Rae Point Of View.
Umaga na. Tahimik akong nakaupo sa dining table kasama sina Lolo, Lola, Mama, Papa, at ang ilang pinsan. Sa harap ko, may mainit na kape at pancake—comfort food dapat, pero kahit isang kutsarang subo ay parang nakakasuya.
Habang nagsasalin ng kape si Mama, narinig ko na ang usapan nila.
"May babae raw sa bahay ni Camille," bulong ni Lola habang sumisip ng kape. "Bantayan niyo 'yang anak niyo. Baka magaya sa anak ni Reynold."
My grip tightened on my spoon. I didn’t need to ask who she meant. Si Eli. Alam kong si Eli 'yon.
"Baka mamaya, magsama-sama na lang silang mga babae. Akala mo lalaki," dagdag pa ni Lola sabay buntong-hininga na para bang malaking kahihiyan ang pagmamahal sa kapwa babae. "It's a shame."
Pumikit ako ng mariin, trying to breathe through the heat rising in my chest.
Hindi ko na kayang tiisin. Tumayo ako, handang umalis.
"Rae!" tawag ni Lolo, mahigpit ang tono. "Wala kang respeto! Hindi pa tapos ang kainan!"
"I'm sorry, Lolo. Pero hindi ko kayang pakinggan ‘yung mga ganung salita habang kumakain."
"Ano?! Sumasagot ka na ngayon? Ganyan ka ba pinalaki ng magulang mo?" Lola shouted at me.
That's what you called well mannered? Oh evil.
Napalingon ako sa gilid. Si Mama, tumayo na rin. Kita sa mga mata niya ang galit—pero may halo na ring hiya. Hindi ko na napigilan ang panginginig ng mga kamay ko.
At bago pa ako makapagsalita, isang malutong na sampal ang bumagsak sa pisngi ko.
Pak!
"Ikaw ang kahihiyan sa pamilyang 'to," sabi ni Mama, nanginginig ang boses. "Tapos ngayon, ituturo mo pa kay Camille ang maling landas? Hindi pa sapat na pinaramdam mo sa amin ang hiya, Rae?"
Napapikit ako, hindi dahil sa sakit ng sampal—pero dahil sa sakit ng mga salitang binitawan niya.
Slowly, I turned to her, voice low but firm. "Ang mali, ‘Ma… ay ‘yung pagtanggi n’yong tanggapin kung sino talaga ako. Kung anong klaseng pagmamahal ang totoo para sa akin."
"You're disgusting." mama whispered to my face.
I gripped my hand.
Tahimik ang buong mesa. Wala ni isang gumalaw o nagsalita.
Tumalikod ako, hindi na hinintay ang utos o sigaw. This time, I didn’t need their permission to walk away.
Sa hallway, habang lumalayo ako sa dining area, naririnig ko pa rin ang huni ng kutsara’t tinidor. Parang normal lang ang lahat para sa kanila.
Pero para sa’kin, isa 'tong panibagong sugat. At alam kong hindi ako nag-iisa. Kung ganito ang pagtanggap nila sa’kin, paano pa kay Camille… kay Eli?
Hindi ako susuko. At kahit gaano kasakit, hindi ko hahayaang manatili kaming tahimik.
Pagkatapos kong umalis sa hapag, umakyat ako sa kwarto ko at dumeretso sa kama. Hindi ko na pinansin ang panginginig ng balikat ko, o ang bigat sa dibdib ko. Sanay na ako.
Pero kahit anong lakas ko, may mga sugat na hindi nalilimutan.
I closed my eyes—and there it was again.
The flashback.
It was a Sunday. Simple lang dapat. Dapat magkikita kami sa café na madalas naming puntahan. May dala pa akong regalo. It was our third anniversary. Simple lang—isang bracelet na may initials naming dalawa.

BINABASA MO ANG
She Loved Me In Autumn (Book 1)
RandomDate Started: May 17, 2025 She was the professor-sharp, composed, and distant. She was the student-curious, hopeful, and in her final year. Their love bloomed in the quiet corners of the classroom, hidden in fleeting glances, unsent messages, and t...