抖阴社区

Kabanata 2

3.2K 110 40
                                    

A/N: Listen to the multimedia while reading! Enjoy!

***

"It's so strange that autumn is so beautiful, yet everything is dying"

-ANONYMOUS

***

Dahan dahang minulat ng dalaga ang kanyang mga mata. Natagpuan niya ang sarili sa isang madilim na kwarto. Nag-iisa siya at tanging liwanag ng buwan ang nagbibigay ng ilaw sa silid kung saan siya naroroon.


"Nadine...Nadine...." Tawag sa kanya ng isang tinig. Hindi niya mawari kung bakit tila sumusunod ang mekanismo ng kanyang katawan sa tawag. Dahan dahan niyang inaangat ang katawan at bumangon mula sa pagkakahiga. Tumayo siya at naramdaman ang malamig na sahig na kanyang inaapakan.


Tila malakas na tambol ang pagkabog ng dibdib nito. Panay rin ang pagtagaktak ng pawis sa buo nitong katawan.


"Nasaan ako? Anong ginagawa ko dito?" mahina niyang inusal. Iginala nito ang kanyang paningin sa kabuuan ng silid ngunit wala siyang nakitang tao. Mas lalo siyang kinabahan. Takot ang dalaga sa dilim, isa ito sa kaniyang kahinaan.


"J-James," naiiyak niyang naibulalas sa pagbabaka-sakaling maririnig ito ng kasintahan. Napasinghap siya ng muling marinig ang tinig. Kakaiba iyon at animo'y may hipnotismong angkin.


"Nadine....Nadine..." Napapitlag siya ng unti unting bumukas ang pintuan ng kwarto. Isang anino ang kanyang nakita. Halos lamunin na siya ng kaba at takot. Unti unti na ring nanlalambot ang kanyang tuhod.


"S-sino ka?" Matapang niyang tinuran sa kabila ng kaba at takot na nararamdaman. Ngunit wala siyang nakuhang sagot. Tanging anino lamang ang kanyang nakikita--anino ng isang estranghero. Hindi niya iyon makikilala sapagkat para bang ikinukubli ito ng kadiliman na bumabalot sa lugar.


Dahan-dahan nitong inihakbang ang mga paa palapit sa anino. Nanginginig siya habang lumiliit ang distansya sa pagitan nila. Ngunit nawala ang anino at napansin ang pagtakbo nito palayo.


"T-teka lang!" Wika niya habang pilit itong sinusundan. Napabuntong hininga siya ng mawala ang anino sa kanyang paningin.


"Guys, nasaan na kayo? Hindi ito magandang biro," usal niya habang takot na takot na naglalakad at pinagmamasdan ang nadadaanan. Nananatili ang kaba at takot sa mukha ng dalaga.


Halos mapatalon naman ito sa gulat ng biglang makarinig ng ingay mula sa isang silid. Mas lalong lumakas ang pagkabog ng kanyang dibdib. Dahan dahan nitong inilapit ang tenga sa pinto ng sa gayon ay marinig ng malinaw ang ingay na nagmumula sa loob.


Napataas ang kanyang kilay ng mawala ang ingay. Sa labis na kuryosidad ay nagpasiya itong pumasok sa loob. Tumatagaktak ang pawis at nanginginig nitong hinawakan ang seradora ng pintuan.


Maririnig ang mahina niyang pagsinghap habang dahan-dahang binubukasan ang pintuan. Kinilabutan siya ng marinig ang ingit na nilikha ng binuksan niyang pinto.

The Cursed BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon