige, pupunta kami ng alas seis." Tumango ako. "Saan ba bahay niyo?"

Ngumiti ako. "Sa mansyon ni kuya Eren."

"Eren?" Sabay na tanong nila.

"Tierian Della Calza." Sagot ko, napaubo sila at halos mamutla.

Reincarnation of AdiraWhere stories live. Discover now