抖阴社区

Chapter 40

1.8K 168 39
                                        

Christine's POV

"Bye, Lil' sis. Bye din Trisha."

"Oh em gee! Oh em gee! Oh-"

Bago pa maadik si Trisha sa oh em gee na 'yan ay tinakluban ko na 'yung bibig niya.

"Mamaya ka na mag-oh em gee ng oh em gee. Gutom na gutom na ako. Let's go!" sabi ko sa kanya bago siya hinila papapunta sa lugar kung saan nakaupo ang mga kaibigan namin.

"Uy, Ryu! Okay ka na?" tanong ni Trisha kay Princess ng makita niya ito.

Tumingin lang ng masama si Princess kay Trisha.

"Beastmode pa rin..." bulong ni Trisha.

"Syempre. Ikaw ba naman makakita ng lalandi sa bias mo tapos gutom pa." sabi ko sa kanya.

"Teka! Nasaan ang BTS?" tanong ko sa kanila.

"Ayun oh." sabi ni Shy sabay turo sa isang gilid.

Honestly, mukha silang mga batang yagit na hindi nakakain ng matagal pero si Jin.

Bakit siya ganon? Naayos na ng nurse 'yung sugat niya pero hanggang ngayon parang problemado pa rin siya.

Alam ko naman na close na sila ni Noelyn pero hindi ba masyadong weird? Kasi kung tutuusin kami dapat ang sobrang nag-aalala.

Hala nako! Kakain muna ako. Ayaw na gumana ng mga brain cells ko.

"Kumain na nga tay-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang lumabas ang doktor na nag-asikaso kay Noe.

"Sinong kamag-anak ng pasyente?" tanong niya habang iniisa-isa kami ng tingin.

Lintek na doktor 'to epal eh.

Gutom na gutom na ako mga bes.

What to do?

"Ako po. Bestfriend niya ako." sabi ko sa kanya bago umirap ng palihim.

"I'll direct you to the poin-" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin dahil gutom na gutom na talaga ako.

"Eh ano pa po bang gusto n'yong gawin? Mag-chikahan tayo?" tanong ko sa doktor.

Bata pa siyang tingnan. Siguro mga twenty-three years old palang siya.

Take note! Gwapo siya.

"Oh, sorry. Your friend is now okay but hindi ko masasabi kung kailan siya gigising." nakangiting sabi sa akin ng doktor.

Ang gwapo niya pala talaga.

"Pwede na po ba namin siyang puntahan?" tanong ko dito.

"Yeah. Nalipat na rin namin siya sa private room."

"Salamat po..." sabi ko bago mag-bow.

"No problem. Sabihin niyo na lang sa akin pag nagising na siya." sabi ni doc bago umalis.

"Hoy, Tin! Grabe ka doon sa doktor ah." sabi agad sa akin ni Trisha pagkaalis ng doktor.

"Bakit naman?" takang tanong ko.

"'Yung una mong sinabi. Kaloka! Utas eh." tumatawang sabi nito.

"Edi wow. Tara na nga sa room ni Noe. Doon na tayo kumain." sabi ko sa kanila bago binitbit ang pagkain ko.

"SINONG magbabantay kay Noe?" tanong ni Angelli.

Nandito kasi kami sa hospital room ni Noelyn. Pasado alas-syete na rin ng gabi at kanina pa kami nakatunganga dito.

Napatingin naman ako bigla sa cellphone ko na nag-ring at nakitang si Macey ang tumatawag.

Hala shit! Ngayon ko lang naalalang kasama ko nga pala si Macey.

"Hello, Macey?"

["Eonnie, nasaan po kayo?"] tanong nito. Halata sa boses niya na nag-aalala siya.

"Macey, nasa ospital kami. Dinala kasi si Noe dito pero don't worry. Pabalik na 'yung lima." mahinahong sabi ko sa kanya.

["Mag-istay ka d'yan, Eonnie?"] mahinang tanong nito.

"Oo eh. Magpakabait ka doon sa lima."

["Opo. Take care, unnie!"] sabi nito bago ibinaba ang tawag..

"Ako na ang magbabantay kay Noe. Bumalik na kayo sa resort. Pakibantayan na lang si Macey para sa akin." sabi ko sa kanila.

"Ikaw lang mag-isa?" tanong ni Trisha.

"Oo. Kaya ko na 'to." nakangiting sabi ko sa kanila.

"Babalik ako dito. Kukuha ako ng damit niyong dalawa." sabi niya sa akin.

"Sige. Salamat..."

"Babalik kami bukas ng maaga." sabi sa akin ni Princess.

"HI, Cz." napalingon naman ako kay Jin na kakapasok lang.

"Oh, Jin!"

"Nagulat ba kita?" natatawang tanong niya sa akin.

"Medyo lang naman." nahihiyang sagot ko sa kanya.

"Akala ko nakauwi na kayo? Hindi ba kayo sumabay sa mga baliw kong kaibigan?" tanong ko sa kanya. Umupo naman siya sa tabi ko bago tumingin kay Noelyn na payapang nagpapahinga.

Iàsang mahabang sofa kasi 'tong inuupuan ko ngayon.

"Nagpaiwan ako." sabi niya sa akin.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Alangan namang mag-isa kang magbantay dito 'no." nakangiting sabi niya sa akin.

Mukha namang hindi lang 'yun ang dahilan niya kaya siya nagpaiwan eh.

"Kaya ko naman sarili ko." nakangising sagot ko sa kanya.

"Dapat nga magpapaiwan din si Jungkook at Jimin eh." natatawang sabi niya sa akin.

"Anyare?"

"Sabi ko ako na lang ang magpapaiwan dahil magpapapogi points lang 'yun sa'yo." hinataw ko siya ng mahina sa braso.

"Hindi kaya!" mabilis na depensa ko.

"Masyado na silang halatang may gusto sa'yo. Hindi pa ba umaamin?" natatawang tanong nito sa akin.

"H-Hindi..." sabi ko bago tumungo. Ayoko siyang tignan dahil baka mahalata niyang nagsisinungaling ako.

"Weh?" tanong niya pa na parang nang-aasar.

"Hindi nga. Kulit mo!" mataray na sabi ko sa kanya bago umirap.

"Swerte sa'yo ng mga kaibigan mo." sabi niya bigla sa akin.

"Hindi rin." natatawang sagot ko sa kanya.

"Believe me, ang swerte sa'yo ng mga kaibigan mo. 'Yung totoo mong kaibigan." seryosong sabi niya sa akin.

"Bakit ganyan ka? Ang bait mo sa akin." takang tanong ko sa kanya.

"Kasi mabait ka rin sa amin..."

"Ahm, thank you..." naiilang na sabi ko sa kanya.

"Sige na matulog ka na. Ako ng magbabantay kay Noe." sabi nito sa akin.

"Pero kasi babalik pa si Tr-"

Pinutol niya na 'yung sasabihin ko at ihiniga ako sa balikat niya.

"Ako ng bahala sa kanila. Matulog ka na. Nine forty-nine na, oh."

"Pe-"

"Tulog na..." pagpupumilit niya pa.

"Ito na nga eh. Goodnight!" sabi ko sa kanya bago tuluyang mapunta sa aking dreamland.

BTS Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon