抖阴社区

Chapter 5- Testing The Water

15 1 0
                                        

Lingon sa kaliwa. Lingon sa kanan. Halos mabali na ang leeg ni Carmela sa paghahanap ng bagger na pwedeng pakisuyuan.

Maraming pinamili ang customer niya at nag-request ito na ipa-box nalang. Nang wala pa rin siyang makita ay gumamit na siya ng telepono at nakisuyo sa isang Customer Service Assistant na ihanap siya ng bagger na available.

Pinagpatuloy niya ang pag-i-scan ng pinamili ng customer nang may lumapit na bagger.

"Ma'am may bagger na ba dito?" Natigilan siya saglit ng makita ang lalaki.

"Wala pa Sir e."

"Sige ako nalang muna dito." Ngiti nalang ang naisagot niya sa lalaki. At sinimulan na nitong ilagay sa box ang mga pinamili ng customer.

"Sir, dito ka lang wag ka muna umalis baka may customer na magpa-box ulit." Dahil baguhan palang siya mabagal pa siyang kumilos kaya mas gusto niya n may bagger siyang katulong.

"Ang sweet mo pala no?" Nakangiti niyang sabi na ikinakunot ng noo ni Carmela. "Buti hindi seloso ang boyfriend mo."

Alam na niya ng mga oras na iyon na gusto ng lalaking malaman kung may boyfriend ba siya o wala.

"Wala akong boyfriend. Girlfriend mayroon." Hindi niya napigilang tumawa nang makita ang reaksyon ng lalaki.

Pumunta pa ito sa kabilang lane at kinuwento sa bagger na nandoon ang naging sagot niya.

"Hindi nga? May girlfriend ka? Sayang liligawan pa naman sana kita." Sabi ng lalaki ng muli itong bumalik sa lane niya.

Napapailing siya habang natatawa. "A typical man." Nasabi nalang niya sa sarili.

Dadaanin sa biro ang panliligaw at kapag kumagat ang babae e di itutuloy na. Sayang ang opportunity kumbaga.

Hindi na niya nilinaw ang kanyang sagot hanggang sa pakisuyuan na ito ng ibang cashier at iwan siya sa lane niya.

Maganda ang gising niya kinabukasan. Hanggang panaginip ay nandoon ang lalaki.

Sa panaginip niya ay tinatawag niya ang pangalan nito na hindi naman niya sigurado kung iyon nga ang pangalan nito o hindi kaya nang magising siya ang una niyang naisip ay alamin ang pangalan ng lalaki.

Kanina pa nag-iisip si Carmela kung paano niya malalaman ang pangalan ng lalaki na hindi siya nahahalata ng mga katrabaho niya na may gusto siya rito.

Nagkataon na na-assign siya sa accessories booth at hindi niya kailangang magkaha doon dahil may sariling tao ang stall na iyon.

Ang kailangan lang niyang gawin ay magbantay kung may sasalisi ba o hindi sa nagbabantay doon. Dahil bihira lang naman ang taong pumapasok sa booth ay nakakapag-isip siya.

"Ma'am sabi nga pala sa 'kin nung isang bagger crush ka daw niya." Nakangiting sabi ng nagbabantay ng stall.

"Sino po?" Na-curious na tanong niya.

"Iyong singkit. Masasabi kong siya ang may pinaka may itsura sa lahat ng bagger dito."

Napaisip siya. Isa lang naman ang kilala niyang bagger na singkit ang mata. Iyon ay ang lalaking hindi pa rin niya alam ang pangalan hanggang ngayon.

"Ahh. Baka po 'yong nagsabi na liligawan daw po niya ako kung wala akong girlfriend." Natatawa niyang sabi.

"Talaga? May girlfriend ka?" Gulat na tanong nito.

"Bawal ang kwentuhan, trabaho muna. Trabaho." Natawa nalang si Carmela nang marinig ang sinabi ng lalaki.

"Singkit di ba gusto mong manligaw kay Carmela?"

"E Ate may girlfriend po siya e."

The Pieces of the PuzzleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon