抖阴社区

Chapter 43

14 1 0
                                        

Nakatapos na kami ng exams namin, ganun pa rin, mga tingin na naawa sila sa akin na halos maluha na ang iba habang tinitignan ako. Tahimik akong kumakain dito, bakit ba sila nagiging emosyonal ngayon?

Nasa classroom pa rin ako, hindi ako pinayagan ng tatlo na lumabas. Pati mga kaklase namin hindi ako pinayagan na lumabas ng classroom.

“Press, gutom ka pa ba? I have extra food.”

Lumapit sa akin si Sandara na may hawak na juice pouch at biscuit. Umiling ako sa kanya, pero pinili pa rin niyang iwanan ito sa table ko. Lumapit rin ang iba sa akin at nag bigay ng post-it notes, may flowers rin na stickers.

“Thank you? Anong nangyayari?” tanong ko, pinulot ko ang chocolate na binigay ni Ricky. Hindi ako umaayaw sa free chocolates. Tiningnan ko si Ricky nang hindi niya ako sinagot. Malungkot siyang nakatitig sa akin.

“Are you okay?”

Tumango ako sa tanong niya. Sila dapat ang tanungin ko, mukha silang nawalan ng kaibigan. Hindi sila masyadong nag-iingay, halos titigan at sign language ang ginagawa nila sa isa't isa. Hawak niya ang cellphone ay sumilip siya ng may nag notification.

“Uhhmmm... Excuse me, may kailangan akong puntahan,” Balisa niyang ibinulsa ang cellphone niya, hindi alam kung iiwan niya ako o lalabas ng classroom. Kami lang ang nandito kasi umuwi na ang iba, katatapos lang ng last exam kaya ikaw na ang bahala kung mananatili ka o uuwi na.

Nanatili ako dito dahil hihintayin ko na makatapos sila kuya. Usually isang oras ako maghihintay dahil hindi pa sila tapos sa subjects nila.

“You can go, hintayin ko na lang ang tatlo na bumalik,” sabi ko, pinapaalis na at itinuturo pa ang pinto. Hindi siya sigurado kung aalis ba siya. Tumayo na lang ako at ako na ang naghatid sa kanya palabas. Hindi naman ako mawawala dito.

“Huwag kang lalabas ha?” paalala niya habang sinusuot ang bag sa balikat niya. Tumango na lang ako sa kanya para hindi na siya magtagal pa dito. Nang masigurado niyang hindi ako lalabas ay nagpaalam na siya, tumatakbo na parang maiiwan siya.

“Why are you guys so weird today?” bulong ko habang bumabalik na sa upuan ko. Kinakain ko ang mga binigay nila sa akin na pagkain, ilang minuto pa akong nakaupo nang maisipan kong mag banyo.

Siguro naman pwede akong mag banyo?

Matagal pa naman ang tatlo, hindi ko alam saan sila napunta. Ang sinabi lang nila ay babalik sila agad. Ilang kalahating oras na ata silang wala eh.

Ang tahimik ng hallway, nakauwi na ang mga tao dito. May ilan namang nakatambay pero hindi naman ganun ka ingay.

Nakapasok na ako sa banyo, wala rin ka-tao-tao. Pumasok ako sa unang cubicle at ginawa kung ano ang pakay ko. Nag flush na ako at lumabas para mag hugas.

Tumingin ako sa reflection ko. Mukha akong nawalan ng buhay. Nangilabot ako habang nakatitig sa mukha kong pagod tingan. Anong nangyari sa akin?

Eyes looking like it lost its shine. I tried to smile like I did earlier this morning. It scared me. What kind of smile is that?

Bumalik ako sa cubicle nang maalala ko ang sinasabi ni Jess na post. Sigurado akong makikita ko ito agad dahil kahapon pa naman na post. Ano ba ang post na sinasabi niya na ganon siya umiyak. Mga tingin rin nila sa akin na parang nakakaawa ako sa paningin nila.

Nagbukas ako ng Facebook. Nag scroll pa ako ng wala naman akong makita na relevant sa sinasabi ni Jess. Tahimik ang notifications ko kaya hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari.

Napadaan ako sa isang post.

EX vs. TRANSFEREE

Alam niyo na ba ang alitan na nangyari sa gymnasium ng ex ni Terry Chua at ang kanyang currently courting transferee girl?

Her Memories ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon