抖阴社区

CHAPTER 3

4 0 0
                                        

"Wala nang pakialam ang daddy mo sa akin nasa Thermopylae siya kasama ang babae niya ano ba'ng kasalanan ko sa kanya?"

niyakap niya ito "Mama, that's enough hayaan mo na si papa"

Naiinis siya dahil sobra-sobra kung mahalin ng kanyang ina ang kanyang ama, hindi nito magawang iwan ang kanyang ama kahit pa nasasaktan na ito pero nang mga sandaling iyon ay nakakaawa ito.

Isang dating beauty queen ang kanyang Ina, nakuha ito sa matatamis na salita ng kanyang ama nabuntis ito kaya napilitan ang kanyang ama na pakasalan ito her father resented them both hindi raw mapipigil ng kasal ang anumang gusto nitong gawin her father continued womanizing, hindi na yata mababago iyon habang napapabayaan naman ng kanyang Ina ang sarili nito sa kakahabol sa kanyang ama.

"I love him, saskia! I can't stop loving him and I can't live without him"

Nanghingi siya ng saklolo na tumingin sa kanyang tita Artemis nahihirapan na ang kalooban niya sa kanyang batang isip hindi niya alam kung bakit nangyayari pa iyon.

Umuklo si Artemis sa harap ni Agnes at hinaplos ang buhok nito "Ayusin mo ang sarili mo Agnes babalik na tayo sa pilipinas"

Umiling si Agnes "Ayuko! di ko kayang mawala ang kapatid mo sa akin hindi ako papayag na mapunta Siya sa babaeng iyon"

"Maniwala ka sa akin kung sasama ka sa akin pauwi sa pilipinas babalik siya sa iyo" pang-aalo ni Artemis

kumunot ang noo niya hindi niya alam kung paano mangyayari iyon kapag bumalik sila sa pilipinas magkakaroon ng kalayaan ang kanyang ama na sumama sa babae nito. Subalit pabor sa kanya na umuwi sa pilipinas nang wala ang kanyang ama mas matatahimik siya.

Makakatagpo kaya siya ng lalaki na hindi magpapaiyak ng babae? Anong klaseng lalaki kaya si Reichen? hindi niya mapigilang ngumiti sa tingin niya ay masarap magmahal ito naramdaman niya iyon aalagaan siya nito.

"O, bakit hindi maipinta ang mukha mo?" Tanong ni Artemis habang bumibiyahe sila papunta sa Artemis Equestrian Center.

Weekend noon kaya wala siyang pasok sinundo siya nito sa villa nila sa white plains para makasama ito buong weekend.

"Ayuko po sanang Iwan si mama kay papa"

"Hindi ka ba natutuwa na bumalik na ang papa mo?"

Gaya ng inaasahan nito sumunod nga ang kanyang ama sa pilipinas ito mismo ang nanuyo sa kanyang ina at nangako na hindi na titingin sa ibang babae at pinatawad naman ito ng kanyang Ina gusto sana nitong bumalik na sila sa Greece pero simula na ang klase niya.

Bumuntong hininga siya at tumingin sa labas "Napapagod lang po ako, hindi ko maintindihan kung bakit binabalikan pa niya si mama pero lolokohin din niya"

"Malay mo? nagbago na ang papa mo give him a chance"

Itinaas niya ang kanyang kamay "I know he is my father but I don't trust him as a man, si mama na lang ang nagbibigay ng chance sa kaniya, mas mabuti kung sa boarding school na lang ako sa abroad"

Nagpasa siya ng application form para sa isang international boarding school sa london na may sariling equine or horse sports school, ang totoo ay ang mga ito mismo ang nag-alok na gawin siyang scholar pagkatapos niyang manalo ng grand prize sa competition she couldn't miss the chance.

"Sayang kung kailan pa nabubuo na ang pamilya mo"

"Di ko naman sinisira ang pamilya ko Tita, I just want to fulfill my dreams I have to do this as your heir" nakangiting wika niya.

"kaya hindi ako nalulungkot na wala akong anak because you are there I know you will make the riding school more productive someday ikaw ang magpapatuloy sa lahat ng pangarap na nasimulan ko"

Napansin niya na iba ang dinaraanan nila "Tita, this is not the way to the Equestrian Center" pukaw niya rito.

"Yes, sa Alleje farm tayu magla-lunch"

"Alleje farm? Doon po sa farm nina Reichen?"

"Yes, dito nagbakasyon si Reichen sa pilipinas dito na kasi naka-settle ang family niya at hindi na sa spain ibinenta na ng pamilya niya ang negosyo nila noon"

Anak ng dating Ambassador ang ama ni Reichen at nakilala ang kastillang ina sa madrid nang doon tumira ang mga Alleje kaya sa spain na ipinanganak at lumaki ang magkapatid na Reichen at Reid ayon sa kwento ni Artemis nagbakasyon lang ang pamilya Alleje sa pilipinas kaya naging estudyante ni Artemis sa Equestrian center, parehong mataas ang respeto ng mga ito kay Artemis bilang guro.

"Makikita ko na si Reichen" Hindi niya maitago ang excitement.

Ilang beses ba niyang pinangarap na bumalik sa Vienna para makita ulit ito?

"Makikita ko na rin ang lapizzan horse niyang si favory"

Namangha siya nang pumasok sa Alleje farm ilang daang ektarya ang naturang farm halos puro berde ang nakikita niya at kitang-kita rin niya ang magandang view ng taal lake they breed some of the best horses in the world nakapag-asawa kasi ng isang oil sheikh ang tiyahin ni Reichen na may breeding farm ng mga Arabian horses sa pandinig pa lang niya ay parang paraiso na iyon.

Sinalubong sila ng kapatid ni Reichen na si Reid kung palangiti si Reichen mukha namang hindi ito marunong ngumiti.

"So you are teacher Artemi's niece who won the competition naikwento ka na sa amin ni Reichen"

"Really?"

Ganoon ba siya ka-espesyal para ikwento sa iba? siguro nga ay espesyal ang turing sa kanya ni Reichen katulad ng itinuturing niya ito bilang pinaka-espesyal na lalaking nakilala niya.

"Yes, nasa stable siya ngayun, Kasama si favory ipapatawag ko para maipasyal ka niya" ani ni Reid

"Si Reichen muna ang bahala sayo dahil may importante kaming pag-uusapan ni Reid" sabi naman ni Artemis.

Isang golf cart ang naghatid sa kanya sa stable ng farm may kalayuan din kasi iyon sa villa malapit siya sa stable, natanaw niya si Reichen na nakatayo sa tabi ng lapizzan horse na sa hula niya ay si favory, subalit hindi nag-iisa ito dahil dalawang babae na nakasuot ng mini-skirts at sleeveless blouses ang kasama nito they had big breast halos lumuwa na ang mga iyon sa mga blusang sout ng mga ito.

Taming The Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon