抖阴社区

CHAPTER 9

7 0 0
                                        

HEART'S POV

"Hoy yanna!" Napatingin ako kay blaire ng sumigaw sya. Nahiya naman ako bigla argh kakainis kasi! Hindi mawala wala sa isip ko yung nangyari nung gabi na yun.

"Sorry. Bakit?" Tanong ko naman sakaniya. Andito na kami ngayon sa bahay ni ma'am maureen kasalukuyang hapon na wala si ma'am maureen ngayon dito nasa trabaho nya dalawang linggo na din since nung nakauwi kami at dalawang linggo ko na iniiwasan si ma'am maureen. Paano ba naman nakakahiya. Hinalikan ko sya nung gabing yun at muntikan na may mangyari samin! Sa pagkaka alala ko ay buti na lang ay may kumatok kaya hindi na natuloy at ayun nakatulog na ko nun, pagka gising ko nun nasa tabi ko si ma'am maureen tulog pa. Hays..

"Pansin ko lately lagi ka natutulala! Is there something wrong ha? May problema ka ba??" She ask me napaiwas naman ako ng tingin. Hindi nya pwede malaman.

"Ah.. Wala naman. N-nahihilo lang hehe, sumasama pakiramdam ko nitong mga nakaraan ko pa nararamdaman." Pag sisinungaling ko. Sorry blaire but i have to. Nanatiling nakatingin lang sya sakin parang sinusuri mukha ko, nagulat ako ng bigla nyang sapuin mukha ko.

"OMG! Heyyy why ngayon mo lang sinabi! Ghosh yanna! How's your feeling? Ano masakit sayo? Uminom kana ba ng gamot? What do you want to eat? Why you didn't tell me right away nung naramdaman mo! You're making me so worried yanna! I can't live without you! You're my bestfriend- No no no! You're not just my bestfriend! You're my sissy! Huhuhu don't leave me yanna!" Mahabang sambit naman nya. Oa ah! Hindi ako mamamatay! Napaka oa talaga kahit kailan.

"Blaire masakit! Baliw ka hindi pa ko mamamatay! Masama lang pakiramdam ko okay?" Humiwalay naman ako sa pagkakayakap nya sakin.

"Aww.. Just please, don't leave me. Don't you dare try to leave me yanna! Hays." Hindi na sya muli nagsalita at nakatulala na lang. Lakas ng tama ah hay nako.

"Uminom ka na ba ng gamot?" Biglang sambit nya. Napangiti naman ako bago tumango.

"Good. Ano ano ba nararamdaman mo ha? Tell me, i wanna know!" Sambit nya. Ano naman sasabihin ko? Letse.

"Ah.. Ano.. Uhm.." Hindi ko alam sasabihin ko, napatingin ako kay blaire na nag aantay naman sya ng sagot ko. Kaya napaiwas ako ng tingin, hindi ko talaga alam sasabihin ko!

"Ano nga?!" Napairap naman ako ng sabihin nya yun. Atat na atat ha.

"Kalma! Ito na nga eh! Nahihilo ako, nanghihina at.. uhm..." Napatigil naman bigla dahil hindi ko na alam sasabihin ko.

"At ano??? Yanna ano??! Ituloy mo wag ka pabitin!" Imbyernang aniya naman ni blaire. Atat na atat ah! Teka ikalma mo blaire.

"Ano.. Nahihilo, nanghihina at.. at ano nasusuka? Oo! Nakakaramdam ako ng hilo, panghihina at nasusuka ako palagi!" Kita ko naman ang panlalaki ng mata ni blaire na akala mo ay hindi makapaniwala. Nagtaka naman ako. May mali ba sa sinabi ko?

Wait..

Nahihilo..

Nanghihina..

N-Nagsusuka??!!

WHAT THE HECK!

Ahhhhh yanna! Mali mali bakit ayun sinabi mo!

Magsasalita sana ako ng biglang tumili ng sobrang lakas si blaire.

"Yaaaaaaaaahhhhh!!" Napatakip naman ako ng tenga. Aray sakit ah.

"Omg omg omg! YANNA! SINO?! WHY YOU DIDN'T TELL ME?! WHY! Omg i felt betrayed. Kelan pa?? And.. Who's.. Whos the freaking father?!" Sigaw nya sakin. I knew it.

"What?" Natigilan naman kami ng biglang may nagsalita. Napalingon kami kung san vanda galing yung boses at hindi ako nagkakamali si ma'am maureen yun! Pakshet narinig ata nya! Ahhhh ano ba kasi itong naisip mo yianna!

THE DAY SHE SAID GOODBYE Where stories live. Discover now