(Hello. Sana ishare nyo yung story sa iba para madami tayong magbabasa at makikisali sa mangyayari. Hahaha. Vote at comment na din kayo. Salamat. - Mela)
ZAK’S POV
“Oo. Ikaw na ang bahalang pumili ng makakalaban.” Kausap ko yung trainor ko habang nandito ako sa mall ngayon iniintay ang magaling kong kaibigan.
“Ikaw na ngang bahala.” Napaharap ako ng may kumaway na isang babae.
Teka nakatingin ba sya dito?
“Sweetie!” sigaw nung babae habang kumakaway. Tumingin ako sa likuran ko pero salamin lang ang nandun.
Wow ang tindi naman nitong babaeng ‘to. May pakindat-kindat pa syang nalalaman. Akala mo kung sinong maganda. Nakakainis talaga ang mga babae kahit kelan!
Tinalikuran ko na lang sya at bumalik sa kausap ko. “Ano nga ulit? May aswang kasi dito sa mall.” Naiinis kong sabi ng naramdaman kong may biglang yumakap sa’kin.
“What the f*ck!” sigaw ko.
“I’ll call you back!” sabi ko sa kausap ko.
Tiningnan ko ng masama ‘tong babaeng ‘to. Nakangiti pa. Suntukin ko kaya ‘to sa mukha.
“Ikaw naman. Okay lang na PDA tayo. Namiss kasi kita agad. Ha – ha – ha.” Mukhang ninenerbyos sya sa tingin ko. Aba dapat lang.
Teka! Ano daw? Namiss nya ako? Eh kung hindi ba naman baliw ‘tong babaeng ‘to eh.
Dahil sa asar ko inalis ko yung kamay nya sa pagkakayakap sa’kin. Sa higpit ng hawak ko mukhang nasaktan sya. Para syang iiyak.
“Excuse me mi – ”
O.O
Baliw ba sya? Bakit sya nanghahalik? Iheadbat ko kaya ‘tong loka-lokang ‘to!
A-ano bang dapat kong gawin?
a. Suntukin sya
b. Suntukin sya
c. Suntukin sya
Bwisit ka talagang babae ka!
“Babe I think we should go!” sabi nung isang babaeng kasama nya.
Dahil hindi ko naman kayang manuntok ng babae itinulak ko na lang sya ng malakas tsaka ko pinunasan yung bibig ko. Nakakadiri sya! Ang kapal ng mukhang halikan ako!
“Wala akong sakit don’t worry.” Mayabang nyang sabi habang nakatingin dun sa umalis na babae kasama yung syota nya siguro yun.

BINABASA MO ANG
Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)
Teen Fiction(Wag kayong malito kung ano ang pagkakasunud-sunod ng PH books.) Simple, top student and role model for many - she's Alexa. A girl who has everything she ever wanted but still keeping her feet on the ground. She promised herself not to love again a...