抖阴社区

Chapter 25

976 53 34
                                        

Real?

"We received a signal," paliwanag ni Amir habang sinusuyod ng mata ang paligid. "May attacker raw rito? Did you get them?"

Napairap ako, pilit pinipigilan ang isang malalim na buntong-hininga.

Ano'ng get them? I literally killed them.

Those bastards aren't the kind you can lock up and interrogate. Hindi na mga tao ang mga 'yon.

"Hadria killed it," sabat ni Nolan, paubo at nanginginig pa, pero sapat ang lakas ng boses para marinig ng lahat.

Napasinghap ako dahil sa pagbuking niya sa'kin.

 "Gago ka ba—"

Hindi ko na natapos ang reklamo ko.

Biglang may isang makapal na tela ang ipinatong sa mga balikat ko. It was a red cape, embroidered along the edges—standard issue for the Order Committee captains. Hindi ko na kailangang tumingin para malaman kung sino ang may gawa nito.

"Let's talk about it later... magpalit muna kayo," sambit ni Sullivan.

Napakunot ang noo ko, ngunit hindi ako sumagot.

"Rex, escort Nolan to infirmary," utos niya sa pormal na tono.

Agad namang kumilos si Zyrex, inalalayan si Nolan na ngayon ay nakatayo na.

"Gizelle, Amir, check the southern trail. Adenim and Spain, sa East..." Inilibot niya ang paningin sa paligid. "We'll draft the report once we confirm all perimeters. Hindi pwedeng kulang ang details nito."

Nagkatinginan ang mga members ko, tila naghihintay ng kumpirmasyon mula sa akin.

Tumango lang ako at sumagot, "Go."

Walang umalma. Isa-isa silang naglakad palayo habang ang mga hakbang nila ay unti-unting nilamon ng katahimikan ng gubat.

Hanggang sa tuluyang nawala sa paningin ang huling anino ng grupo, naiwan kaming dalawa.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Sullivan at lumapit sa harapan ko. He didn't sound bossy nor sarcastic. Instead, there was a hint of concern in his tone.

Hindi ako agad sumagot.

"Sugatan ka?" tanong ulit niya. Ang mga mata niya ngayon ay nakatuon sa kaliwang braso kong may gasgas at unting dugo. Nakuha ko siguro sa ilalim ng ilog kanina pero hindi ko napansin.

"'Di naman malala," kalmadong aniko. "Galos lang 'yan, malayo sa lungs."

Pinanliitan niya 'ko ng mata. "Hindi ako nagbibiro, Hadria."

Napatigil ako dahil sa lalim ng boses niya nu'ng binanggit niya ang pangalan ko. 

Napakaseryoso naman ng isang 'to. Eh, hindi naman siya 'yung nagalusan.

Lumapit siya ng bahagya, saka maingat na hinawakan ang pulso ko para iangat ang braso.

"Tingnan mo 'to," mahina niyang sabi habang nakatingin sa gasgas. "Galos nga. Pero hindi ibig sabihin dapat balewalain."

Sumulyap siya sa akin. "I'll take you back to Apex Manor," dagdag niya.

"Thanks, pero kaya ko na ang sarili ko," tanggi ko, pilit kong inilayo ang braso ko mula sa hawak niya, pero hindi siya nagpatinag.

Napakunot ang noo niya. "Huwag nang makulit."

Napataas ang kilay ko. "Ikaw pa talaga ang may ganang magsabi niyan?" Tiningnan niya lang ako.

"Don't resist," aniya sa mababang boses. "Kung ayaw mong buhatin kita pabalik doon."

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.

Hinton Academy: The Battle SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon