抖阴社区

Chapter 15

31.5K 293 4
                                        

Maagang nagising si Eric at hinanda ang sarili para sumama kay Kristal at muling harapin si Mylene -habang si Kristal ay mahimbing paring natutulog -nagkasya nalang syang panoorin ang maganda at maamo nitong mukha -ayaw nya rin kasi itong gisingin -alam nyang napagod ito sa ginawa nila -napapangiti nalang sya sa tuwing maalala kung papano ka intimate kung magtalik sila nito

Uhmm -pupungas -pungas si Krista ng magising -kanina ka pa gising? -tanong sa lalaking nakatitig lang sa kanya

Medyo -hindi kasi ako nakatulog ng maayos sa sinabi mo nakukunsensya ako -diritso nitong sabi habang hawak ang kamay ni Kristal

You can make ate happy Eric -kahit sa natitirang oras nya iparamdam mo sa kanya na importante sya sa buhay mo

Paano ka?

Marami pa tayong panahon para maging masaya -titiisin ko ang sakit para kay ate

Sa narinig hinila ni Eric si Kristal at mahigpit na niyakap -papasayahin ko si Mylene ng hindi ka nasasaktan -aalagaan ko sya -aalagaan natin sya di ba?

Marahang tumango si Kristal bilang pagsang-ayon -maligo lang ako para mapuntahan na natin si ate -at hindi nya na hinintay ang sagot nito nagtuloy na sya sa banyo -ito naman ay bumaba na at naghanda ng kanilang almusal

Ate marahang tapik ni Kristal sa balikat ng kapatid -agad naman din itong nagmulat

Kanina ka pa nakabalik? -agad na tanong nito -kumusta sya? -marahang tanong pa nito

Nginitian ito ni Kristal bago lumingon sa nakaawang na pinto -kasama ko sya ate -namilog naman ang mata ni Mylene sa pagkabigla

Bakit mo sya dinala -mahina nitong bulog

Kailangan nyong mag-usap -hinalikan nya ang kapatid bago ito lumabas ng kwarto

Kumusta? -mahinang tanong ni Eric kay Mylene bago ito umupo sa gilid ng kama nito

Pinapapuntahan lang naman kita kay Kristal para alamin kung kumusta ka na -hindi ko naman sinabi sa kapatid kong yun na isama ka -sagot ni Mylene

Bakit hindi mo sinabi ang tungkol sa sakit mo?

Dahil alam kung gugustuhin mong magpagamot ako kaysa buhayin ang bata sa sinapupunan ko

My kapag gumaling ka naman pwedi ka pa magka-anak e kahit ilan pa

Nakapag desisyon na ako Eric mahal ko ang anak natin -hihilingin ko lang sayo na sana mapatawad mo ako sa pang-iiwan ko sayo sa araw ng kasal sana natin -at sana alaga mo ang anak natin kapag wala na ako

Forbidden Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon