抖阴社区

Kabanata 35

4 0 0
                                        

Realizations

Lunes na naman at panigurado akong maraming gagawin ngayong araw dahil nag-announce kagabi ang official page ng SSG ng StoneHigh na magkakaroon daw ng event sa school na tinatawag na confession day. Hindi ko alam na may paganon pala tuwing confession day.

Tinitigan ko ang sarili sa harap ng salamin bago sinukbit ang bag sa balikat at tuluyan nang umalis ng bahay. Umaga palang tirik na kaagad ang araw kaya kahit kakaligo ko lang ay pawis pawisan na ako.

Ilang minuto akong nag antay na dumating si prof pero mukhang hindi yata siya magtuturo ngayong araw. Maya maya pa'y pumasok ang SSG officers mukhang ito na nga ang announcement nila.

"Good morning everyone!" sabi ng ssg president pero hindi siya pinansin ng mga kaklase ko.

"Ano wala manlang hello or goodmorning gusto niyong bigwasan ko kayo? kilalanin niyo kung sino ang nasa harap ngayon," inis niyang saad sabay hawi ng buhok niyang akala mo'y mahaba.

"Akala ko kasi clown si pres pala," biro ng isa kong kaklaseng lalaki kaya pinandilatan siya ng mata nito.

Nakasuot pa rin si pres ng school uniform na panglalaki pero ang mukha niya ang ay naka makeup. Kailangan kasing sumunod sa rules ng school kahit gusto mo magdamit pangbabae.

"Anyways pumunta lang naman ako for important announcement. Kaya 'wag niyo 'ko kupalin please lang ayoko munang magmukhang chaka kaagad aga!" umirap pa siya.

Nagsimulang mag sulat ang secretary sa board ng mga important announcement at tama nga ang hula ko about sa confession day ang announcement nila.

"So ito na nga alam ko naman na you guys are already aware na sa magaganap na confession day sa third week of this month. So nag announce na me for early preparation ayoko namang machaka kayo sa stress 'no!"

"Each section may naka assign na gagawing booth kayo nalang mamili kung anong booth ang gagawin ninyo," paliwanag niya pa.

Nagtaas ng kamay ang isa kong kaklase. "Pres how about card booths?" suggestion niya sinulat naman ito ng secretary sa board.

"Anonymous confession booth."

"Uhh cupid booth."

"Agree ako sa anonymous confession booth."

Lahat ng mga kaklase ko ay may kanya kanyang suggestions kung anong booths ang gagawin.

"Do you have any suggestions?" narinig kong tanong ni Travis sa tabi ko.

"Wala. . ." sagot ko.

"Ikaw?" tanong ko pabalik sa kanya.

Umiling ito. "Wala rin."

Lumipas pa ang ilang oras ng pag-uusap nauwi ang desisyon sa anonymous confession booth. Pagkatapos ay nag usap narin ang section namin para sa mga gagamitin naming materials at kung ano ang gagawin namin sa booth.

"Travis, Athena, Aezhury and Owen kayo ang bibili ng materials natin tapos the rest tutulong sa design," sabi ng president namin.

Lahat kami ay sumang ayon sa sinabi niya. Walang magiging klase ngayon para daw matuon ang atensyon namin sa paggawa ng mga booths.

Lumabas kaming apat ng school para bumili ng mga materials na gagamitin namin.

"Ano bang mas maganda itong pink or red?" tanong ni Aezhury habang hawak ang rolyo ng mga ribbon.

"Pink nalang siguro para maiba?" sabi ko.

Nilagay namin sa cart lahat ng pinamili. Sila Travis at Owen ang nagdala ng mga pinamili.

(Time series #1) Past and Future Where stories live. Discover now