抖阴社区

Chapter 9

5 0 0
                                    

    MABAIT naman pala 'yong si Kaito, eh. Akala ko pinatawag niya ako para ipahiya sa studio, pero kailangan niya lang pala kasi nauuhaw siya. That's such a basic task to be a punishment. I was scared for nothing.

    Was all I thought in the beginning.

    "This is cold," he looked at me emotionlessly, holding the cup of water I got for him.

    "But it's not that—"

    "We have a live show tomorrow. Don't you know that singers can't have cold drinks?" sarkastikong sambit ni Zi.One. He was wearing headphones but still managed to hear that.

    I swallowed hard. "I should have known... Pasensya na po, kukuha nalang ako ng panibago," Kinuha ko ang baso mula sa kay Kaito at tatakbong bumalik sa dispenser na ilang kilometro pa ang layo mula sa studio.

    Stupid. What am I thinking? Isang dakilang singer nga pala 'yong si Kaito, and as far as I know, madalang lang sila uminom ng mga cold drinks kasi inaalagaan nila ang kondisyon ng mga boses nila.

    Natulala ako nang makarating na sa harap ng dispenser. Holy crap! Napahampas ako sa noo nang maisip kong nakalimutan ko palang i-tanong kung anong klaseng tubig ang gusto niya.

    Ekis na ang malamig kasi bawal nga sa kaniya, ibig sabihin ba nito...

    "Get him a warm drink."

    Lumingon ako sa gawing pinanggalingan ng boses at dito ko nakitang nakatayo sa kaliwang direksyon si Royce. May bitbit siyang folders na mukhang pinapadala sa opisina.

    Lumapad ang ngisi ko, "That's right! Alam mo, naisip ko na rin 'yan eh, naunahan mo lang ako. Thanks!" Agad akong kumuha ng baso.

    "Tsk. How could you smile now?"

    "How could I not?"

    "I think you need to start worrying about your life instead. Masama ang kutob ko sa popstar na 'yon," Royce said with crossed arms.

    "Overthink malala lang? Hindi 'yan!" I scoffed and shook my head.
    
    "Edi bahala ka. Buhay mo naman 'yan!" mariing sagot nito at rumolyo pa ang mga mata sa ere. Hindi ko nalang 'yon pinansin. He was kind enough to help me when he could just ignore me, right?

    Maya-maya pa'y umalis na rin si Royce. Tapos na rin ako sa pagsasalin ng tubig sa baso. Maingat akong naglakad pabalik sa studio, medyo binilisan ko pa ang hakbang ko dahil baka napahaba ang usapan namin ni Royce at mabagot 'yong hapon.

    When I came back, they were still at the same spot, laughing and playing around while Kaito and Zi.One were just sitting at their chairs. Nang makalapit ako ay napansin ko ka agad na wala na si Mr. Craige. There must've been an urgent thing to do.

    "Water is here!" bungad ko kaya napabaling sila sa direksyon ko.

    "Ay, akala ko naman pati kami pinagdalhan mo," si Kester na nakanguso at nakatitig sa basong bitbit ko.

    "Ah, gusto niyo ba? Pwede ko kayong kuhanan kung nauuhaw kayo."

    Maingat akong lumapit kina Kaito lalo't mainit-init pa itong tubig sa baso. Tignan natin kung malamigan pa itong hapon sa dala ko. Naramdaman ko pa ang tingin niya sa akin pero masyado akong nakatuon sa baso para bigyan 'yon ng pansin. Dahan-dahang tinanggap ni Kaito ang baso habang nakagabay naman ako.

LIGHTS, CAMERA, CHAOS (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon