抖阴社区

KABANATA 16

13 11 2
                                        

Chasing My Solace — Chapter 16

——

“Same here.”


Ang dalawang salitang ‘yon, hindi ko alam kung sapat ba sila. Kasi sa totoo lang, mas marami pa akong gustong sabihin. Mas maraming tibok. Mas maraming takot. Mas maraming pag-asang ayokong itaya pero willing akong ilaban — dahil sa kanya.


Simula nung gabing ‘yon, hindi man kami “kami,” pero may bago na. Parang may tali na sa pagitan naming dalawa. Invisible. Walang pangako. Pero ramdam. Just like a red string of fate. Patuloy kaming punaglalapit.


At sa bawat araw na lumilipas, mas lalo akong nahuhulog. Harder and harder.


——


“Kelan mo balak ipakita ‘yang sketchbook mo sa mundo?” tanong ni Enzo habang tinatapik ang notebook ko.


“Nakita mo na nga, eh,” sagot ko, pilit tinatakpan ang cover.


“Pero ako lang. Gusto kong makita ka ring ipinagmamalaki mo sarili mo.”


Napatingin ako sa kanya. Sa paraan ng pagkakasabi niya — walang judgment, walang pilit, pero may puwersang bumubuo sa confidence ko. ‘Yung klase ng paniniwalang gusto mong paniwalaan dahil sa taong nagsabi.


“Saka na. Hindi pa ako ready.”


“Sabihan mo ako kapag ready ka. Ako ang number one fan mo.”


Napangiti ako. “Feeling ko madami kang number one fans.”


“Hindi. Lahat sila, followers lang. Ikaw lang ‘yung tinitingala ko.”


At doon, muling tumibok ang puso kong parang teenager sa first crush. Parang bata lang na binigyan ng candy, or a teenager na na-inlove sa crush niya sa school.


——


Isang linggo bago ang finals ng isang photography exhibit na sinasalihan ni Enzo, niyaya niya ako sa rooftop ulit.


Pero ngayon, may set-up. May mga ilaw. May props. May camera sa gitna. Akala ko shoot lang ulit. Pero pagkadating ko, may table na may dalawang upuan, at paper bag na may drawing ng kamera at gown — halatang pinagsama ang mundo namin.


“Anong meron?” tanong ko.


Napapangiti habang pinagmamasdan ko ang mga magagandang decorations. Parang pinaghandaan talaga niya ng mabuti ito.


“Gusto ko lang magpasalamat.”


“Sa alin?”


“Sa inspirasyon. Sa tahimik mong suporta. Sa pagiging ikaw.”


Umupo kami sa table, habang naka-on ang maliit na speaker niya, tumutugtog ng mellow na instrumental version ng paborito naming café playlist.


“Bakit parang ang formal mo?” natatawa kong tanong.


“Gusto ko lang malaman mo na kahit wala tayong label, hindi ibig sabihin wala tayong halaga.”


Tumigil ako sa pagtawa. Parang may tinamaan sa loob ko.


“Hindi mo ako kailangang ipangako, Enzo,” mahina kong sabi. “Hindi kita hinihinging sa’kin ka lang. Gusto ko lang malaman mo — ako rin, pinili kitang nandito. Araw-araw. Dahan-dahan.”


Tumango siya.


“Sapat na ‘yon.”


Pero sa loob ko, may boses na nagtatanong — hanggang kailan magiging sapat ang “dahan-dahan”?


CHASING MY SOLACE (series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now